Chapter 8

8K 148 1
                                    

"HI, I'm Mace!" Ngumiti ito sakin. Nakapaganda niya.

"Luna." Pagpapakilala ko.

"Ugly." Rinig kong bulong ni Jacob. Nanlilisik na tumingin si Mace sa kanya.

"You prick! Kapal ng mukha mong lagyan ng sili ang panty ko!" Nagtungo si Mace kay Jacob at sinabunutan ito.Napahalakhak naman si Taylor sa sinabi ni Mace.

"Masanay kana." Bulong ni Rissey sakin.

"Pagkatapos  mo dyan itutour kita sa campus." Ani ni Lucifer. Kakadating lamang ng aming pagkain. Halos masasarap ang nakahain sa table.

"Wait. Hindi mo pa siya nalilibot?" Tanong ni Rissey.

"Llaine." Madiing ani ni Tres. Napanguso naman ito.

"Yea."

"Oh, pwede kami na lang ni Rissey maglibot sa kanya? You know girls bonding." Ani naman ni Mace. Mabilis na sumang ayon naman si Rissey. Nagulat ako sa padabog na tumayo si Lucas at umalis.

"He's mad." Natatawang ani ni Taylor.

"Fine." Pagsang-ayon ni Lucifer.

"No boys." Ani naman ni Tres. Napairap na lamang si Mace.

"Are you excited?" Masayang tumango ako.

"Sa garden muna ang unahin natin." Ani ni Mace. Halos lahat ng lalaki miske babae ay napapatingin samin o sa kanilang dalawa lang.Ang gaganda kasi nila.

"Luna, I just wanna ask you?" Tumango naman ako kay Mace.

"Ano ka ba ni Dos?" Miske si Rissey at nakatingin akin tila hinihintay ang isasagot ko.

"Ah, personal maid niya ako." Hindi naman ako nahihiyang sabihin kung anong trabaho ko dahil marangal naman ito.

"W-what?!" Tumango naman ako.

"Yea, pinag aral ako ni Ma'am Sophia para bantayan si Lucifer." Mas lalo silang nagulat sa narinig.

"Tangina." Napangiwi naman ako sa lutong magmura ni Mace.

"That's bad." Ani ni Rissey.

"You're special, Luna." Seryosong ani ni Mace sakin. Napakibit balikat na lamang ako.

"H-hindi nito ba ako iiwasan?" Napakunot noo naman sila tila may nasabi akong masama.

"Bakit naman?"

"W-wag kayong maoffend ah, kasi yung mayayamang katulad niya iwas sa mababang uri katulad ko. Mas gusto nilang makipagkaibigan sa kalevel nila."Marami na kasi akong napapanood na ganyan at nakikita.

"Geez. I'm not like that, Luna. Tska Hindi mababang uri ang pagiging personal maid or whatever. Basta marangal ang trabaho mo. Yung iba nga dyan yumayaman lang dahil sa illegal business nila."

"Mace's right, Luna. The first time I saw you. I like you na. Just be yourself, Luna everyone will like you."

"Tska were friends!" Dagdag pa ni Rissey. A-ano? Friends? May kaibigan na ako?

"Hey are y------"

"Kaibigan ko kayo!" Hindi ko mapigilang yakapin sila.

"Our next destination is swimming pool area!" Natawa naman ako sa kanilang dalawa dahil sabay silang nagsalita. Halos mapanganga ako sa bawat area na pinupuntahan namin katulad ng gym napakalaki nito!

"Did you know, Luna? Sina Tita Alliana ang may ari na school na 'to." Gulat na napatingin ako sa kanilang dalawa.Kaya pala ang dali lang na mapasok nila ako dito kung iba yun. Paniguradong mahihirapan.

His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon