Chapter 7.

8.4K 146 3
                                    

HALOS  hindi ako nakatulog kagabi dahil sa ginawa ni Lucifer sakin. Hindi ko maisip kung bakit niya iyon ginawa sakin. Namumugto ang aking dahil sa kakatangis kagabi.

Napatingin ako sa maliit na salamin. Mabuti na lamang at hindi halatang kulang ako sa tulog. Kasalukuyang naliligo ako upang maghanda dahil ito ang aking unang araw na papasok sa school.

Hinawakan ko ng mabuti ang aking buhok at mabuting tinignan ang aking leeg. Bakit namumula ito? Ito ba ang tinatawag na chikinini?

Imposible dahil nakikita ko iba ay halos kulay ube ito. Baka nagkakamali lang ako. Pinilig ko na lamang ang aking ulo at minabuting bilisan ang pagligo.

Nang matapos akong maligo ay sinuot ko na ang aking uniporme. Nilagyan ko na rin ng band aid ang pantal sa aking leeg. Baka kasi kung ano pang isipan ng tao, diba?

Pinili ko ang isang itim na bag. Ang dami kasing binili ni Lucifer na bag.Marahan kong sinuklay ang aking buhok. Mas mabuting iwasan ko muna si Lucifer. Natatakot na ako sa pwede niyang gawin sakin.

Sinisigurado ko na pag nakaipon na ako, aalis na ako dito."Tulungan ko na po kayo." Ani ko kay Manang. Bukas na ang uwi nila Stell dito sa mansion.

"Madudumihan 'yang uniporme." Tangin ngiti lang ang sinukli sa kanya at kinuha ang Plato. Napailang na lamang ito.

"Good Morning, hija. You look good." Ani ni Ma'am Alliana.

"Thank you po!" May ilang bodyguard rin ang tumulong sa amin na ilagay ang mga pagkain sa table.

"Join us." Nag aalangan umiling ako Kay Ma'am Alliana.

"Nako, 'wag na po ma'am." Napanguso lang si Ma'am Alliana.

"Join us na!" Sinenyasan ako ni Ma'am Sophia na magagalit si Sir Sin.Binigyan lang ako in Tres na nakakalokang tingin. Hindi ko na binigyan ng tingin si Lucifer.

Umupo ako sa tabi ni Sophia na ikinaliwanag ng mukha ni Ma'am Alliana. "You look sexy, Luna." Ani Tres. Namula naman ako sa sinabi niya.

Nakaramdam ako ng kaba ng mapatingin ako kay Lucifer na madalim ang mukhang nakatingin sa amin. Madiin ang pagkakahawak nito sa kubyertos. "Yea, you righ---- oh wait! what happened to your lips?" Gulat na nahawak si Sophia sa kanyang bunganga.

"Nag away ba kayo? Dos?" Nagtatakang tanong ni Ma'am Alliana.

"No, Mom." Depensa ni Tres.

"Hayaan mo sila, Cara Mia. Malalaki na sila." Kinurot naman ni Ma'am Alliana si Sir Sin.

"Ikaw talaga! Kinukunsinte mo sila. Sa sofa ka matutulog mamayang gabi!" Bakas sa mukha ni Sir Sin ang pagtutol ngunit inirapan lamang siya ni Ma'am Alliana

"Mag iingat kayo, Dos, ikaw na bahala kay Luna." Tumango lang si Dos at umalis.

"Goodluck, hija!" Napangiti naman ako kay Ma'am Alliana.

"Salamat po!" Niyakap ko into.

"Let's go na! Bye, Mom. love yo!!" Kumaway kami kay Ma'am Alliana bago sumakay sa mamahaling sasakyan ni Lucifer. Unang pumasok si Sophia sa back seat at sumunod ako.

"I'm not a fucking driver, Luna." Madiin nitong sabi. Madiin niya akong tinignan na aking ikinaiwas. Lumipat na lamang ako sa shotgun seat para walang problema.

"High blood!" Ani ni Sophia na sinabayan pa ng tawa.Pinapandar na ni Lucifer ang sasakyan.

"Are you excited, Luna? Omg! Marami akong ipapakilalang boys!"

"Sophia." Mariing ani ni Lucifer.

"Tss, okay. Oh wait what happened to your neck?" Turo niya sa band aid na nasa aking leeg.

His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon