Chapter 50

4.6K 50 1
                                    

AKALA ko hindi dun nagtatapos ang kasiyahan ko. Akala ko lang pala. Napatayo ako sa aking kinauupuan ng pumasok si Lucifer sa aming kwarto. Simula ng umuwi kami dito sa bahay at kinausap siya ni Cara ay nagbago na ang pakikitungo niya sa akin.

Hindi ko alam kung bakit nalang nanlamig ang pakikitungo niya sa akin. "Kumain kana ba?" Agad akong pumunta sa kanyang likuran at ako na mismo ang nagtanggal ng kanyang coat.

Anong oras na siya laging umuuwi kaya kung minsan ay hindi ko napapansin ko kung anong oras na siya umuuwi dahil nakakatulog ako sa paghihintay sa kanya. "Gusto mo ba lutuan kita ng pagkain?" Tanong ko sa kanya.

Umupo ito sa kama at tinanggal ang sapatos niya kaya naman lumuhod ako upang tulungan siya. Ako na mismo ang nagtanggal ng kanyang medyas. "Gusto mo ba h-----"

"Stop asking me, Luna. I'm tired." Walang gana niyang sabi sa akin. Napahinto naman ako. Ganun nalang sinasabi niya. Hindi ko alam kung bakit hindi na niya akong tinatawag na wifey. 

Napabuntong hininga si Lucifer at tumayo na. Pumasok siya sa banyo habang ako ay malungkot na umupo sa kama.

Wala naman akong naalala na may ginawa ako nung umuwi kami. Ang saya saya pa nga namin eh. Bigla nalang talaga nagbago ang lahat.  Sa nagdaan na araw na lumipas ay nagbabago na si Lucifer. Nararamdaman ko ang panlalamig niya sa akin. Nanahimik lang ako at hindi nagtatanong sa kanya kung bakit.. 

 Napabuntong hininga na lamang ako ng maramdaman ko na maiiyak ako. Nalaman ko kasi na kasama ni Lucifer ngayon si Cara sa loob ng office nito. It's sunday, kaya naman nasa bahay lang ang asawa ko.

 Anong nangyari sa amin?

 Pinunasan ko ang isang butil na tumulo sa aking pisngi. Kasalukuyang, nag didilig ako ng mga halaman dahil iyon lang ang nagpapagaan sa akin. Nang matapos akong magdilig ay pumasok na ako. "Saan ka pupunta?" Tanong ko kay Mei.

 "Kay Young Master po, lunch time na po." Tumango naman ako. "Ako na tatawag sa kanya." Ningitian ko ito at nagtungo sa opisina ng asawa ko.

 Nakailang katok pa ako ngunit walang sumasagot kaya naman binuksan ko na ito. Kita ko ang gulat sa mukha ni Lucifer at dali-daling tumayo. Napatingin ako sa kanyang gilid ng tumayo si Cara, punas-punas ang kanyang bibig. "Akala ko na lock ko yung pinto." Nakangising saad ni Cara. 

 "Mamaya na tayo mag-usap." Baling ni Lucifer kay Cara. Tumango naman ito at lumapit sa kanya. May kung anong ibinulong ito kay Lucifer. Anong meron sa kanilang dalawa?

 "Anong ginawa niyo?" Buong lakas kong tanong sa kanya. Inayos niya ang kanyang mga papers sa kanyang table.

 "Why are you here?" Napayukom ako ng kamao dahil sa hindi ako nito sinagot. Sa inis ay tinalikuran ko siya at aalis. Ganito ba gusto niya? sige pagbibigyan ko siya. Pipihitin ko na sana ang doorknob ng magsalita muli si Lucifer. 

 "Hindi ako na-inform na nag-grocery kayo ng lalaki mo?" Inis na nilingon ko ito. May hinagis ito sa aking direksiyon na isang larawan. Dinampot ko ito at nakita ko ang ilang palihim na kuha nung kasama ko si George. 

 "Basta talaga malandi, nakakakuha ng paraan para makalandi 'no?" Sa unang tingin ng parang may relasyon kami dahil sa bawat larawan nakangiti kaming dalawa. Ako pa ngayon ang malandi?

 "Ano naman kung lumandi ako, ikaw lang ba ang pwedeng lumandi?" Mahina kong sabi sapat na upang marinig niya. Mariin itong nakatingin sa akin tila hindi niya inaasahan ang aking sasabihin.Pinipilit kong huwag umiyak sa harap niya. 

Pinihit ko na ang doorknob at lumabas na ng kanyang opisina. Napatingin ako sa aking hawak-hawak na larawan. Sino naman kaya ang nagpadala ng larawan nito kay Lucifer. 

Patungo ako sa aking kwarto ng mapatigil ako sa paglalakad. "Ma, anong ginagawa mo sa kwarto namin?" Nagulat siya ng makita ako sa kanyang likuran. Tinignan niya ang paligid at ang isang kamay ay itinago sa kanyang likuran.

 Ang kanyang tyan ay parang lumaki. Pilit na ngumiti ito. "N-nilinis ko lang yung kwarto niyo, nak. Ah sige, una na ako. Nagugutom na kasi ako eh."

 Hindi pa ako nakakapagsalita ng dali-dali itong umalis. Lagi naman malinis ang aming kwarto dahil bago ako lumabas ng kwarto ay sinisigurado kong malinis ito. Pumasok ako sa aking kwarto at tiningnan ang aming mga gamit.

 Pumasok ako sa walk-in-closet. Napakunot ako ng ilang damit ko at relo ni Lucifer ay nawawala. HIndi kaya? "S-si Mama ang dahilan kung bakit nawawalan kami ng gamit?" Nanghihina akong napaupo sa sahig at napaiyak.

 Hindi naman ito yung inaasahan kong mangyari. Ang buong akala ko na ngayon kasama ko si Mama ay mapapalapit kami katulad na lamang sa mag-ina na nakikita ko. Pero bakit ganun? Kahit na sa iisang bahay kami parang ang layo-layo niya sa akin?

 Inisip man lang ba niya na alagaan man lang niya anak niya? Iniisip niya man lang ba kung anong nangyari ang nangyari sa akin nung mag-isa lang ako? Sumasabay yung problema ko sa lahat.

 "Hindi ko na alam gagawin ko.." Napatingala ako at walang tigil ang pagragasa ng luha ko sa aking pisngi. 



 WALANG-BUHAY akong nakatingin sa balcony kung saan kitang-kita ko kung paano sumakay si Lucifer at Cara sa sasakyan. Nakatingin si Serio sa direksiyon ko bago sumakay ng driver seat.

   'Saan sila pupunta?' 

 Kanina gusto kong kausapin si Mama tungkol sa aking hinala ngunit umalis na naman ito. Napalingon ako sa aming kama ng tumunog ang aking cellphone. Agad akong naman kinuha iyon at sinagot. Hindi ko alam kung sino ang tumatawag dahil unknown number ito.

 "Hello." Wala naman nagsasalita. 

 "Ikaw ba yung asawa ni Slyveria?" Boses ito ng isang lalaki. Kinabahan naman ako sa tono ng boses nito. 

 "Hindi mo alam ang pinasok mo. Talaga bang kilalang-kilala mo kung sino yung pinakasalan mo?"

 "Sino ba 'to?" Kinabahan na kasi ako dahil hindi pamilyar ang boses nito. Rinig ko ang nakakakilabot nitong tawa. 

"Paano mo nakuha number ko?"

 "Halata namang wala kang kaalam-alam sa asawa mo." Gulong-gulo na ako kung sino ba ang kausap ko.

"Hindi ba sinabi ng asawa mo na isa siyang mafia at drug lord? Siya ang humahawak sa droga at  matataas na kalibre ng baril. Parehas silang mag-aama, mamatay tao. Sila ang nagd-distribute ng mga droga dito sa pilipinas. Nakakaawa ka nga eh, hindi mo alam na kada uwi ng asawa mo sayo may pinapatay siyang tao na hindi mo alam."

"I-imposible 'yang sinasabi mo." 

Napahalakhak ito. "Masyado kang nagpapabulag sa pag-ibig na nararamdaman mo, Luna. Sa tingin mo ba mahal ka talaga ng asawa mo o baka naman ginagamit ka niya?" 

"Bakit mo ba ito ginagawa mo?!"

"Pinatay ng asawa mo ang anak ko! kaya papatayin ko rin siya! Umalis kana dyan sa bahay ng asawa mo dahil hindi na ako magtataka kung patayin ni Dos ang nanay mo at ang kaibigan mo." Bawat salita nito ay madiin na lalong nagbigay sa akin ng kilabot.

Hindi pa man ako nakakapagsalita ay namatay na ang tawag. Sinubukan ko itong itawagan pabalik ngunit hindi na nasagot.


His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon