HINDI ko napansin na anong oras na pala dahil gabi na kami nakauwi. Ganun na ba kami katagal nag shopping? "Nandito na pala kayo!" Niyakap kami ni Ma'am Alliana.
Kita ko sa likuran niya ay sina Sir Sin. Bahagya akong yumuko upang magbigay galang. Sa kaliwa naman ay masamang tingin ang pinupukol sakin nila Stell."Pakidala sa kwarto ni Luna." Malamig na ani ni Lucifer sa isang bodyguard.
Mabilis na tumango ang mga ito at kinuha ang paper bag. Teka nga? Ba't parang dumami ang paper bag? Nagtatakang tinignan ko si Lucifer ngunit hindi ako nito pinansin.
Dalawang bodyguard niya ang umalis. Ang dami naman. Halos bilang lang ang paper na hawak ni Lucifer. Agad kaming nagtungo sa dining area. Mabilis akong nagpalit at nagsimula na sa aking trabaho.
May isang bodyguard ang lumapit kina Lucifer. Wala rin ang kapatid niyang si Tres. Tanging silang tatlo lang ang nagsalo-salo. "Natakasan niya po kami, Young Master." Nakayukong saad ng bodyguard
"That brat." Ani ni Lucifer. Nilagyan ko sila ng juice sa kanilang baso
"Ang batang iyon, saan na naman siya nagpunta?" Nagaalalang tanong ni Ma'am Alliana.
"Stop stressing yourself, Cara Mia." Marahang pinisil ni Sir Sin ang kamay nito.
"Paano kung may mangyari sa anak natin? Anong oras na?" Napabuntong hininga si Lucifer.May kung sinong tinawagan si Lucifer.
"Don't you worry, Mom. Pauwi na si Sophia." Makahulugang nagkatinginan sila ni Sir.
TAHIMIK akong nagwawalis sa sala.Umepekto ang gamot na binigay sa akin ni Sophia kanina dahil hindi na sumakit ang ulo ko. Saan niya kaya yun binili?
Buti na lang nandito sina Sir Sin dahil hinihintay si Sophia umuwi. Kung hindi ay baka kung anong gawin sakin nila Stell.
"Can you please stay away from me?! my gosh!!" Sa labas pa lang ay rinig ko na ang boses ni Sophia.
"SOPHIA, GO TO MY OFFICE NOW!" Dumadagundong ani ni Sir Sin.Pagkapasok na pagkapasok ni Sophia. Nakasimangot na nakatingin si Sophia kay Sir Sin.
"Love." Pagpapakalma ni Ma'am Alliana at marahang hinimas ang malapad ng balikat nito.
"Dad, naman 'e!" Pagmamaktol ni Sophia. Tumayo si Sir Sin at umalis na.
"Anak, naman kasi. Saan kaba nagpupunta?" Nag aalalang ani ni Ma'am Alliana. Hindi pa nakakasagot si Sophia ng sumabat si Lucifer.
"What are you waiting for?" Malamig na sabi nito sa kapatid.
"Gosh!" Padabog na umalis si Sophia.
NGAYON ay araw ng linggo. Mabilis na gumaling ang pasa ko sa aking likod. Sa kalmot ko naman ay tanging peklat na lamang. Pawala na rin ang peklat na iyon dahil sa gamot na binigay ni Sophia. Epektibo talaga ang binigay ni Ma'am Sophia sakin.
Maayos ang naging daloy ng araw ngayon dahil hindi na ako pinapansin nila Stell. Hindi ko rin alam kung bakit ngunit laking pasasalamat ko.Hindi ko rin alam kung bakit ang daming inuutos ni Sophia sa apat na katulong. Halos ako ay walang magawa.
Wala ngayon si Lucifer at si Tres dahil may pinagawa ang daddy niya sa kanya.Sina Sir Sin naman at Ma'am Alliana ay nagsimba. Kaya si Sophia lamang at kami ang naiwan.
BINABASA MO ANG
His Personal Maid
RomanceYou're mine, Gail. No one can own you, except me." Si Luna Gail Sanchez ay isang mahirap na tao lamang. Pinalayas siya sa kanyang apartment at nawalan ng trabaho. Hanggang isang araw ay may swerteng dumating sa kanya at yun ay maging katulong ngunit...