Chapter 4

9.8K 147 0
                                    


"SANCHEZ,  pinapatawag ka ni Young Master." Tumango naman ako at mabilis na nilapag ang tray sa kusina. Mamaya ko nalang siguro huhugasin iyon.

"Sir, pinapatawag niyo raw po ako." Saad ko nang ako'y makapasok. Naiilang na umupo ako sa visitor chair. Nakaupo si Ma'am Alliana sa hita ni Sir Sin. Mukhang wala lang kay Sir Sin pero si Ma'am Alliana ay namumulang umiwas.

"I heard na huminto ka sa pag aaral mo." Pagsisimula ni Sir Sin habang ang isang kamay ay hawak ang papeles.

"A-ah opo. First year college lang po ang natapos ko." Tumango tango ito. Nagkatinginan kami ni Ma'am Alliana

"We have offer to you, Luna." Kinabahan naman ako sa sinabi ni Sir Sin.

"Dahil personal maid ka naman ni Dos ay gusto ka namin mag aral muli." Nanlaki ang mata ko sa gulat. A-ano? Pag aaralin nila ako?

"T-talaga po?" Hindi ko makapaniwalang sabi. Masayang tumango naman si Ma'am Alliana.

"Yes, gusto kong bantayan mo si Dos. Marami siyang ginagawang kalokohan sa school. Minsan ay lumiliban ito sa klase at nakikipagsapakan." Grabe naman pala si Sir Dos i mean si Lucifer.

"Don't worry, Luna. Ikaw parin ang personal maid ni Dos. Dadagdagan din namin ang sweldo mo. Ang kailangan lang ay bantayan mo siya sa school." Umayos ng upo si Ma'am Alliana.

"Uhm, Ma'am at Sir. 3rd year college na po sila Sir Dos. Mahirap pong sumabay sa lesson nila lalo na pong first year college lang po ang natapos ko and iba po ang kinuha kong course that time po.." Nahihiya kong saad. Mahihirapan akong mag adjust nito pero okay lang. Ang mahalaga ay makapag aral ako.

"Don't worry, hija. Si Dos na ang bahala sayo. Accept this offer, Please?" Bakas sa mata ni Ma'am Alliana ang pagmamakaawa.

Hindi naman ako talo sa offer nila. Makakapag aral ako ng libre at may sweldo akong matatanggap.Matagal ko ng gustong makapag aral muli at ngayon ay matutupad na ang aking hiling. Ang makapag aral ulit.

Huminga ako ng malalim. "Opo. Tinatanggap ko ang offer niyo." Bukal sa loob kong saad.

Nakahinga ng maluwag si Ma'am Alliana. Masayang nagtungo si Ma'am Alliana sakin at niyakap ako. "Thank you, Hija!" Masayang niyakap ko rin ito.

"Nasa kwarto mo na ang kailangan. Sa Monday kana papasok." Anang ni Sir Sin.

"Maraming salamat po!" Saad ko at humiwalay kay Ma'am Alliana.Yumuko ako sa kanila bago masayang umalis.

Mabilis akong nagtungo sa aking kwarto at napangiti ako ng makita ko ang aking uniform para sa school. Marahan kong hinawakan ang uniporme. Red and white ang kulay nito. Halata sa tela pa lang ay mamahalin na. Napakalambot nito. Maganda rin ang palda ngunit medyo maiksi.

Tumingin ako sa salamin at tiningan ang sarili. "Sukatin ko kaya?" Wala sa sarili kong tanong.

Mabilis akong nagtungo sa cr at sinukat ito. Halos mapatalon ako ng makita ko ang repleksyon ko sa salamin. Saktong sakto sakin ang uniporme. Medyo naiiksian lang ako sa palda.

"Ang ganda!" Hindi ko mapigilang hindi maexcite sa monday. Kaya laki ang pasasalamat ko kina Ma'am at may pagkakataon ma makapag aral ako at maabot ko ang pangarap ko.

"Totoo nga." Agad naman akong napalingon sa may pintuan kung nasaan silang apat. Sinarado ni Annie ang pintuan. Rinig ko ang pagtunog ng lock.

"Ano bang nakita nila sayo at pag aaralin ka pa nila." Mariin na ani ni Stell at dinuduro ako. Napayuko na lamang ako. Sana umalis na sila. Ayoko ng gulo.

"Wow ha, sa Creviore University ka pa nila pag aaralin." Saad naman ni Grace habang nakatingin sa logo na nasa kanang bahagi ng uniporme.

"Alam mo ba kung magkano ang tuition dyan? Huh?" Lumapit sa aking si Pepay.

His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon