NAPAIRAP na lamang ako hangin. "Manahimik ka nga, magdamag na nga tayo nag ano kagabi eh." Napahalakhak ito.
"Nag-ano?" Humiwalay siya sa pagkakayakap sa aking likuran at tinignan ang aking mukha. Paniguradong kitang kita sa aking mukha ang pagkapula nito. Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang ginawa naming exercise kagabi.
"Nag exercise?" Lalong lumakas ang halakhak nito at niyakap ako. Napasiksik naman ako sa dibdib nito.
"Ang bastos mo!" Bahagya akong lumayo at sinapak ang braso nito. Nakangisi lang itong nakatingin sakin.
"I'm just asking, wifey." Ani niya at dinampian ako ng halik. Inirapan ko siya at binaliktad ang bacon na aking niluluto.
"Maupo ka na nga dun, iniistorbo ako sa pagluluto eh." Dinampian muli ako nitong halik at nakangiting umalis. Naging maayos ang aming pagsasama sa ilang araw na lumipas. Mas naintindihan naman ang isa't isa.
Nang matapos kong magluto ay nilagay ko na ang mga ito sa lamesa habang si Lucifer naman ay naglagay na ng plato sa lamesa.
"Let's eat!" Napangiti ako ng masaganang kumakain ang binata. Kitang kita sa mukha nito na nasasarapan ito sa aking niluluto.Wala kaming ibang ginawa ni Lucifer kung hindi maglampungan sa kwarto. Hindi ko alam na may tinatagong lambing s Lucifer dahil nasanay akong laging seryoso o hindi naman kaya nakasimangot.
"Ano ba, Lucifer. Paawat ka naman sa kakayakap sakin." Nakasimangot kong ani sa kanya. Napanguso lang ito at sumiksik pa sa aking leeg.
Napatawa naman ako at niyakap ko rin siyang mahigpit. "Ang gwapo mo." Mahina kong sabi sa kanya. Tinanggal naman niya ang kanyang ulo sa aking leeg at tinignan ako.
"Talaga?" Napatawa ako ng makita ko siyang nagpipigil ng ngiti. Bumilis ang tibok ng aking puso.Gusto ko na ba siya ulit o baka naman natabunan lang ng galit ko ang nararamdaman ko kay Lucifer?
"Kinikilig kaba?" Bigla na lamang sumeryoso ang mukha nito. Marahan niyang hinaplos ang aking mukha.
"You're so pretty, wife. Bagay na bagay ka talaga sakin." Seryoso niyang sabi sa akin. Napanguso naman ako at sumiksik sa kanyang dibdib.
"Sino sa atin ngayon ang kinilig?" Natatawa niyang tanong at hinaplos ang aking buhok.
Gusto ko na ngang pumasok ngunit sinabi sa akin ni Lucifer na siya na bahala sa lahat. Sumang ayon naman ako dahil paniguradong maraming tingin ang ipupukol sa akin ng mga tao lalo na't alam na nilang kasal ako kay Lucifer.
Ang aming paglalampungan ay nauwi sa kasarapan.
NANG magising ako ay masakit ang aking katawan dahil sa ilang beses akong inangkin ni Lucifer. Kinuha ko ang pills na binigay ni Lucifer at ininom ito. Nung huling araw kaming na pumasok kami ni Lucifer ay binigyan niya ako ng isang box ng pills para maiwasan ang pagbubuntis.
Kinuha ko namn ito at araw araw na umiinom ako dahil araw araw rin akong inaangkin ng binata. Alam kong ayaw niya pang magkaroon ng anak ganun din naman ako dahil bata pa ako at may pangarap na gusto kong matupad bago magka anak.
Napatingin ako sa cellphone nito na tumutunog. Nang tingnan ko ito ay si Mama ang tumatawag. Napatingin naman ako kay Lucifer na mahimbing na natutulog sa aking tabi.
Sinagot ko naman io. "Hello po, Mama."
"Anak, pakisabi kay Lucifer na dito na kayo magdinner mamaya. Yung panganay ko kasi bibisita dito mamayang gabi kaya gusto kong kompleto tayo." Napangiti ako sa sinabi ni Mama.
"Sige po, sabihin ko pa kay Lucifer."
"Hay, ang batang iyon. Sabi ko dito muna kayo tumira pero hindi nakikinig. Parehas talaga sila ng ama niya." Napatingin ako kay Lucifer ng bahagya itong gumalaw.
"Kahit rin po ako, Mama." Napatawa naman siya sa kabilang linya.
"O'sige na. Mamaya nalang tayo mag-chikahan, Hija." Nagpaalam naman ako sa kanya bago ko patayin ang tawag.
"Sino yung tumawag?" Malumanay na tanong ni Lucifer. Napahawak naman ako sa pisngi niya at dinampian ito ng halik. Ang cute niya pag bagong gising.
"Si Mama sabi niya dun na daw tayo magdinner mamaya kasi bibisita ang panganay niyo."
"Oh, my brother Uno." Saad niya. Humigang muli ako at niyakap siya.
"Hindi pa ko pa yun nakikita. Gwapo kaya yun katulad mo?" Iniisip ko tuloy kung anong itsura 'nun. Paniguradong kasing gwapo niya rin si Lucifer.
"Ayokong pag-usapan yan." Seryoso niyang saad. Tumahimik na lamang ako dahil halata naman nabadtrip ito. Siniksik ko ang aking mukha sa kanyang leeg. Ang bango niya!
Ramdam ko ang paggapang ng palad nito sa aking hita patungo sa aking beywang. "I want you, wife."
Suot-suot ko ang isang formal dress na si Lucifer mismo ang pumili. Maganda ito na kulay light blue na hanggang tuhod ko ang haba. Medyo masakit ang aking katawan dahil masyadong naparahas ang binata sa aming ginawa na aking nagustuhan.
Namula ako dahil sa kung ano-ano ang aking iniisip. "Let's go, wife." HInapit niya ang aking beywang at gumayak na kami. Sa Aston Martin Valhala car kami ni Lucifer sumakay.
Napatingin ako sa binata na seryosong nagmamaneho ng ng kanyang sasayan. Nakablack polo long sleeve ang binata na hapit na hapit sa kanya kaya kitang-kita ang namumutok nitong braso.
Mabilis na nakarating kami sa mansion ni Mama. "Anak!" Nakangiting saad ni Mama ng makapasok kami sa kanilang mansion.
Napapikit ako ng yakapin niya kaming dalawa. "Sobra ko kayong namiss, lalo kana hija! blooming!" Tudyo ni Mama. Namula naman ako.
"Ang ganda ganda mo talaga!" Niyakap niya muli ako.
"Ikaw rin po, Mama. Super ganda niyo po!" Malaking parte si Mama sa aking buhay dahil simula ng makilala ko siya ay hindi niya akong tinuring na isang katulong.
"Luna!" Napatingin naman ako sa likuran ni Mama kung nasaan si Sophia na papalapit sa aming direksiyon.
"Omg, Luna! you look gorgoeus as fuck, girl. Damn, if i were i boy i will fuck you hard!" Napangiwi naman ako sa sinabi ni Sophia ng makalapit ito sa amin. Parehas nga sila ng kuya niya.
Napanganga naman ang ginang tila hindi makapaniwala sa sinabi ng kanyang anak. "Sophia Amelia." Seryosong saad ng ginang.
Napatingin naman ang dalaga sa kanyang ina. "Opps, my bad, Mom. Nandyan ka pala hehe." Mukhang wala ang bodyguard nito ah.
"Lia." Napasimangot ang dalaga ng marinig nito ang kanyang bodyguard. Ngumiti ako kay Serio ng tumingin ito sa aming dalawa ni Lucifer. Tumango lang ito at hinapit ang beywang ni Sophia.
"Facts, pwede ba lumayo ka ng 10 meters. You make me sick!" Maarteng ani ng dalaga at umalis.
"Sophia, stop cussing!" Naiinis na saad ni Mama.
"Mom, i'm not cussing, facts sinasabi ko not ano" Halatang nawalan sa mood ang dalaga dahil sa pagsulpot ng bodyguard nito at tuluyan ng umalis. Kahit ako iba rin iisipin ko sa sinabi ni Sophia eh.
Malaking napangiti ang si Mama na nakatingin sa aming likuran. Nang tingnan ko 'yun ay isang makisig na lalaki na may kasamang magandang babae.
Dinampian nito ng halik ang ginang. "I miss you, Anak." Bakas sa boses nito ang saya.
"Oh, Luna this is Uno, my eldest son."
BINABASA MO ANG
His Personal Maid
RomanceYou're mine, Gail. No one can own you, except me." Si Luna Gail Sanchez ay isang mahirap na tao lamang. Pinalayas siya sa kanyang apartment at nawalan ng trabaho. Hanggang isang araw ay may swerteng dumating sa kanya at yun ay maging katulong ngunit...