"DAHAN-DAHAN lang naman!" Napahawak ako sa aking braso na hawak hawak ni Lucifer. Galit na binuksan niya ang pintuan ng bahay at pinaupo sa sofa.Napatingin ako sa aking braso at marahang hinimas ito.
"Damn!" Nagulat ako ng sipain niya ang vase na nasa center table. Nagkandabasag basag ito.
"I'm fucking pissed off, Luna Gail. Hindi kaba marunong sumunod sa sinasabi ko?"
"Ang tagal mo kasi." Mahina kong bulong.Yumuko na lamang ako at hindi na umimik. Bakit ba siya galit na galit? lumabas lang naman ako ah?
"Fuck this." Nakailang mura pa ang binata bago padabog na umalis.
Ilang oras na ako nagmumuni-muni dito sa loob ng bahay ni Lucifer. Gusto ko na lumabas ngunit ayoko naman na lalong magalit sa akin si Dos. Napatingin ako sa bintana.Hindi na siya maaraw kumpara kanina kaya naman hindi na siya masakit sa balat.
Gusto ko ng lumabas!
Nakangusong napahiga ako sa sofa. Simula ng umalis si Lucifer ay hindi ko na ito sinundan. Nanatili lang ako dito sa sala.Napahawak ako sa aking tyan ng mag ingay ito tanda na nagugutom na ako.
Napaangat ako ng tingin ng makita ko ang malapad na likod ng binata na patungo sa pinto at lumabas. "Aalis siya ng hindi ako kasama?" Inis na binaon ko ang aking mukha sa maliit na unan.
Kala ko pa naman maeenjoy ko ang pagpunta ko dito kaso tinopak si Lucifer. "Get up." Napaangat ako ng tingin ng may maamoy akong pagkain.Hawak hawak ni Lucifer ang isang tray ng pagkain. Napaupo ako ng maayos.
"Wow." Ang sarap ng mga pagkain na nakahain. Seafood!Umupo naman sa gilid ko si Lucifer. Tahimik naman kami kumain nito hanggang sa matapos.
Tahimik kami ng ilang minuto ng tumayo ito. "Let's go." Napangiti ako sa sinabi nito.
Napaatras ako ng humarap ito sa akin. " Wag na wag kang gagawa ng ikakagalit ko, nagkakaintindihan ba tayo?"
Masaya akong tumango. "Opo!" Malakas ang simoy ng hangin ng makalabas kami. Mabuti na lamang mahaba ang dress na ito kung hindi ay baka makita na ang aking cycling.
"Kailangan ba talaga sumakay tayo dyan?" Tanong ko habang nakatingin sa jetski na mamaniobrahin ni Lucifer.
Parehas kaming may suot na life jacket vest at umupo sa jetski. Inayos nito ang aking dress.Kinakabahan ako baka kung may shark dito. Hinawakan nito ang aking kamay at pinulupot ang aking kamay sa kanyang tyan.
"Hey, don't feel nervous. I'm here." Napansin niya siguro na nanlalamig ang aking kamay sa kaba.
Napahigpit ang ako ng kapit sa tyan nito nang magsimula ng umandar ang jetski. Napapikit ako sa lakas ng hampas ng hangin. "Saan ba tayo pupunta?" Wala akong narinig na sagot nito kaya naman ay tahimik lang akong nakatingin sa paligid.
Mga ilang minuto pa ay nakarating kami sa lugar na aming pupuntahan. May ilang taong nakatingin sa amin karamihan ay mga babaeng naka swimsuit.
"Magandang hapon, Ser." Saad ng isang matandang lalaki. Tumango lang ang binata at binigay ang susi ng jetski.
Ang daming mga turista ang napapunta dito. Nagulat ako ng makita ang isang artista na nakikita ko sa tv dati.Gusto ko puntahan ang babae kaso nahihiya ako mag papicture.
Sumunod ako kay Lucifer hanggang sa makarating kami sa isang hotel. "This way, Young Master." Bungad ng isang babae ng makapasok kami sa hotel. Lahat ng employee ay nakayuko tila nagbibigay galang sa binata.
May ilang turista ang napatingin sa gawi namin at nagbulungan. Napaiwas ako ng tingin ng irapan ako ng isang babae."Welcome back, Young Master." Yumuko ang ginang upang magbigay galang. Binigay nito ang isang card at walang modong umalis.
BINABASA MO ANG
His Personal Maid
RomanceYou're mine, Gail. No one can own you, except me." Si Luna Gail Sanchez ay isang mahirap na tao lamang. Pinalayas siya sa kanyang apartment at nawalan ng trabaho. Hanggang isang araw ay may swerteng dumating sa kanya at yun ay maging katulong ngunit...