Chapter 19

6.7K 87 3
                                    

"ANG GANDA ng private islands ni Dos, 'no?" Tumango naman ako kay Mace. Kakapasok lang namin ni Lucifer kaya naman marami akong hinahabol na activities.

"Nakakalma." Saad naman ni Rissey.

"Gusto ko nga pumunta ulit dun 'e." Ani ni Mace. Napairap naman si Rissey

"Gusto mo lang makita si Serio eh!" Malawak na napangiti naman ang dalaga sa narinig.

"Oo, Sis. Damn, those abs ang tigas!" Kinikilig nitong sabi at mukhang pinagpapantasyahan niya pa ang binitang tinutukoy.

"Nakita ko siya." Lumaki ang mata nito sa narinig.

"Yummy 'no?" Napailang na lamang ako. Padabog na binaba ni Jacob ang hawak nitong libro ng siya'y makaupo kaya naman napalingon kami. " May boyfriend na lahat-lahat, ibang lalaki pa rin ang iniisip!" Pagpaparinig nito.

"Anong pake mong panget ka? ba't 'di kayo magsama ng babae mo?"  Naguguluhang nagkatinginan kaming dalawa ni Rissey.

"May boyfriend ka, Mace?" Tumango lang ito sa amin at inirapan si Jacob.

"LQ ang mag bestfriend." Rinig kong saad ni Taylor.

"Yes, i have a boyfriend. Gwapo hindi katulad ng isa dyan." Pagpaparinig nito.

"Tama na 'yan, Mace." Malumanay ni Rissey.

"Oh, really? kaya pala nakita 'ko boyfriend mo may kahalikang babae!" Halos lahat ng aming kaklase ay nakatingin na sa kanilang dalawa. Wala ni isa ang ayaw magpatalo.

Napatayo naman sa inis si Mace at sinugod ang binata. Sinabunutan niya ito kaya naman napasigaw sa sakit ang binata. " Story maker ka talagang panget ka!"

"Hindi pa rin sila tapos." Nakapangalumbaba kong saad habang nakatingin kina Mace na walang tigil sa kakairap kay Jacob.

"Para talaga silang aso't pusa." Sumang ayon naman ako sa sinabi ni Rissey. Wala atang araw na hindi sila nag aaway.

"Do you want anything to eat?" Umiling naman ako kay Lucifer. Kakatapos lang namin kumain kaya naman sina Taylor ay panay bato ng tanong sa boyfriend ni Mace na katabi niya.

Pinakilala niya kasi ito sa amin."So, you saying na sa bar kayo nagkakilala ni Mace?" Nakataas kilay na tanong ni Taylor habang pinaglalaruan ang bread knife.

"Hindi ka nagpaalam sa amin na pupunta kang bar, Mace." Malamig na saad ni Vier.

"My Mace doesn't deserve an ugly guy, bastard." Diretsyahang saad ni Lucas.Nagulat naman ako sa sinabi nito. Tipid lang magsalita si Lucas ngunit tagos sa kaluluwa ang sinasabi nito.

"Lucas!" Bakas sa boses ng dalaga ang inis.

"Yes, nagkakilala kami ni Mace sa bar and i think na love at first sight ako." Bakas sa boses ng binata ang kaba.

"Shut up, Mace." Ani ni Lucas.

"What's your name, bastard?"

"Emjai."

"I think hindi kana na love at first sight, na lust at first sight pwede pa." Sabat ni Taylor.

Nanlaki ang mata ni Mace sa sinabi ni Taylor. "Bakit ba ang dami niyo tanong, nakakainis na kayo ah!"

"Of course, that's for your own good, Maceline!" Sa wakas ay nagsalita na si Jacob.

"Feeling jowa si Kuya Jacob." Natatawang ani ni Taylor.

"Kaya ganyan kahigpit si Vier and Lucas sa kanya kasi they consider mace as their sister. Binilin kasi ni Tita Lans kina Vier na alagaan si Mace." Bulong sa akin ni Rissey.

His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon