GABI na ngunit hindi parin umuuwi sina Lucifer. "Queen, kakain po ba kayo? Anong oras na po kasi at lumalamig na po ang lahat ng niluto niyo." Magalang na saad sa akin ng isang katulong.
"Ilagay niyo nalang sa ref ang mga pagkain na niluto ko. Wala kasi akong ganang kumain ngayon." Tumango naman ito at umalis. Mabigat ang loob kong tumayo upang magtungo sa kwarto namin ng asawa ko.
Ang sakit-sakit na.
Nakailang hakbang ako ng may marinig akong kotse. Ilang minuto pa ay pumasok sina Lucifer habang si Cara naman ay nakayakap sa braso ng asawa ko. "Hi, bestfriend!" Halata sa mukha nito ang saya. Hindi ko ito binati pabalik at tinignan lang si Lucifer na wala man lang ginawa upang tanggalin ang kamay na nakapulupot sa braso niya.
May binulong si Cara sa asawa ko na ikinatango nito. Gusto kong sigawan ang dalaga ng dampian ng halik si Lucifer sa pisngi. Wala man lang ba siyang gagawin?
Kita ko ang panlalaki ng mata nina Mei dahil sa kanilang nakita. Gulat sila dahil sa mismong harapan ko pa nila ginawa ito. Malungkot na ningitian ko na lamang sila at sinundan si Lucifer sa aming kwarto.
"Saan kayo pumunta ni Cara?" Sumasakit na ang aking sikmura dahil sa pinipigilan kong umiyak sa harap niya. Nakatalikod ito sa akin habang hinubad nito ang coat niya.
"Pagod ako ngayon, Luna." Ganito nalang ba lagi maririnig ko sa kanya sa tuwing anong oras sa uuwi?
"Madali lang sagutin tanong ko, Lucifer." Bakit hindi niya masagot ang tanong ko? Gusto ko lang naman malaman kung saan sila pumunta ni Cara.
Umiling-iling lang ito at sunod na hinubad ang kanyang sapatos. "Are you cheating on me, Lucifer?" Ang sakit-sakit na. Hindi matatahimik ang pag-iisip ko kung simpleng tanong ay hindi niya pa ako masagot.
"What the fuck is wrong with you?" Galit niyang tanong sa akin. Humarap na ito sa akin habang nakakunot ang noo niya.
"K-kung ayaw mo na sabihin mo lang. S-sabihin mo lang kung gusto mo makipaghiwalay sakin. H-hindi ko ipipilit sarili ko sayo. Mahal kita, Lucifer. Alam mo 'yan pero bakit? Anong nangyari satin?" Tumulo na ang aking luha na kanina ko pang pinipigilan.
"Tigilan mo ako sa kdramahan mo, Luna." Matigas niyang sabi sa akin at tumalikod. Malakas niyang ibinagsak ang pintuan ng bathroom ng pumasok siya. Napatayo ako at napatingin sa salamin. Mugtong-mugto ang aking mata at sobrang putla ko. Lalong nangingitim ang aking eyebag dahil sa ilang araw na kulang ang aking tulog.
Lalo tuloy akong napaiyak dahil sa itsura ko. Lumabas na ako sa aming kwarto. Mas mabuti pang sa isang guest room nalang ako. Hindi ko kakayanan na makasama ang asawa ko ngayon.
MARAHAN kong pinunasan ang aking mukha. Napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin. Napabuntong hininga ako at lumabas na ng kwarto. Nagtungo ako sa dining area kung saan nag aalmusal sina Mama.
Napaiwas ako ng tingin ng makita ko si Cara na naglalagay ng pagkain sa plato ng asawa ko. Naka silk satin night dress ito dahilan upang bakat na bakat ang dalawang bundok nito dahil hindi na ito nag abala na magsuot ng bra.
Anong oras na? Hindi ba siya papasok sa trabaho? Tahimik na umupo ako at nagsandok ng pagkain. Inis na ibinaba ko ang plato. "Pwede ba, Cara? Yung dibdib wag mong ibalandra sa ASAWA KO." Napatigil naman ito sa kanyang ginagawa at marahang ibinaba ang plato.
"Nako naman, bestfriend. Ang aga aga ang init ng ulo mo tska ano naman kung ibalandra ko sa ASAWA MO kung gusto naman niyang yung nakikita niya? Buti nga pinapakita ko lang sa ASAWA MO, hindi pinapatikim." Malandi niya akong ningitian.
Napahawak naman siya sa kanyang baba na animo'y nag-iisip. "Ay, parang both ko ng ginawa ko sa asawa mo?" Napayukom ako ng aking kamao.
"Yung patikimin at ibalandra yung suso ko?" Dagdag niya pa. Totoo nga? May nangyari sa kanila. Akmang susugurin ko siya ng magsalita si Lucifer.
"Enough girls." Madiin niyang sabi. Napatingin naman ako sa kanya. Wala man lang ba siyang gagawin? Hindi niya man lang sasabihin na hindi totoo yung sinasabi ni Cara.
"Ang bunganga mo talaga, Luna. Kumain kana nga! ang aga-aga." Inis na ani ni Mama at masama pa akong tinignan. Nagsimula na akong kumain kahit sa totoo lang nawalan na ako ng gana. Ngiting aso ang binigay sa akin ni Cara habang nakatingin sa akin.
Humigpit ang hawak ko sa kutsara't tinidor dahil umupo ito sa kandungan ng asawa ko. Hindi man lang tinulak palayo si Cara bagkus ay hinawakan pa ang beywang nito. May kung anong binulong si Cara kay Lucifer na dahilan upang maghalikan sila.
Napatayo ako dahil sa anumang oras ay babagsak na ang luhang kanina ko pa pinipigilan. "Nawalan na ako ng ganang kumain." Papunta na sana ako sa garden upang mapag-isa ng makita ko si Serio na may kausap na isang boydguard.
Napatingin naman ito sa direksiyon ko at tinunguan ako. "Mag-usap tayo." Saad ko sa kanya at umalis na. Napaupo ako sa upuan at tiningnan ang ganda ng garden namin. Makulimlim ngayon na siguradong uulan. Nakikisabay ang ulap sa lungkot na nararamdaman ko ngayon.
"Anong pag-uusapan natin?" Napalingon ako kay Serio na nakatayo sa aking gilid.
"Alam mo ba kung saan pumunta sina Cara kagabi? Kasama ka nila kaya imposibleng hindi mo alam." Nilagay ng binata ang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon.
"Mas mabuting ang asawa mo nalang ang tanungin mo." Tumalikod na ito at akmang aalis ng mapatayo ako.
"M-may namamagitan ba sa kanila?" Alam kong alam na niya kung sino ang tinutukoy ko.
"Oo." Simple niyang sabi at umalis na. Napatakip ako sa aking mukha at doon ibinuhos ang aking lungkot. Ang sakit. Hindi pa ba sapat na mahal ko siya?
Napapunas ako sa aking mukha dahil sa dami ng luhang bumabagsak. "Anong iniiyak mo dyan, mahal na prinsesa?" Napaangat ako ng tingin kung saan nakakrus ang braso ni Cara na nakatingin sa akin.
Napatayo naman ako. "Bakit, Cara? Bakit asawa ko pa?" Puno ng hinanakit kong sabi. Napatawa naman ito. Kaibigan ko siya eh, paano niya nagagawa 'yun?
"Bakit hindi?" Balik na tanong niya sa akin.
"S-sisiraan mo lang ang pagkakaibigan natin p-para sa lalaki?" Ilang taon kaming naging magkaibigan. Kahit na may masama siyang ginagawa sa akin ay hindi nagbago na naging kaibigan ko siya o higit pa dahil sa loob ng ilang taon ay tinuring ko siyang kapatid.
Lalong nagalit ang muka ni Cara. "Oo, wala na akong pake sa pagkakaibigan natin dahil una palang hindi na kita tinuring na kaibigan. Lahat ng gusto ko inagaw mo, lahat nalang. Dahil sayo kung bakit ako naging puta! Dahil sayo kung bakit ako naghihirap kaya tama lang na kunin ko lahat ng meron sayo pati na ang asawa mo kukunin ko!" Galit na dinuro niya ako
"P-paano yung pagkakaibigan n-natin, Cara? Wala lang ba talaga sayo 'yun?" Ang sakit na marinig mula sa kaibigan mo na sabihin iyon harap-harapan.
BINABASA MO ANG
His Personal Maid
RomanceYou're mine, Gail. No one can own you, except me." Si Luna Gail Sanchez ay isang mahirap na tao lamang. Pinalayas siya sa kanyang apartment at nawalan ng trabaho. Hanggang isang araw ay may swerteng dumating sa kanya at yun ay maging katulong ngunit...