Chapter 37

4.8K 56 1
                                    

NANG sabihin niya ang mga salitang iyon ay sobrang nasaktan ako. Nasaktan ako na sa kanya mismong nangaling na ayaw niyang magkaanak sa akin. 

Pinakasalan niya ako pero wala siyang balak magkaanak sakin.

Nang sabihin niya ako ay pilit ko siyang ningitian kahit sa loob-loob ko ay pinipigilang umiiyak. Baka naman bata pa kami at hindi pa siya handa na magkaanak kami? o baka may plano pa siya para sa akin in the future?

Maraming tanong ang bumabagabag sa akin. "Don't think too much, Wife. I'm gonna cook for our dinner." Hinalikan nito ang aking noo at umalis. Iniwan akong magisa.

Kasabay ng kanyang pag alis ay pagtulo ng aking luha na kanina ko pang pinipigilan. Kahit ako ayoko muna magkaanak lalo na't nag aaral pa ako pero kung sakali may mabuo kahit alam kung imposible dahil nainom ako ng pills ay bubuhayin ko ito.

Muli akong ngumiti at pinunasan ko ang aking luha na tumulo sa aking pisngi. Huminga ako ng malalim, ilang minuto akong nanatili sa rooftop bago pumasok sa loob ng bahay.

Kita ko ang dalawang lalaki na nasa kusina. "Wow, ang bango naman ng amoy!" Napatingin silang dalawa.

Lumapit ako sa kanila at tinignan ang kanilang niluluto. Hindi ko alam kung anong tawag sa kanilang niluluto pero base sa itsura nito ay mukhang nakakatakam.

Napansin kong nakatingin si Lucifer habang si Serio naman ay pinagpatuloy ang kanyang magluluto.

"Uhm, mag-aayos na ako sa mesa." Kumuha ako ng tatlong plato at inilagay ito sa lamesa, kasunod naman ay nagdala ako ng baso.

Nilapag ni Serio ang mga pagkain na kanilang niluto. Nakangiti ako ng magsimula kaming kumain.





MAPAKUNOT ako ng may marinig akong nagbubulungan. Nakapikit akong kinuha ang comforter at itinabon sa aking katawan dahil sa lamig na aking nararamdaman.

"Tangina, ang ganda parin kahit nakanganga."

"Can you please shut up, magigising mo siya. Look at her damn face. She looks tired." Teka, boses 'yun ni Sophia ah?

"Quiet guys, let's give her a peaceful sleep."

Unting-unti kong minulit ko ang aking mata at nagulat nang bumugad sina Sophia sa aking harap, nakaupo sa kama.

Akmang aalis sila. "Anong?" Hindi ko na nadugtungan ang aking sinasabi ng gulat silang tumingin sa akin.

"Omg! gising kanaa!" Ani ni Sophia at sinabayan ng malakas na tili. Agad napatakip ang dalawa at masama ang tingin sa kanya.

"Obvious naman diba?" Mataray na saad ni Mace. Inirapan  lang siya ni Sophia.

"I'm sorry, Luna. Nagising ka pa namin." Malungkot na ani ni Rissey. Hindi ako makapagsalita dahil sa hindi pa ako nakakapag toothbrush.

Agad akong bumangon habang nakatakip ang aking bibig. Nagtungo ako sa cr at naghugas ng mukha at nag toothbrush. Napakamot ako ng pisngi dahil sa wala pala akong suot na bra. Kitang-kita ang aking dibdib sa salamin dahil sa manipis na tshirt lang ang suot ko.

"Hala, nasusuka ata siya. Preggy na ata?! Magiging tita na ako omg!" Rinig kong histerikal na tanong ni Sophia.

"Tangina, ganun kabilis?"

Nakakrus ang aking brasong lumabas upang kumuha ng bra ngunit pagkabukas ko ay bumungad ang tatlo.

Hawak ni Rissey ang bra habang ang dalawa naman ay nakangising nakatingin sa akin. "Here's your bra, Luna." Nahihiyang kinuha ko ito at pumasok muli sa cr.

Napayuko ako dahil sa hiya. Nakakahiya. "Luna, are you preggy?" Tanong ni Sophia nang pababa kami. Umiling ako.

"Grabe naman si Dos, sharp shooter. Tangina, tulis ng etits!" Napatawa naman si Mace sa kanyang sinabi. Habang ang dalaw naman ay gulong gulo sa sinabi ng dalaga.

"What's etits?" Nakangising bumulong si Mace kay Sophia. Wala pang minuto ay napangisi ang dalaga at natawa.

"Can you tell me, Mace?" Umiling naman ito.

"Bawal eh, mandidiri ka lang." Pananakot nito. Napasimangot naman si Rissey.

Umiling ako. "Hindi, kaya lang nakatakip ang bibig ko kasi hindi pa ako nagt-toothbrush." Tumango naman silang tatlo.

"Sino buntis?" Napahinto naman kami ng bumungad sina Jacob, Taylor at Lucifer sa aming harapan.

Hindi namin namalayan na  nasa dinig area na kami kung saan ang lahat ay nandito. Napahinto naman sina Lucas, Vier, Serio at Tres.

"A-ah, wala." Agaran kong ani.

"Nothing, akala kasi namin preggy si Luna. Excited pa naman ako!" Nakangusong ani ni Sophia. Napailang na lamang ako.

Nilapitan ako ni Lucifer at dinampian ako ng halik sa aking labi. "Luto na ang almusal!" Sigaw ni Taylor. Napatakbo naman si Jacob sa pagkain sa mesa.

"Let's go." Ani sa akin ng binata at hinawakan ang aking beywang. Ang lahat ay nagsimula ng kumain puro ingay ang maririnig dahil sa hindi matigil ang bunganga nina Taylor at Jacob.

Mukhang ayos naman si Jacob at Mace or sa tingin ko lang? 

Sinabi sa akin ng asawa ko na bigla nalang daw ang pagsulpot ng kanyang kaibigan. Kung hindi pa daw niya malalaman kung niya narinig ang tunog ng helicopter. Sa sobrang lalim ng tulog ko ay hindi man ako nagising sa ingay ng helicopter.

Ayon pa nga sa binata ay pinagalitan niya ang mga ito ngunit hindi siya pinansin at pumasok lang sa bahay. Ani pa ni Taylor ay baka daw namimiss na ni Lucifer sila kaya sila na mismo ang naghanap kung saan kami nag h-honeymoon.

Dapat pa nga daw sila magtampo dahil sa biglang honeymoon. Natatwang napailang na lamang ako.

"Tangina mo, Jacob. Alisin mo yang alimango sa fuck pwet ko!" Napalingon kaming mga babae ng makita namin si Taylor na mangiyak ngiyak na nakahawak sa kanyang pang upo kung saan nakakapit ang alimango.

Aligagang pilit tinatanggal ng binata ang alimango ngumit masyadong makapit ko. Mangiyak-ngiyak si Taylor na sumisigaw sa sakit.

"Hay, dapat talaga hindi na sinama yang dalawang ang ingay!" Iritang saad ni Mace. Kasalukuyang naliligo kami sa dagat. Hapon namna na kaya hindi mainit sa balat ang araw kaya ayos lang.

Kaming lahat na babae ay naka two piece. Mabuti nga pumayag si Lucifer.

Ani nito ay wala naman na mangangahas na umagaw sa akin dahil ang lahat ng kasama nito ay taken na. Hindi ko man maunawaan ay tumango lang ako.

Namumulang napatingin pa nga ako ng magsuot ako ng two piece. May naalala kasi ako. "Serio!" Agad napalingon si Serio sa direksiyon namin kaya naman kumaway si Mace.

"Ang gwapo talaga ni Serio. Walang tapon." Nagkatinginan kami ni Sophia at Rissey.

"Yes, well toned yung abs niya." Simpleng saad ni Sophia.

"Tangina, Lucas. Ba't bigla mong hinila yung alimango. Tangina ang sakit!"  Mangiyak-ngiyak na napahiga si Taylor. Bigla nalang kasing tinanggal ni Lucas yung alimango.

May sinabi si Lucas na hindi ko na narinig at iling-iling umalis. Si Jacob namin ay mukhang nagpipigil lang ng tawang nakatingin kay Taylor.

"Tangina, yung pwet ko!"

"Sophia, bakit wala yung bodyguard mo?" Lagi pa naman nakadikit sa kanya iyon kahit nga sa mansion eh.

"That bastard." Nangingitngit na ani ng dalaga.

"Oh, ba't parang galit na galit ka sa asawa mo este bodyguard mo?" Natatawang saad ni Mace.

"Well, i really really hate that fucker. Thanks to god hindi siya kasama." Napatawa naman ng malakas si Mace.

"Hindi mo sinabi sa kanya na sasama ka, gaga."

"Don't you like him?" Nakakunot na ani ni Rissey. Umiling naman si Sophia.

"Neveh" Maarte ani nito.

"But i saw you guys, kissi---"

"Close your pretty mouth, Rissey." Nakakamatay na ningitian siya ni Sophia. Malakas na napahalakhak si Mace habang ako'y naguguluhan.

His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon