"SI CARA, kaibigan ko. Tara na, baka malate tayo sa next sub natin." Saad ko sa kanilang dalawa, tumango naman si Rissey habang si Mace naman ay walang imik. Napagdesisyunan naming tatlo na itago ang aming regalo sa locker ni Rissey, mamayang uwian ko na lamang kukunin ang paper bag.
"Saan kayo pumunta? kanina pa namin kayo hinahanap." Tanong ni Tres sa amin ng makapasok kami sa classroom.Umupo kami sa bakanteng upuan ngunit sinenyasan ako ni Lucifer na umupo sa tabi niya kaya wala akong nagawa.
"Nanlalaki." Maikling saad ni Mace. Tinaasan ng kilay ni Tres si Rissey.
Mabilis naman umiling si Rissey. " Nag girls bonding lang kami." Depensa ni Rissey. Tumango naman si Tres.
"Nasaan si Jacob?" Tanong ni Mace habang nililibot ang tingin sa paligid ngunit wala. Napansin ko rin na wala si Jacob. Kanina kasi nung pumasok ito ay hindi ito naka uniporme.
"Why are you asking? you miss him?" Nakangising tanong ni Taylor habang sinusuklayan ang kanyang buhok. Inirapan lang siya ng dalaga at mas piniling tumahimik na lamang.
Tahimik na lumipas ang oras ng aming klase. May ilang pinagawang activity ang ilang prof sa aming mga estudyante. Inanunsyo na ng aming adviser na malapit na ang intrams. Sinabi na sa susunod na linggo na ito kaya naman nang inanunsyo ito ay sobrang saya ng aking kaklase.
Limang araw gaganapin ang intrams at kailangan lahat ay sasali sa bawat palaro. Magkasabay ang intrams ng Creviore University at ng Querio University kaya naman napagdesisyunan ng mga ito na magsama.
"May sasalihan ka ng games?" tanong sa akin ni Rissey. Umiling naman ako. Wala naman kasi akong balak sumali sa mga palaro ngunit sinabi ng aming prof na lahat ng estudyante ay sasali dahil may dagdag grades daw ito at kung hindi naman ay may special project na ipapagawa.
"Hindi ko pa alam kung anong sasalihan kong games dahil sa totoo lang ay wala naman akong interes sa ganito." Dati kasi ay hindi ako pumapasok sa tuwing intrams dahil puro trabaho lang ang inaatupag ko.
"Volleyball tayo!" Ani naman ni Mace. Napasimangot naman si Rissey.
"Hindi naman ako marunong 'nun!" Nakangusong saad ni Rissey.
"Mag b-badminton nalang ako." Dagdag pa ni Rissey. Napabuntong hininga naman si Mace at tumingin sa akin.
"I don't think na marunong akong mag volleyball." Agaran kong ani. Bata pa kasi ako nung hi-uling naglaro ng volleyball.
Ngumiti naman si Mace. " Practice makes perfect."
"SAAN kayo pumunta kanina?" Mabilis na dumukwa ng tingin si Lucifer sa akin at ibinalik rin sa daan.
"Bumili lang kami ng regalo kay Jacob, eto oh!" Saad ko at ipinakita ang paper bag sa aking bag.
"Hindi mo na sana binilhan bilhan si Jacob ng regalo." Hindi nalang ako umimik. Napaisip tuloy ako kung anong susuotin ko mamayang gabi. Dapat pala ay bumili na ako ng susuotin ko para hindi na ako mamoblema mamayang gabi kaso lang hindi rin ako makakabili dahil kinuha na lahat ni Cara ang lahat ng pera ko sa wallet.
'Di bale, maghahalungkat na lang ako ng mga damit na binili sa akin ni Lucifer nung kami'y namili ng school supplies ko.
"Hindi maganda ang birthday kung walang regalo." Simple kong ani. Totoo naman kasi, kahit simpleng regalo lang ay ayos na. Sa tanang ng buhay ko ay hindi pa ako nakakatanggap ng regalo dahil sa wala namang pera kung minsan pa ay nakakalimutan ko ang araw ng mismo kong birthday.
BINABASA MO ANG
His Personal Maid
RomanceYou're mine, Gail. No one can own you, except me." Si Luna Gail Sanchez ay isang mahirap na tao lamang. Pinalayas siya sa kanyang apartment at nawalan ng trabaho. Hanggang isang araw ay may swerteng dumating sa kanya at yun ay maging katulong ngunit...