Chapter 13

7.7K 101 3
                                    

"LUCIFER" Bulong ko sa aking sarili nang magising ako Nilibot ko ang aking tingin sa aking paligid at napagalaman kong nasa kwarto ako ng binata.

Hindi ko na alam ang  sumunod na nangyari dahil nawalan ako ng malay. Napahawak ako sa aking ulo ng kumirot ito."Gising kana pala." Napatingin ako sa pintuan kung saan kakapasok ni Lucifer.

"A-anong nangyari?" Dahan dahan akong bumangon ngunit lalong sumakit ang ulo ko.Dali-dali namang nagtungo sa akin ang binata at tinulungan akong makaupo. Naglagay sa aking likuran ng unan pang hindi ako mahirapan.

"Omg!" Gulat ang mukha ni Sophia ng makapsok siya sa kwarto. Napatingin naman ako sa dalaga.May dala dala itong tray kung saan nakalagay ang pagkain.

"Get out, Sophia. I'm not in the fucking mood right now." Nanatiling nakatingin sa akin si Lucifer tila minememorya ang aking mukha.Kinabahan naman ako sa tono ng pananalita ni Lucifer.

"I'm sorry, Kuya. Ibibigay ko lang ito." Malungkot niyang saad at nilagay sa maliit na center table ang tray.Malungkot na ngumiti si Sophia bago umalis.

Tumayo naman si Lucifer at kinuha ang tray. "You need to eat first." Hindi na ako nagsalita pa. Tahimik na kumain na lamang ako hanggang sa maubos ko. Iinainom ako nito ng gamot.

"I told you... i fucking told you, Luna Gail. Huwag kang lumabas sa kwarto ko." Napayuko na lamang ako sa boses nito ay halatang nagpipigil siyang ilabas ang kanyang galit.

"Look at yourself right now... your hair." Napahawak naman ako sa hibla ng aking buhok. Maikli na ito. Mangiyak ngiyak akong tumingin sa binata. Lagpas balikat ko ang aking buhok.

"A-ayos lang." Pilit akong ngumiti sa kanya upang ipakita na okay lang ako. Padabog na tumayo ito at masamang tumingin sa akin.

"How can you say that, Luna Gail?! They almost killed you and that's not fucking okay to me!"

"Your head is bleeding and they are even trying to undress you?! at wala ka pang balak na sabihin sakin na ilang beses na nila ginawa sayo 'to!" Nagulat naman ako sa sinabi nito na dumugo ang aking noo. Nang mga oras na kasi yun ay hindi ko napansin na may dugo na pala ako sa aking noo.

"Ayoko lang naman lumaki pa yung gulo." Napatingala naman ito habang nakahawak sa noo.

"Fuck your reason, Luna Gail!"Kinabahan naman sa tono ng pananalita ng binata. Sa anumang oras ay sasabog na ito sa galit.

"Fuck!" Napaigti ako ng hawiin nito ang lampshade dahilan upang magkandabasag-basag ito sa sahig.

"Kung hindi pa ako maagang nakauwi. Nakita na nila 'yang hubad mong katawan. Kung sinabi mo sana ng maaga sakin. Hindi mangyayari sayo 'to."

Naiintindihan ko ang galit nito. May mali rin naman kasi ako pero ayoko naman na palalain ang sitwasyon hanggat kaya ko mananatili akong tahimik. Hindi ko naman alam na mas lalala pa ang sitwasyon na gagawin iyon sa akin nila Annie.

"Fuck them." Saad nito at padabog na umalis.

Napabuntong hininga ako at bumaba ang aking tingin sa lampshade. Gustuhin ko man linisin ito ngunit hindi pa kaya ng katawan ko magk-kilos-kilos.

"H-hi." Napatingin naman ako sa pintuan kung saan maingat na sinarado ni Sophia ang pintuan.Bumaba ang tingin nito sa lampshade pero hindi nito pinansin.

"How are you?" Umupo ito sa gilid ko.

"Okay lang ako."

"Kuya doesn't know na nandito ako." Ngumiti ito sa akin.

"I'm sorry, Luna. Kung maaga lang akong umuwi hindi sayo 'to mangyayari." Paninimula nito.

"Ayos lang naman ako, Pia. 'Wag kang magsorry kasi wala ka naman ginawang masama." Napabuntong hininga ito.

His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon