Chapter 44

4.1K 54 0
                                    

"KLEV, tama na 'yan!" Napatingin ako kay Mei. Magkakilala sila? Kita ko kung paano mahirapan si Cara huminga. Lumapit si Mei sa binata upang pigilan. Napaubo naman ang dalaga ng pakawalan siya ng binata na nagngangalang Klev.

Naawa ako sa kalagayan ni Cara. "Ayos ka lang ba?" Hinawakan ko ang balikat nito ngunit iniwas niya lang nito sa akin at masama akong tinignan.

Malungkot na napatingin ako sa kanya. Inis na tumayo ito at padabog na umalis. "Magpalit kana muna ng damit dun, Mei." Malumanay kong ani sa kanya.

"P-pasensya na po." Ningitian ko naman ito at marahan hinimas ang balikat ng dalaga.

"Pasensya kana sa ugali ni Cara." Tiningnan ko naman si Klev at tumango lang ako sa kanya. May ilang katulong ang nagwalis sa bubog dulot sa nabasag na baso.

"Maluto na po ang cookies niyo po." Saad ng isang kasamabahay. Ningitian ko ang ito at tinignan ang aking cookies. Nagsimula na akong maglagay sa isang container ng cookies dahil balak ko siyang puntahin sa kanyang company.

Naglagay ako sa isang plato ng limang cookies sa maliit na plato para kay Cara. Gusto kong tikman niya ang niluto ko. Dati naalala ko pa nung magkasama kami sa isnag apartment ay may balak talaga kaming magpatayo ng isang coffee shop. Mahilig si Cara sa cookies kaya sana magustuhan niya ang ginawa ko.

Nakailang katok pa ako ngunit walang nagbubukas kaya naman pumasok na ako tutal hindi naman nakasara. Nakita ko si Cara na nakatingin sa bintana.

"Cara, gumawa ako ng cookies. Diba favorite mo 'to?" Nilagay ko sa kama ang cookies na ginawa ko at akmang lalapit ng magsalita siya.

"Wag kang lumapit." Saad nito. Napatigil naman ako at huminga ng malalim. 

"Okay, sana magustuhan mo." Ang tangi kong nasabi at lumabas na ng kwarto. Sinabihan ko na rin ang ibang katulong na hati-hatiin na nila ang cookies na aking ginawa. Naligo na ako dahil pupuntahan ko si Lucifer upang bigyan siya ng aking ginawa. Nung unang gawa ko kasi ay hindi ko natabihan ang asawa ko kaya naman ngayon tinabihan ko na.

"Pwede niyo ba akong samahan sa company ni Lucifer?" Nahihiya kong tanong sa bodyguard. Naistorbo ko pa sila sa pagkain nila ng cookies. Tumango naman sila at sumakay kami sa isang van. Mga anim na bodyguard ang sumama sa akin. Hindi na ako umangal dahil sa safety ko rin naman ito at sa kagustuhan ng asawa ko.

Tinanong ko ang isang bodyguard kung nakita nila ang mama ko pero ang sabi ng mga ito ay hinatid ng iba pang bodyguard si Mama. Nagpaalam muna ito kay Lucifer na pumayag naman. Hindi man ko man lang ito napansin dahil na rin siguro sa pag-aaway na naganap.

Napabuntong hininga akong tumingin sa bawat kalsada na aming madadaanan.Hindi man lang itong nagpaalam sa akin.Mga ilang minuto pa ay nakarating na kami sa aming paroroonan. Napatingala ako sa malaking building na nasa aming harapan.

Yumuko naman ang guard ng dumaan kami. "Good Afternoon po." Nahihiya kong bati. Maraming tao ang tumingin sa aming direksiyon lalo na sa akin. Nakakuha ng atensyon ang anim na bodyguard na nakasunod sa akin. Nakayukong nagtungo kami sa elevator.

"Dito po tayo." Ani ng isang bodyguard sa isang exclusive elevator. Tumango naman ako at sumakay akong mag-isa.

"Hindi kayo sasama sakin?" Taka kong tanong sa kanila. Umiling naman ang mga ito kaya naman tumango ako. Pinindot na ng isang bodyguard ang button kung nasaan ang floor ng asawa ko.

"Salamat." Ani ko sa kanila. Yumuko lang ito hanggang sumara na ang elevator. Bukas rin kaagad ito ng makarating na ako sa floor kung nasaan ang asawa ko.

May isang lalaki sa 'di kalayuan ang nakatayo. "Good Afternoon, nandyan ba ang asawa ko?" Magalang kong tanong.

"Yes, Queen. Sa ngayon ay hindi muna pwedeng pumasok dahil may ginagawang meeting si Young Master." Diretsyong tingin nito. Tumango naman ako at umupo sa sofa sa 'di kalayuan.

Wala pang ilang minuto ay bumukas na ang pintuan at bumungad si Serio. Tinanguan ako nito. "Mabilis lang ito." Saad ng binata at pumasok muli. Bago pa ito makapasok ay tumingin ako sa kwelyo nito na may bahid ng dugo?

Bakit siya may dugo?




"YOU fucking bastard,  Tell me who the fuck is your fucking boss?" Nangingitngit na tanong ni Dos at hinawakan ang kwelyo ng lalaki na nagdudugo ang bibig sa pagsuntok nito kanina. Nasa kalagitnaan siya ng pagpipirma ng papeles ng pumasok si Serio habang hawak-hawak ang lalaking ito.

Ayon kay Serio na isa itong espiya na nahuli niya kaya naman walang lalabas sa opisina ni Dos ng buhay.

"Maghanda kana, Dos. Papatayin na niya ang asawa mo." Sa gitna ng sakit na nararamdaman ng lalaki ay nagawa pa nitong tawanan si Dos. 

Binitawan ni Dos ang lalaki dahil sa panghihina ay napaluhod ito. Si Serio ay tahimik lang pinapanood ang kanyang boss. Nakaputing polo ito dahil hinubad niya ang suit niya dahil ayaw nitong mabahidan ng dugo.

Ang asawa nito na si Luna ang purtinya ng kalaban. Ang problema lang nila ay hindi nila matukoy kung sino sa kalaban ng kanyang amo ang nagtatangka sa buhay ng asawa nito.

 Pasimpleng kinuha ni Dos ang baril sa na nakatago sa kanyang tagiliran. "Fuck you" Walang emosyon na saad ni Dos at walang ano-ano binaril ito sa ulo.

Napapikit si Serio dahil tumalsik sa kanya ang ilang dugo ng lalaki. Inis na napamura ito sa kanyang isipan dahil sa mahihirapan siyang labhan ang kanyang polo.

Nang imulat nito ang kanyang mata ay kasabay ng pagtunog ng kanyang cellphone. Mabilis niya itong kinuha at sinagot.

"Nandito ang asawa ni Young Master." Tangina.

Mabilis siyang napatingin sa amo na nakahawak sa kanyang noo. "Fuck! Fuck!" Lumabas siya ng opisina ng kanyang amo at nakita niya ang asawa nito.

"Mabilis lang ito." Ang tangi niyang nasabi at pumasok muli. 

"Nandito ang asawa mo." Napatingin naman sa kanya ang kanyang amo. Binuhat nito ang walang buhay na lalaki. Pumasok siya sa isang secret door at nilagay ang patay na lalaki. Babalikan niya ito pag nalinisan na niya ang nagkakalat ng dugo.

Ang secret door ay nakakonekta sa pinakababa ng building. Dito sila dumadaan sa tuwing may pinapatay ang kanyang amo at may nakaabang na sa parking lot na van na kulay black. Bumalik muli siya at mabilis na nilinisan ang dugo at nang masigurado na niya ang wala ng dugo at binuksan na niya ang secret door.

Tinignan niya ang kanyang amo na malalim na nag-iisip. "Takot ka." Walang emosyon na saad ni Serio.


His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon