TAHIMIK akong nakatingin sa bintana ng sasakyan ni Lucifer. Tanging tunog ng makina ang maririnig sa loob ng sasakyan.Wala kaming imikan matapos ang nangyari kagabi . Mugto ang mata ko dahil sa kakaiyak kanina hanggang sa nakatulog na ako kaya naman umaga na ng makaalis kami.
Ilang oras pa ang byahe bago kami makauwi. Naiinis ako sa kanyang kinikilos dahil kung umakto ito ay parang walang nangyari. "Are you hungry?" Hindi ko siya sinagot at nanatiling tikom ang aking bibig.
"I'm talking to you,Gail." Madiing saad ng binata. Napabuntong hininga ako bago lumingon sa kanya.
"Hindi po ako nagugutom, Young Master." Malumanay kong saad sa kanya. Inis na napalingon ito saglit at binalik ang tingin sa daan dahil siya ang nagmamaniobra ng sasakyan.
Gamit ang kanang kamay ay hinawakan nito ang aking hita at madiing hinawakan. Napatingin naman ako roon.Pilit ko itong tinatanggal ngunit dinidiinan nito ang paghawak. " Subukan mo."
Bago kasi kami umalis ay uminom lang ako ng gatas. Pinipilit niya ako na kumain ng almusal ngunit umaayaw ako. Wala akong ganang kumain.
"Nagkakaganyan ka dahil sa putang inang lalaking iyon? Fuck him." Hindi niya makapaniwalang sabi.Galit na hinampas niya ang manibela.
Huminto kami sa isang restaurant. " Let's eat."
"Hindi po ako nagugutom, Young Master." Malumanay kong sabi.
Hindi ako nito pinansin at lumabas ng sasakyan. "Get out in the car, Luna Gail. Kakain ka sa ayaw at sa gusto mo." Wala na akong nagawa kung hindi lumabas ng sasakyan.
'La Solaria'
Ang ngalan ng restaurant.
Ang ilang customer ay napagawi ang tingin sa amin o kay Lucifer ng makapasok kami sa restaurant. Sabagay sa simpleng suot nito ay ang lakas na ng karisma.
Umupo kami sa bakanteng upuan malapit sa glass wall ng restaurant. May isang babae ang lumapit sa amin at binigay ang menu. "What do you want to eat?" Tanong niya habang ang mga mata ay nakatutok sa menu.
Ang mahal ng bawat putahe ng nakasulat sa menu. Kulang-kulang ng 20k euro?! Napatingin ako sa babaeng nakatayo sa aming harapan. Nakatingin ito kay Lucifer na tipong siya ang pinaka gwapong nakita niya.
Lumingon ako sa aming paligid. Nakatingin ang mga ito kay Lucifer. Ang iba naman ay kumukuha ng larawan. Sinabi ng binata ang order nito. Nakangiting tumango naman ang babae at sinulat sa maliit na papel ang sinasabi ng binata.
"That's all, Sir?" Malanding tanong ng babae.
Napataas naman ang aking kilay dahil sa pinatinis nito ang kanyang boses. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako sa babaeng ito gayun wala naman itong ginagawa.
Tumango naman ang binata habang nakatingin sa akin. Inis na binalingan ko ng tingin ang babae dahil hindi parin ito umaalis. "Ano pang hinihintay mo?" Masungit kong tanong sa kanya.
Mukhang nakaramdam naman ng hiya ang babae at umalis.
Lucifer chuckles. "Ang ganda mo naman magtaray."
Ilang minuto ang aming hinintay upang maluto at maserve ang mga inorder ng binata nang may isang babaeng huminto sa aming harapan.
"It's that you Dos Slyveria?"
"Who the hell are you?" Nakakunot noong tanong ng binata.
Natawa naman ang babae at nilahad ang kamay. "I'm Franchie. The owner of this restaurant. Nice to meet you, Dos."
Tumango lang ang binata. Nang mapansin ni Franchie na walang balak makipagkamay ang binata ay tumingin ito sa akin. "And you are?" Baling niya sakin.
"Luna po." Tumango tango naman ito.
BINABASA MO ANG
His Personal Maid
RomanceYou're mine, Gail. No one can own you, except me." Si Luna Gail Sanchez ay isang mahirap na tao lamang. Pinalayas siya sa kanyang apartment at nawalan ng trabaho. Hanggang isang araw ay may swerteng dumating sa kanya at yun ay maging katulong ngunit...