"SURE KABANG bodyguard 'yun ni Sophia? ngayon ko lang kasi siya nakita." Tanong ko kay Lucifer.
"Yeah, ngayon araw ang duty niya. Why are you asking? Are you interested about him?" Mabilis itong tumingin sa akin at binalik ang tingin sa daan.
Umiling naman ako. "Nagtatanong lang naman ako." Nakanguso kong sabi sa kanya. Nagulat ako ng lumiko ito. Mabuti na lamang at nakasit belt ako dahil kung hindi ay tumalsik na ako.
Huminto ang aming sasakyan sa gilid ng kalsada. "Bakit ka huminto?" Nagtataka kong sabi. Tinanggal ni Lucifer ang sit belt nito at pinatay ang makina.
"Sit here." Turo niya sa kanyang hita habang diretsiyong nakatingin. Unti-unti akong kinakabahan sa awra ng binata.
Ano na naman bang ginawa ko?
"Bakit?" Pilit kong pinatatag ang aking boses upang hindi nito mapansing kinakabahan ako. Walang salitang tumingin ito sa akin. Labag sa loob kong umupo sa hita nito. Nakaramdam ako ng hiya ng makaupo ako sa kandungan nito.
"M-may problema ba?" Binaon nito ang mukha sa aking leeg at niyakap ang beywang ko.
"Your not answering my question, Luna Gail. Are you interested with him?" Mariing itong nakatingin sa akin.
"Yung totoo? Oo, para kasi si------" Nagulat na lamang ako ng halikan nito ang aking leeg at kinagat-kagat ito.
"A-ano ba, Lucifer." Bahagya ko siyang tinulalk ngunit masyado siyang malakas.
"Fucking hell, Gail. You make me mad right now." Napapikit ako dahil sa patuloy nitong pagkagat sa aking leeg. Hindi naman ito masakit ngunit nagkakaroon ito ng kakaibang hatid.
"I-interesado ako s-sa kanya kasi mukha s-siyang m-may balak kay Sophia." Nauutal kong sabi. Ramdam kong pagtigil nito sa kanyang ginagawa. Nararamdaman kong hininga niya na tumatama sa aking leeg.
"Fuck, i thought..." Tinignan ko siya ng naguguluhan. Ano bang iniisip niya?
Maingat niya akong hinalikan pataas hanggang sa magtagpo ang aming mukha. Namumungay ang magandang mukha nito. Mukhang gumanda na ang mood ng binata.
Hinaplos nito ang aking mukha dahilan upang maramdaman ang mainit nitong palad. " Ang ganda mo." Halos hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman ngayon. Napakabilis ng aking tibok ng aking puso at may hindi akong maintindihan sa aking tiyan.
Unting-unti naglapit ang aming mukha. Papikit na sana ako ng mapasigaw ako sa gulat ng may nakita akong nakatingin sa bintana nito.
"N-nakatingin siya sa atin." Kinakabahan kong sabi. Pilit kong tinanggal ang braso ni Lucifer na nakapulupot sa aking beywang.
Lucifer chuckles. " You are so fucking adorable, sweetheart." Naguguluhan ko siyang tiningnan.
"Hmm, tinted ang car ko, sweetheart." Gumaan naman ang aking pakiramdam at natawa sa pagkasabi ng binata.
"Umuwi na tayo." Ani ko at lumipat na sa aking kinauupuan ko kanina.
"Sige, Misis ko." Namumulang napatingin ako sa kanya.
"Do you get it?" Tanong sa akin ng binata matapos niya akong turuan sa subject kung saan ako sobrang nahihirapan. Tumango naman ako sa kanya.
May kung anong sinulat ito sa notebook at pinasagutan sa akin. Ilang minuto ang tinagal bago ko makuha ang tamang sagot. Pinakita ko ito kay Lucifer. "Good." Nakangiti niyang sabi. Bahagya akong napangiti dahil sa aking nakita. Minsan lang kasi si Lucifer ngumit na walang halong peke. Lalo siyang gumagwapo pag ngi-ngiti siya.
"Uhm, Lucifer about nga pala sa nakita ko sa facebook kanina.." Napatigil naman sa pagsusulat ang binata at tumingin sa akin.
"Nabasa mo?" Tumango naman ako.
BINABASA MO ANG
His Personal Maid
RomanceYou're mine, Gail. No one can own you, except me." Si Luna Gail Sanchez ay isang mahirap na tao lamang. Pinalayas siya sa kanyang apartment at nawalan ng trabaho. Hanggang isang araw ay may swerteng dumating sa kanya at yun ay maging katulong ngunit...