Chapter 2.

10.9K 168 2
                                    

SA HINDI sinasadya ay nagkatingin silang dalawa. Namangha ang dalaga sa ganda ng mata ng binata. 'Wag kang titingin sa mata nila.' Biglang nanlamig si Luna ng maalala ang sinabi ng mayorda.

Kaya naman daling-dali napayuko ang dalaga at nanlaki ang mata ng dumapo ang tingin niya sa kamay kung saan nakalagay sa gitnang parte ng binata. Mabilis niya itong binawi at mariing napapikit dahil s akanyang katangahan. "S-sorry po!" Pinagsiklop ng dalaga ang kanyang kamay at madiin itong kinurot

'Matatanggal na ba ako?' Hindi mapigilang mag-isip ng dalaga dahil sa unang araw niya ay palpak na siya.Napatingin si Luna sa direksiyon nina Stell kung saan nakangising nakatingin ito sa kanya tila nasisiyahan sa kapalpakan na nangyari sa kanya.

Padabog itong tumayo at walang ingay na umalis. "Pasensya na po." Mahinang saad ng dalaga.

"It's okay, Luna." Ani ni Ma'am Alliana. Walang imik na bumalik ang dalaga kung nasaan sina Manang. Nangisi sina Stell habang si Manang ay seryoso itong nakatingin sa dalaga.Tahimik na natapos ang kanilang pagsasalo kaya naman niligpit na nila ito at kumain na rin sila.

Hindi na bumalik ang pangalawang anak ni Ma'am. "Sanchez, pinapatawag ka ni Master." Ani ni Oscar, ang kanang kamay ng amo ko na si Sir Sin.

Napahinto naman sa paghuhugas na dapat si Annie ang gagawa nito.Tumango si Lun at hinugasan nito ang kanyang kamay bago sumunod kay Oscar. "Ako na dyan." Mahinhin na ani ni Stell. Halatang pinaparinig niya kay Oscar. 

Malabas na kami ng kusina ng tumingin ako kina Pepay. "Bye." She mouthed.

Hindi na lamang ni Luna pinansin si Pepay. Huminto sila sa tapat ng pinto kung saan ang library. Pinagbuksan siya ni Oscar kaya naman pumasok na si Luna. Nakaupo si Sin habang Alliana naman ay nasa likod nito. Hinihilot ang noo ng kanyang asawa.

Kung anong ikinaliwanag ng mukha ni Alliana ay ganun naman kadilim ang mukha ng asawa nito na si Sin. "Have a seat." Malamig na saad ni Sin. Kinakabahan namang tumango si Luna at umupo sa visitor's seat.

"P-pasensya na po sa nangyari kanina, Sir at Ma'am." Alam na ni Luna kung bakit siya pinatawag. Natatakot ang dalaga sa mga tingin ni Sin.

"I want you to be Dos personal maid." Seryosong saad ni Sin. Nagulat naman si Luna dahil ang buong akala niya ay tatanggalin na siya sa trabaho.

"P-po?" Hindi makapaniwalang saad ni Luna. Tumango naman ito at may inilahad na isang kontrata. Binasa ng mabuti ni Luna at isa na rito ay tataas ang sweldo ng dalaga na doble kung papayag siya na maging personal maid ng binata.

"Sign this." Hindi na nag-isip pa ng matanggal si Luna at agad itong pinirmahan. Basta sa pera gagawin niya ang lahat.

'Sana hindi ako magsisi.'

Napatingin ang dalaga kay Alliana na nakangiti sa kanya. "Maghanda kana ng pagkain kay Dos. Hindi pa 'yun kumakain." Malumanay na saad ni Alliana. Tumango naman siya at yumuko muna bago umalis.

Pagkalabas na pagkalabas ng dalaga ay nakita niya si Annie na nakaabang. Mukhang hinihintay siya."Mukhang napaaga ang pag alis mo?" Nakangising saad ni Annie sa kanya. Umiling naman ang dalaga.

"Ah, hindi. Kukuha lang ako ng pagkain para kay Sir Dos." Malumay nitang sabi at iniwan siyang nakatigalgal.

Nagtungo si Luna na kusina at naghanda ng pagkain sa binata. "Ano? Hindi kapa tanggal?" Nakasunod na saad ni Annie sa kanya.Pumasok naman sina Pepay, Grace at Stell.

"Hindi."

"Imposible." Mahinang ani ni Grace. Napatigil sila sa kanilang ginagawa ng pumasok ang mayorda.

"Bakit nandito pa kayo? Magsipasok kayo sa kwarto niyo!" Istrikta na ani ni Manang Selli.

Sinamaan siya ng apat ng tingin at umalis. Tinaasan siya ng kilay ni Manang Selli. "Kukuha lang po ako ng pagkain para po kay Sir Dos." Napailang ang mayorda sa sinabi ni Luna. Umalis ang mayorda kaya naman binilisan na niya ang kanyang pag-handa ng pagkain.

Nang matapos siya ay agad siyang nagtungo sa kwarto ng binata. "Sir." Nakailang katok pa siya bago bumukas. Bumungad si Dos na nakatapis ng tuwalya. Nagulat naman ang dalaga dahil sa kitang-kita ang maskuladong katawan ng binata.

Palihim na napalunok ang dalaga bago pumasok sa kwarto ng binata. Maingat na niyang nilapag ang tray sa kama ng binata. Aalis na sana ang dalaga ng magsalita si Dos.

"Sinong nagsabing umalis ka?" Madiin nitong tanong. Kumabog naman ang puso ni Luna sa takot.

"S-sorry po." Ani ni Luna at yumuko. Umalis ito saglit at pagbalik ay nakasuot na ito ng t-shirt at isang panjama. Tanging aircon ang maririnig sa kwarto ng binata dahil wala ni-isang nagsasalita.

"Tell me about yourself." Saad ng binata at nagsimula ng kumain.

"Uhm. I'm Luna Gail Sanchez. 19 yrs old. Wala na akong magulang. Ewan ko kung nasaan sila ngayon. Wala akong ni isang kaibigan at ak--"

"You don't have any friends?" Tumango naman siya.

"Opo, kasi iniisip nilang inaagaw o nilalandi ko boyfriend nila."

"Anong grade ang natapos mo?"

"First year college." Mabuti na lamang at nakapagtapak pa si Luna sa college dahil may umampon sa kanya at tinulungan siyang mag-aral hanggang sa mamatay ito. Pinalayas na siya ng mga anak ng umampon sa kanya kaya naman huminto siya ng pag-aaral dahil hindi na rin kaya ng pera.

Nang matapos itong kumain ay akmang kukunin niya ang tray ngunit pinigilan siya nito at tinignan. Sa takot ay yumuko ang dalaga upang maiwasan ang magkatinginan silang dalawa.

"Look at me, Gail." Puno ng diin na saad ng binata. Ayaw niyang titigan ang magandang mata nito dahil sa sinabi ng mayorda sa kanya.

"Luna Gail." Pag-uulit ng binata. Ayaw sa lahat ni Dos ay paulit-ulit ang kanyang sinasabi.

"I SAID LOOK AT ME!" Sigaw ng binata. Sa sobrang takot ay bahagyang napaatras ang dalaga at napatingin sa kanya. Nanunubig na ang mata ng dalaga dahil sa takot.

"I'm your fucking boss from now on so you better follow my orders, understand?!" Halos mapapikit ako sa pagsigaw nito sakin. Unting-unti lumalabo ang paningin ni Luna sa labas na takot.

"Y-yes, Sir."

His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon