Chapter 21.

7K 78 3
                                    

NAMUMULANG napaayos ako ng upo sa kanyang sinabi "A-ano bang pinagsasabi?" Nauutal kong sabi. Nagkakaroon ng ibang kahulugan ang kanyang sinasabi. Hindi ko maiwasang isipin na gusto niya rin ako ng binat lalo na't gusto ko na rin siya.

Oo, gusto ko na siya. Hindi ko alam kung kailan ko siya nagustuhan basta naramdaman ko na lamang ito. Maitiim niya akong tinignan. "Nothing." Ani nito at pinagpatuloy ang kanyang ginagawa.

"Bakit mo ba kasi ako hinihintay umuwi?" Mas minabuti ko na lamang tumingin sa paligid upang hindi ko masabi ang tunay na dahilan.

"S-syempre, boss kita kaya hinintay kita makauwi." kasi nag alala ako sayo.

Uminom ito ng tubig. "Liar." He said at tumayo na. Hawak-hawak nito ang kanyang pinagkainan.

"Ako na maghuhugas niyan!" Kinuha ko ang hawak nito ngunit iniwas niya ito. Bahagya itong yumuko upang pantayan ang aking mukha.

"Stop pushing my limit, Luna. Konting-konti ka nalang sakin." Madiin niyang sabi at umalis na. Napakamot naman ako sa aking ulo. Sinundan ko ito sa kusina. Napatingin ako sa kanyang malapad na likod.

May kung anong senaryo ang aking pumasok sa aking isipan. Paniguradong maswerte ang mapapangasawa ni Lucifer dahil nasa kanya na ang lahat.

Tinignan ko kung paano ito maghugas. Napatawa ako dahil sa kilos nito sa paghugas ay dumudulas ang plato kaya naman hindi niya mahugasan ito ng mabuti.

Bakas sa gwapong mukha ang iritasyon. "Hindi ka naman marunong, ako na nga dyan. Tuturuan kita!"

Bahagya itong lumayo upang bigyan ako ng space sa paghugas. " Hawakan kasi ng mabuti tapos itong sponge ikuskus mo sa plato ng mabuti pagkatapos banlawin mo na." Simple kong sabi sa kanya.

Pumwesto naman ito sa aking likod at kinuha ang basong pinaggamitan nito. Ginawa nito ang aking sinabi. Bahagya akong natawa dahil nadudulas parin ito sa kamay ng binata.

"Am i doing it right?" Malumanay niyang sabi Tumango naman ako.

"Masasanay ka rin" Ani ko. Aalis na sana ako ngunit ayaw akong pakawalan ni Lucifer. Napaharap ako sa kanya.

Nilapit ng binata ang kanyang mukha sa akin. " I want you so bad."Unting-unti nito nilapit ang kanyang mukha.

"Ay, diyos ko!" Napalayo naman kami ni Lucifer dahil kay Manang Selli na hawak hawak ang dibdib.

"Pasensya na, Young Master." Nakayukong saad na ani ni Manang Selli.

"What are you doing here, Manang?"

"Iinom lang sana ng tubig." Dumukwa ng tingin sakin ang binata.

"Mauna na po ako sa inyo." Nag iinit ang aking pisngi dahil sa kahihiyan. Baka kung anong isipin ni Manang.Nang makarating ako sa kwarto ni Lucifer ay napatili ako. Anong ibig sabihin ni Lucifer? Gusto niya ba ako?

"Talaga bang hindi ka sasama sa birthday ni Jacob, mamaya?" Tanong ni Rissey.

Patungo kami sa library dahil sinamahan namin si Rissey. May gusto daw siyang hiramin na libro sa library.Sinabi kasi nito na hindi siya sasama sa bar upang icelebrate ang birthday ni Jacob.

May meeting kasi sina Lucifer sa coach nila dahil sa nalalapit na intrams dito sa Creviore University. "Hindi ka ba talaga sasama mamaya?" Tanong ko kay Mace.

"Naiinis parin kasi ako sa kanya." Sagot naman ni Mace sa amin.Nagkatinginan naman kami ni Rissey at umiling.

Hanggang ngayon parin kasi ay hindi sila nag uusap ni Jacob. May iba pa ata silang pinag awayan na hindi naman sa amin kinukwento."That's not right, Mace." Malumanay na ani ni Rissey.

His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon