"B-BAKIT ang dali lang sayo sabihin 'yan?" Napapikit ako ng mata ng makatanggap muli ako ng sampal mula kay Mama.
"Wala ka talagang silbi! Napaselfish mo!" Nanginginig ito sa galit.
"Bakit sakin niyo pinapasa ang responsibilidad mo na bayaran 'yun?! Baka nakakalimutan mo! Inabandona mo ako! Tapos ngayon babalik ka na parang walang nangyari! Tutulungan kita pero hindi ko ibibigay ang asawa ko o manghihingi ako sa ASAWA KO." Madiin kong sabi.
"Kailan pa ako naging selfish?! L-lahat binigay ko sa inyo!"
Nakipagtitigan ako dito. Nanay ko ba talaga itong nasa harapan ko? "Kahit kailan.. hindi kita ituturing na anak! mas mabuti pa si Cara, marunong dumiskarte hindi katulad mo." Matigas niyang sabi at lumabas na sa kwarto.
TATLONG ARAW na ang nakalipas ng mga sagutan namin ni Mama hanggang ngayon ay sariwa parin sakin ang nangyari sa aming dalawa. Hindi ko akalain na ganun ang sasabihin niya na nagawa niya pang isisi sa akin ang lahat. Tatlong araw na rin na hindi kami nagpapansinan ni Mama at ni Cara. Mas mabuting dumistansiya muna ako sa kanila dahil masama parin ang loob ko. Hanggat maari ay kailangan kong umiwas sa stress.
Pabalik-balik akong naglakad sa aking kwarto. Iniisip ko kasi kung sasabihin ko ba kay Lucifer ang balita. Palihim akong nagtungo sa hospital upang malaman kung tama ang aking hinala na buntis ako dahil sa nagtataka na rin sa nangyayari sa akin.
Napag-alaman kong tatlong linggo na akong buntis. Sobrang saya ko dahil may sanggol sa aking sinapupunan. Sisiguraduhin ko na hindi ko ipapalasap sa anak namin ni Lucifer ang nangyari sa pamilya ko noon. Sisiguraduhin kong aalagaan ko ito ng mabuti.
Natatakot lang ako dahil alam kong ayaw ni Lucifer na mag kaanak sa akin pero baka naman magbago ang isip nito pag nalaman niya na may anak kami.
Napahinto ako sa aking paglalakad ng may kumatok. Nang buksan ko ito ay bumungad si Serio. "Bakit?" Tinignan ako nito pababa.
"Gusto kang kausapin ni Master." TUmango naman ako at sumunod sa kanya. Napalunok ako dahil sa kaba. Nalunok ako sa kaba. Kaba kung anong magiging reaksyon ni Lucifer sa oras na malaman niyang may anak kami.
"Pinapatawag mo daw ako." Ani ko ng makapasok ako sa opisina nito. Nakaupo sa swivel chair ang ito habang ang isang kamay ay nakahawak sa noo tila may pinoproblema.
Kita ko ang pagbaba ng tingin nito sa aking tyan. "Are you pregnant?" Malamig niyang tanong. Napakunot ako ng makita ang sugat nito sa labi. Naka office attire parin ito at halatang kulang sa tulog.
"Binabalita sa akin ng mga katulong ang lagi mong kinakain at suspetsya niya na buntis ka, maging si Serio." Dagdag niya pa.
"Tell me, Luna. Are you pregnant?" Madiin niyang saad. Unting-unti akong tumango. Nagulat ako ng marahas itong tumayo.
"Fucking hell!" Sigaw niya. Nakailang mura pa ito.
"I fucking told you, uminom ka ng pills! Damn!"
"Hindi kaba natutuwa, Lucifer? Magkakaanak na tayo!" Unting-unti nagsialpasan ang luha ko. Sinabunutan nito ang kanyang buhok.
"I told you. Ayokong magkaanak sayo." Matigas niyang sabi. HIndi ko alam na may isasakit pa ito sa mga sinabi ni Mama sakin. Akala ko magbabago ang isip nito pero hindi.
BINABASA MO ANG
His Personal Maid
RomanceYou're mine, Gail. No one can own you, except me." Si Luna Gail Sanchez ay isang mahirap na tao lamang. Pinalayas siya sa kanyang apartment at nawalan ng trabaho. Hanggang isang araw ay may swerteng dumating sa kanya at yun ay maging katulong ngunit...