Chapter 40

5K 51 2
                                    

"TSK, mayaman na asawa mo, Bakit kapa nag aaral?" Naiinis na saad ni Mama nang ikwento ko sa kanya na nag aaral ako. Imbes na maging masaya siya na nag-aaral muli ako ay mukhang nainis pa ito.

"Ma, yung asawa ko lang naman yung mayaman, hindi ako." Oo, masaya ako na makilala siya pero bakit kung kausapin niya ako parang pera lang ang gusto niya?

"Kahit na! Mag-isip ka nga ng mabuti! Nag aaksya ka ng oras para sa pag aaral mo imbes na mag ala prinsesa ka!"

Napairap naman si Cara at ibinagsak ang hawak nitong kutsara. "Oo nga eh, Kunwaring nag aaral yan pero lumalandi rin yan sa school nila." Pagpaparinig nito.

"Hindi, Cara." Inirapan lang ako nito.

"Nilandi mo nga ex boyfriend ko eh." Mabilis nitong sagot.

"Hay, nako. Tara na gusto mo magshopping!" Ani ni Mama at tumayo.

"Ma, wala na akong pera."

"Hindi mo man lang ba ililibre nanay mo? Kakakita lang natin oh dapat ilibre mo ako." Pagpapaawa nito.

Kahit labag sa akin ay tumango na lamang ako tutal ngayon lang namna kaming magkasama eh. Nagulat ako ng pumasok kami sa channel store. Alam kong mahal dito kaya paniguradong ubos ang iniipon ko sa isang pirasong damit.

"Tangina, ang gagandang damit oh! first time ko lang makapaso dito, wait picture muna ako!" Nakailang picture pa ito bago kumuha ng damit.

"Ma, mahal dito."

"Ano naman? mayaman naman asawa mo!" Ani nito at kumuha ng damit. Malungkot akong nakatingin sa kanila na kumuha lang basta basta ng damit ng hindi man lang tinitignan ang presyo nito.

Napatingin ako sa orasan ko. Lagot ako kay Lucifer nito. Paniguradong nakarating na sa kanya na wala ako sa bahay. Nang makapili sila ay pumunta namna kami sa loui vitton na store. "Ma, ubos na pera ko." Saad ko dahil wala na talaga akong pera. Simot na.

"Wag mo akong ipahiya dito." Nakatingin na kasi sa amin ang cashier.Nagulat ako ng mabilis na kinuha ni Cara ang wallet ko at tinginan ito. May kinuha itong black card.

"Ang damot mo!" Inis na ani nito sa akin sabay abot sa cashier ang black card na binigay sa akin ni Lucifer. Matagal na niya itong binigay ngunit hindi ko naman ito ginagamit.

"Yaya, pakihawak!" Natatawang saad ni Cara at kunwari inabot ang paper bag. Natawa naman sila ni Mama. Ibang-iba na kasi ang suot nila kumpara kanina. Ang elegante ng suot nila.

"Pakihawak nga, yaya. Faster." Maarteng ani ni Mama. Sobra silang natawa na animoy nakakatawa ang sinasabi nila.

"Joke lang yun, Anak." Ani nito.

Nang makalabas kami ng mall ay huminto kami. "Oh, dito na lang kami, Anak. May pupuntahan pa kasi kami eh. Salamat dito." Hinalikan nito ang aking pisngi.

"Next time ulit. Bye Yaya!" Sigaw ni Cara at natatawa silang umalis.Napayuko ako ng maraming tao ang napatingin dahil sa sigaw ni Mama at Ni Cara. Hindi ko lubusang maisip na ganito pala ang mangyayari ngayong nagkita na ulit kami ni Mama.

Napabuntong huminga akong umalis. Kailangan ko ng bilisang makauwi dahil lagot ako kay Lucifer nito. Hindi na ako nakabili ng pang grocery namin dahil sa dami ng pinamili nila Cara at Mama.Ayoko naman bumili na dahil sa nahihiya na akong gamitin ang black card ng binata.Paniguradong nakarating sa asawa ko ang aking ginastos sa kanyang black card.

Agad akong pumara ng taxi at pumasok sa loob ng huminto ito sa aking harap.Mabilis akong nakauwi sa bahay at binigyan ng isang libo ang driver ng taxi. Last na pera ko na itong naitabi ko kanina.

His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon