Chapter 52

4.3K 55 4
                                    

"ALAM mo na ang sagot dyan, Luna. Masyado ka kasing uto-uto . Akala mo lahat ng tao kaibigan pero hindi. Ayoko sa katulad mong mahina, uto-uto at higit sa lahat mag-aagaw." Bahagya akong napaatras ng duruin ako nito.

"Mang aagaw? Hindi ko naman kasalanan na lahat ng gusto mo ay gusto ako. Wala akong inagaw, sadyang hindi mo lang talaga matanggap na  ang meron ako ngayon. Kung titignan nga sa atin ay halatang naiinggit ka sakin." Napayukom ako ng kamao. Ayoko man sabihin pero iyon ang nakikita ko sa kanya noon pa man.

"Hindi ka marunong tumanggap ng successful ng iba, Cara. Bakit ako ang sinisisi mo kung bakit naging puta ka? Ikaw ang nagdesisyon 'nun at alam mo na pinipigilan kita ng mga oras na 'yun pero tinuloy mo parin!" Napasigaw na ako sa sakit ng nararamdaman ko ngayon. Ayokong saktan si Cara pero sumusobra na. Hindi ko na kaya.

Napatigil ako sa aking pagsusulat ng pumasok si Cara. Sobrang ikli na ng short nito kumpara dati. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya. Kung bakit nag iba siya bigla. Usap-usapan sa amin na nag apply daw si Cara na prostitute sa bar. Hindi naman ako na naniwala dahil wala naman sinasabi sa akin si Cara.

Kung gagawin niyo iyon ay ipapaalam niya sa akin dahil walang sikreto sa aming pagkakaibigan. "Anong nangyari sayo?" Nag aalala kong taong at nilapitan siya. Hahawakan ko na sana siya sa  balikat ng umiwas ito. Buti naman ay umuwi na ito kasi isang araw ay hindi siya umuwi.

Amoy alak siya.

Patungo na sana ito sa kwarto ng may malaglag na pera at isang condom. Gulat ako dahil sa dami ng perang nagkakalat sa sahig. Agad naman kinuha ni Cara ang pera at condom.

"Totoo nga?" Unting-unti namuo ang luha ko.  Nilagay ni Cara ang pera sa kanyang bag.

"Totoo na prostitute ka?" Hirap kong sabi.

"Ano naman?" Mataray na saad niya sa akin at naglakad muli. Tumulo ang luha ko sa aking pisngi. Bakit niya iyon ginawa? Marami pa namang trabaho ang meron pero bakit pa 'yun ang napili niya?

"Mag resign kana 'dun, Cara. Marami  pa namang ibang trabaho." 

"Ayoko, sa isang kama sa akin mas malaki pa sa sweldo mo kada buwan. Wag mo na akong pakielamanan sa desisyon ko, Luna." Madiin niyang sabi.

"Pero hindi tama yun, Cara!" Marahas niya akong nilingon.

"Hindi tama? Paanong hindi naging tama 'yun kung dun ako nagkakapera at nag e-enjoy?! Kung inggit ka mag puta ka rin! " Sigaw niya at binuksan ang pinto ng kwarto niya.

"Kasalanan mo 'to lahat, Luna. Pero bakit ako ang nagdudusa?" 


Napapikit ako ng malakas ng sampalin ako ng malakas ni Cara. Napaatras ako ng sabunutan niya ako. Hinawakan ko naman ang pulsuhan niya at pilit inaalis ang kanyang kamay sa aking buhok.

"Mamatay kana! Mamatay kana!" 

"Aray!" Halos matanggal na ang aking anit sa higpit ng pagsabunot sa akin ni Cara. Nilabanan ko naman siya, sinabunutan at napahiga ako sa damuhan dito sa garden. Umibabaw naman si Cara at sinampal akong muli.

Nilabanan ko siya ngunit masyado siyang malakas. "Enough, Cara." Huminto ito ng makita niya si Lucifer sa 'di kalayuan. Nasa likod niya si Serio.

Umalis naman ang dalaga sa aking ibabaw at inayos ang kanyang buhok. Nanghihina akong bumangon. Napayuko ako dahil may mga bodyguard na nakatingin sa amin. Umiwas lamang ito ng tingin ng makita nila akong nakatingin sa kanila.

"What's happening here?" Nakakunot noo ni Lucifer. Pagak akong napatawa dahil hindi man lang niya ako tinulungan. Dati masaktan lang ako ay sobra grabe na ito magalit pero ngayon..

"Nanguna siya. Sabi niya umalis na ako dito!" Pinulupot ni Cara ang kanyang kamay sa braso ng asawa ko.

Pinagpagan ko ang aking damit at nanghihinang naglakad. Ayoko na magsalita pa. Paniguradong hindi niya papakinggan ang paliwanag ko. "Luna." Napahinto ako sa paglalakad ng tawagin niya ako.

Napatingin ako sa aking braso na nagdudugo dahil sa kalmot ni Cara. Tinignan ko siya. "What happened?" Umiling lang ako.

"I'm talking to you." Madiin niyang sabi ng akmang maglalakad ako.

"Sinabi na ng kabet mo yung dahilan, bingi kaba?" Walang gana kong sabi sa kanya at pumasok na sa bahay.

Kinuha ko ang med kit sa loob ng drawer at kumuha ng betadine. Napatingin ako sa harap ng salamin. Ang dami kong kalmot. Hindi ko napansin na may kalmot rin ako sa aking pisngi at sa aking leeg. Hindi ko na maramdaman ang sakit dahil sa namanhid ito pero mamaya-maya ay kikirot ito.

Sinimulan ko ng lagyan ng betadine ang aking sugat. Nang matapos kong lagyan ang aking mukha at leeg ay ang braso ko naman ang aking nilagyan. Nang matapos kong lagyan ng betadine ay nagpalit muna ako ng damit bago humiga ako sa kama. Tuyo naman na ang betadine kaya hindi naman tsahan ang comforter.

Napabuntong hininga ako at inalala ang nangyari kanina. Wala na siyang pake sa akin. Hindi ko na nararamdaman ang pinaparamdam niya sa akin noon. Hindi ko alam kung bakit niyang nagawang magloko at sa harap ko pa mismo nakita kung paano niya tugunin ang halik ni Cara.

Hindi ko alam kung nagkulang ba ako sa kanya? Napahawak ako sa aking dahil sa nagsisimula na namang manubig ang aking mga mata. Hanggang kailan ba ako iiyak? Wala na atang araw na hindi ako umiiyak.

Hanggang kailan..


NAGULAT ako ng imulat ko ang aking mata ng bumungad si Lucifer sa aking harap. Bahagya akong lumayo ng kung anong may pinapahid siya sa aking pisngi. "Anong ginagawa mo?" Nakakunot noo kong tanong sa kanya.

Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang cream at cotton buds.  Akmang ipapahid niya ang cotton buds sa mukha ko ng umiwas ako. Tumayo na ako at nagtali ng aking buhok. "Bakit ka nandito?" Tumayo naman si Lucifer sa pagkakaluhod.

"Gagamutin ka." Mahina niyang sabi. Gamutin? Hindi ko kailangan 'nun kasi mas masakit pa ang ginagawa niya sa akin sa araw araw kaysa sa sugat na ito.

"Hindi ko kailangan ng awa mo."  Matigas kong sabi.

"B-bakit hindi mo gamutin yung kaibigan ko?" Dagdag ko pa. Sa tingin ko naman wala na akong silbi sa kanya eh. Para lang akong laruan na pagkatapos gamitin, itatapon nalang.

Lumapit ito sa akin at mahigpit akong niyakap. Nanigas ako sa aking kinatatayuan dahil sa gulat. Unting-unti bumibigat ang aking hininga dahil sa anumang minuto ay maiiyak na naman ako.

"K-kung ayaw mo na, bitawan mo na ako, Lucifer. Bitaw na." Napahagulgol ako.

"B-bitaw na." Ramdam ko ang paghigpit ng yakap nito sa akin. Ano pa silbi ko sa kanya? 

"I-i can't." Hirap niyang sabi. Kinalas nito ang pagkakayakap sa akin at tahimik na lumabas ng kwarto.





His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon