Chapter 24

6.2K 76 1
                                    

"NABABALIW kana ba?!" Pilit kong pinatapang ang aking boses kahit sa totoo lang ay natatakot na ako sa nangyayari. Mamatay na si George pero mukhang wala lang ito kay Lucifer.May dumating na limang lalaking na suit at hinawakan ang dalawang braso si George habang si Lucifer naman ay sapilitang pinalayo ako kay George.

"Ano ba!" Pilit kong tinatanggal ang malabakal na kamay ng binata na nakahawak sa aking braso.Napapikit uli ako sa takot ng barilin muli ni Lucifer si Greoge at kinaladlad ako papalayo. Mangiyak-ngiyak na tumingin ako sa direksiyon ni George kung saan wala na itong malay habang hinihila papalayo.

Lalo akong umiyak dahil sa aking nakita. Pinatay ni Lucifer si George. Hindi ko na pinansin ang bawat tao na aming madadaanan. Tila namanhid ang aking katawan at hindi pa pumapasok sa aking kokote ang aking nakita.

Mamatay tao siya.

Ibang-iba ang pagkakakilala ko sa kanya. Hindi ko alam na magagawa niya ang bagay na iyon na walang makikita na konsensya sa kanyang mga mata.

Binuksan ni Lucifer ang shotgun seat at pilit akong ipinasok. Walang tigil ang aking mga mata sa pagluha. Pabalya niyang sinara ang pintuan ng sasakyan ng makapasok ito.

"B-bakit mo 'yun ginawa?" Hirap kong sabi. Binalingan ako nito ng tingin at sinuotan ng seatbelt. Wala siyang sagot sa aking tanong.

"Bakit mo 'yun ginawa?!" Ulit kong muli. Binuhay nito ang makina ng sasakyan. Hindi ito umimik bagkus ay minaniobra na ang sasakyan. Tanging pag-iyak lang ang aking ginawa.

Walang ginawang masama si George ni hindi man lang niya pinakinggan ang paliwanag ng binata at basta na lamang binaril. Ang aking pagkahilo ay nawala dahil sa nangyari.

Nalingon ako sa aming paligid ng huminto ang sasakyan. "N-nasaan tayo?" Binalot ako ng kaba dahil sa hindi pamilyar kung nasaan kami.

Tinanggal ni Lucifer ang kanyang seatbelt. " Baba." Madiin niyang sabi at lumabasng kotse. Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon dahil kung ano-ano na ang aking naiisip.

Binuksan ni Lucifer ang pintuan at mahigpit na hinawakan ang aking braso. "A-aray!" Nasa isa kaming building. Binigay ni Lucifer ang kanyang susi sa isang lalaki.

"T-tama na, Lucifer. Gusto ko ng umuwi." Pakiusap ko at lalong napaiyak. Sobra na akong natatakot ngayon.

Tila wala itong narinig at pumasok kami sa entrance ng building. Ang lahat ng empleyado ay yumuko sa amin. "Tulungan niyo po ako." Mahina kong sabi sa babae ngunit hindi ako nito pinansin.

Pumasok kami sa elevator at pinindot ng binata kung saan floor kami. "Gusto ko ng umuwi." Masakit na rin ang aking mata dahil sa kakaiyak. Binitawan nito ang aking braso kaya naan sumiksik ako sa gilid.

"Walang uuwi." Pinal na saad ng binata. Tinignan ko siya na puno ng galit. Paano siya nakakapagsalita na parang walang nangyari? Hindi niya ba alam na pwede siyang makulong sa ginawa niya.

"Bakit? Gagawin mo rin ba sa akin ang ginawa mo kay George? Pinatay mo siya, Lucifer!" Hindi ko mapigilang magtaas ng boses. Maling-mali ang ginawa niya.

Matalim niya akong tinignan. "Mamatay tao ka!" Dagdag ko. Sa aking sinabi ay sumabog na rin ang binata sa galit. Galit niya akong sinandal sa elevator kaya naman napaigik ako sa sakit.

Kinuha niya ang kanyang baril at itinutok sa aking ulo. "So you fucking hate me because i fucking kill your fucking boy?" Gigil nitong tanong sa akin.

Naglaban kami ng tingin at wala ni isa sa amin ang nag iwas ng tingin. Hindi na namin namalayan na nagbukas na pala ang elevator.

"Shit!" Ani ng lalaki na isa sa empleyado ng building na ito. Namumutla itong nakatingin sa amin lalo na kay Lucifer na may hawak ng baril.

Hinawakan ni Lucifer ang aking braso at lumabas na kami ng elevator. Masakit ang aking likuran dahil rin siguro sa lakas ng pwersa sa pag sandal niya sa akin.

His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon