Chapter 27

6.7K 81 2
                                    

"ANAK, bakit ngayon lang kayo umuwi? Saan kayo pumunta, Hija?" Baling sa akin ni Mama Alliana ng makauwi kami. Wala ngayon sina Tres dahil may pasok ngayong araw

Nanatili lamang akong nakayuko. Napansin niya siguro ang suot-suot kong singsing kaya hinawakan niya ang aking kanang kamay kung saan suot-suot ko ang singsing.

"Dos, Explain this." Madiing saad ni Mama. Tinawagan ni Mama ang kanyang asawa at agad itong pinauwi. Galit na nagmartsa ang ginang.

Walang imik naman kaming nagtungo sa kwarto. Pagod na umupo ako sa kama. Maiiyak na naman ako dahil sa nangyayari ngayon. "You need to rest, Wife. I know your tired. Ako nalang ang kakausap kina Mom." Tinignan ko siya.

"Ikaw ang dahilan kung bakit sila galit ngayon! Hindi tayo kasal, Lucifer. Wala akong alam na kinasal tayo!" Galit kong sabi sa kanya. Ilang beses kong pinilit ang utak ko na alalahanin ang nangyari ngunit wala. Hindi ko talaga maalala.

Tinalikuran ako nito at may kinuha sa bag. " How can you explain this?" Tanong niya sabay lapag ng isang brown papersa kama. Kinuha ko naman ito at binuksan. Isa itong marriage contract kung saan nakasaad na legal na kasal na kami ni Lucifer. May pirma kami sa baba nito.

"P-paanong.." Wala akong maalala na may pinirmahan ako.

"That's our marriage contract."  Simpleng saad niya. Galit na tumayo ako at malakas ko siyang sinampal.

Ramdam ko sa aking palad ang sakit ng pagkasampal ko sa kanya. "I hate you!" Walang pag alinlangang pinunit ko ang marriage contract namin. Wala akong pakealam kung gaano kaimportante ang dokumento na iyon pero para sa akin isa lamang iyong basura.

Wala ni isa sa amin ang gusto nito. Alam ko naman na hindi pa kami handa sa ganitong sitwasyon ngunit bakit niya iyon ginawa? Ginagawa niyang biro ang kasal pero para sa akin ay isa itong importanteng bagay na mangyayari sa akin na isang beses sa buhay ko.

"Pagbibigyan kita ngayon pero sa susunod hindi na. Kahit ilang beses mo pang punitin 'yang marriage contract natin hindi mababago na kasal na tayo." Maowtoridad niyang sabi na nagpakaba sa akin ngunit pilit kong tinatagan ang aking sarili.

Nanlalatang umupo ako sa gilid ng kama. "Nababaliw kana." Mahina kong sabi at patuloy parin sa pag-iyak.

Habang tumatagal na kasama ko si Lucifer ay unting-unti ko na itong hindi naiintindahan. Hindi ko alam kung bakit pumayag pa ako sa lintik na larong 'yan kung ganito lang ang mangyayari.

Marahang hinaplos ng binata ang aking pisngi. "I know, wife."






NAKAYUKONG nakikinig ako sa kanilang sinasabi. Nandito kami ngayon sa library kung saan kaharap namin ngayon sina Mama. Halata sa mukha ng ginang ang galit.

"Kakakasal niyo lang kahapon?" Gulat na tanong ng nanay ni Lucifer matapos sabihin ni Lucifer ang lahat maliban na lamang sa wala akong alam sa kasalan na nangyari. Napahawak naman sa noo si Mama na tila sumasakit ang ulo dahil sa nalaman.

"Gusto niyo ba itong dalawa?" Walang emosyong tanong ng ama nito. Hindi ko maibuka ang aking bibig upang magsalita dahil madiing hinawakan ng binata ang aking beywang tila nagbibigay ito ng signal na tumahimik at hayaan siyang gumawa ng kwento.

"Yes, Dad."  Nagkatinginan naman ang mag asawa.

"Kahapon lang naganap tapos ngayon niyo lang sinabi sa amin?!" Galit na galit na saad ng ginang. Hinawakan naman siya ni Papa upang pakalmahin.

His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon