Chapter 55

4.2K 44 0
                                    

NAGISING ako sa malamig na lumukob s aking katawan. Nang imulat ko ang aking mata ay bumungad si Annie. Nakatakip ang kalahati nitong mukha ng tela. Binaba niya sa sahig ang maliit na tinmba.

"A-annie?" Napatingin ako sa aking paligid. Kasalukuyan nasa isa akong kwarto. Nakatali ang aking kamay at dalawang paa sa upuan. Tanging isang table lang ang nandito sa kwarto.

"Buti naman na aalala mo pa ako." Mapait nitong sabi. Ilang buwan na rin akong walang balita sa kanila simula ng matanggal sila sa trabaho.

"N-nasaan ako? Sina Mama?" Kinakabahan ako dahil sa nangyayari ngayon. Bigla kong naalala na ang nangyari bagao ako mawalan ng ulirat. yung pagpasok namin sa isang itim na van..

"Nanay mo pala yung nagbenta sayo?" Napakunot ako sa sinabi ni annie. B-binenta?

"Kahit kailan ka talaga, Luna. Napaka tanga mo. Tignan mo miske nanay mo nagawa kang ibenta." Nakangisi nitong sabi. Pilit kong tinatanggal ang tali s aking kamay.

"Imposible yang sinasabi mo!" Hindi pwede.. Hindi magagawa ni Mama yun sakin. Napapikit ako ng malakas akong sampalin ni Annie.

"Uto-uto ka talaga kahit kailan! Napaniwala ka ng nanay mo pero hindi mo alam na palihim ka ana niyang binenta sa amo ko! Ganun na ba kabaho ang ugali mo, Luna? Miske nanay mo nagagawa ka ng ibenta." Napangsi siya tila natutuwa sa nangyayari sa akin. Hindi maari gawin ito sa akin ni Mama.

"Kinakarma kana, kinakarma na akyo ng asawa mo sa ginawa niyo sa amin!" Mahigpit na hinawakan ni Annie ang panga ko. Masakit ito.

"A-ano bang sinasabi mo?" Hindi ko siya maintindihan kung bakit ang laki ng galit niya sa akin. Wala naman akong natatandaan na may ginawa sa kanya. Sila yung laging may ginagawang masama sa akin.

Nakatanggap muli ako ng sampal mula sa kanya na kamuntikan ng ikatumba ng aking kinauupuan ngayon. Nagulat ako ng tanggaliin ni annie ang telang tumatakip sa kalahating mukha nito.

"Tignan mo ang mukha ko! tignan mo! Ayan ginawa ng walanghiya mong asawa sakin, Luna!" Ang kalahating mukha nito ay wala ng balat. wala na ring takulap ang kanyang mata. Parang binalatan ang lahati nitong mukha. Miske ang labi nito ay sobrang nipis na lamang.

Nakaramdam ako ng takot ng makita ang kanyang mukha. " Pinatay niya sina Pepay! Ako lang natira. Grabe ang pahirap ng asawa mo sa akin, sa amin. Pinatay niya ang mga kaibigan ko dahil SAYO!" Napaluha ako dahil ramdam ko ang sakit na mula sa kanya.

"H-hindi ko alam na ganun ang ginawa sa inyo ni Lucifer! A-ang alam ko ay pinatanggal kayo sa trabaho!" Ngayon na niniwala na ako na si Lucifer ang gumawa sa kanya ng ganyan. Sa anak pa nga lang naman ay gusto na niyang ipalaglag.

pagak na napatawa si Annie. "Lagi ka nalang walang alam, Luna! Pero kahit na ganun ang ginawa niya, mapapatawad ko siya. Basta magpakasal kami at ikaw, sisiguraduhin kong mamatay ka ng naghihirap." Puno ng galit nitong sabi.

Napaiyak ako. Ito na ba ang katapusan namin ng anak ko? Hindi ko naman maisip na magagawa 'yun ni Mama eh. Akala ko talaga magiging maayos na ang lahat pero hindi pala. Napatigil si Annie ng may pumasok kaya naman agad niyang itinakip ang tela sa kalahati nitong mukha. "Boss." Puno ng galang na saad nito.

Napangiti ito ng makita ako. "Oh, gising kana pala prinsesa." Isa itong lalaki. Halata sa mukha nito na amy pagkamanyakis siya at hindi ko gusto ang aura na bumabalot sa kanya.

"Pakawalan mo na ako dito." Madiin kong sabi ngunit tinawanan lang ako nito.

"Dito kana mamatay." Sagot naman nito sa akin.

"Sa tingin mo ba makikita kapa ng gago mong asawa huh? Sisisguraduhin ko munang patay kana bago kapa niya makita." Nilapitan ako nito at inamoy-amoy. Pilit akong lumalayo.

"Ano ba!" lalo akong natakot ng haplusin nito ang aking dibdib. Sobra akong kinakabahan ngayon. 

"Ganyan nga matakot ka sakin." Saad niya at bahagyang lumayo na ikinahinga ko ng maluwag.

"Nasaan sina Mama, gusto ko siyang maka-usap." Tumango namna siya.

"Annie, tawagin mo nga sila." Tumango naman si Annie at lumabas ng kwarto.

"Masyado kang matapang, Mrs. Slyveria. Ganyan ba ang natutunan mo sa asawa mo. Well, hindi na ako magugulat kung pumatay ka rin gaya ng asawa mo." Mapait nitong sabi.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi ako gagaya sa kanya." Madiin kong sabi.

"Kung dahil lang sa kanya kung bakit mo ako kinuha pwes pakawalan mo na ako. Wag niyo akong idamay sa away niyo." Sumandal ang lalaki sa table at pinagkrus niya ang kanyang barso.

"Idamay? Naisip ba ng asawa mo na wag idamay ang anak ko bago niya patayin? Hindi diba? Binabalik ko lang rin ang ginawa niya. Para naman maranasan niya kung paano mawalan ng pamilya." Kasabay 'nun ang pagpasok nila Mama at Cara.

"Here they are. Hinahanap ka ng anak mo, Grace. Gusto  niya ata malaman kung bakit mo siya binenta sakin, wait, hindi mo pala siya binenta sakin. Siya yung bayad mo sakin." Pagtatama nito.

Naguguluhan ko silang tinignan. Si Mama naman ay umiiwas ng tingin sa akin. "A-anak, ganito kasi nangyari. Sa kanya kasi ako nangutang ng 3 milyon tapos nahanap niya ako at kinukuha na niya ang pera. W-wala naman akong pera. Lumaki na rin kasi ang utang ko sa kanya naging limang milyon na kasama na interes. Wala naman akong pera kaya naman naisip kita at s-sinabi na ikaw na lang ang ipangbayad ko tutal mukhang interesado naman si Boss Reo sayo."

Lalong nawasak ang puso ko ng marinig 'yun mula sa kanya. "W-wala talaga kayong kwenta." mahina kong sabi pero sapat na upang marinig niya. Napayuko ako at napapikit ng madiin.

"Hoy, Luna. Wala ka talagang respeto sa mama mo." Napaangat ako ng tingin at napatingin sa direksiyon ni Cara.

"Walang respeto? paano naman ako? Pinangbayad ako na wala man lang akong alam? Alam niyong nirererespeto kayo at kayo ang hindi rumerespeto sakin!  Kahit kailan, Ma. Hindi kayo gagalangin ng anak niyo kung sarili niyong anak ipinangbayad mo para sa kalandian mo?!" 

Nanlaki ang mata ni Mama sa naringi at nagtungo sa akin at sinampal ako. "Ang kapal ng mukha mong sabihin na malandi ako?! ngayon ka nga lang nagkasilbe sakin, tangina ka!"

"Ikaw, Ma? Kailan ka kaya magiging responsableng ina sakin?" Mapait kong sabi. Kita ko na inawat siya ni Cara.

"Tama na 'yan, Grace. Karma na yan ni Luna. Mamatay ka sana." Inis nitong sabi at inirapan ako.

"That's a wonderful scene." Pumalakpak ang lalaking nagngangalang Reo.


His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon