Chapter 34

5.2K 75 5
                                    




TAHIMIK lang akong nakikinig sa pinag-uusapan ng mag-ama. Natatakot ako sa aura na bumabalot sa kapatid na si Uno. "Son, how's the proposal of Mr. Chua?" Tanong ni Papa kay Uno.

"Lo mató. " i kill him. Napakunot noo ako dahil hindi ko maintindihan ang lenggwahe nito. Tumawa naman ang ama nito tila inaasahan na ang sinabi nito.

"Buen trabajo, Hijo." Good job, son.

"Odio a ese viejo. El es tan jodidamente repugnante"  I hate that old man. He is so fucking disgusting. Saad naman ni Tres. Napatingin ako kina Rissey tila hindi rin maintindihan ang sinasabi ng mga ito.

Nagkatinginan kami ng katabi ni Uno. Ningitian ko ito, ganun din siya."Anyways, you have a lovely wife, Dos." Kinilabutan ako sa paraan ng pagsasalita nito. Pilit akong ngumiti ng tumingin ito sa akin.

Nanatiling walang emosyon ang binata. "Yes."

"Ignore-t-il ce qui pourrait lui arriver?" Is she unaware of what could happen to her?

"ferme ta gueule" Shut the fuck up. Ang swabe ng pagkakasalita ni Lucifer sa kung anong lenggwahe iyon. Dumapo ang kamay ng binata s aaking hita at marahan itong pinisil.

"Chill, Brother." Nakangising ani nito.

"Can you guys, stop talking alien language. I can't understand kaya!" Pagsabat ni Sophia at umirap sa hangin.





KAMING mga babae ay nakaupo sa sala habang ang mga magkakapatid naman ay nasa private library nito. May pinag-uusapan na kung ano. Base sa itsura nila ay importante ang kanilang pag-uusapan.

"Ang ganda mo." Hindi ko mapigilang mamangha sa kasama ni Uno. Girlfriend niya kaya ito?

"Salamat, ikaw rin." Nahihiya nitong ani. Bumagay sa kanya ang morenang kulay nito.

"What is your name?"

"Akira."

"Hija, Girlfriend kaba ng anak ko?" Biglang tanong ni Mama sa babae.

"H-hindi po, uhm friend niya lang po ako." Napatawa naman si Mama.

"Aysus, imposibleng friend ka lang niya. Ganun kasi ang nangyari sa pangalawa kong si Dos. Akala ko kung ano lang tapos isang araw magugulat ako na kasal siya dito kay Luna." Baling sakin ni Mama.

Bakas sa mukha ni Akira ang gulat. "T-talaga?" Tumango naman ako.

"Oo, personal maid niya ako." Napaawang naman ang labi nito. Malaking ngiti na ninakbayan ako ni Mama.

"Kaya ikaw, pwede mo akong tawaging mama."

"I agree para naman may sister ako. Nakakasuka kasi mga brother ko." Saad nito at umirap sa hangin. Napatawa naman kami sa sinabi ni Sophia.

"Balita ko mag iisang linggo na kayong hindi pumapasok, Luna." Napakamot naman ako ng pisngi.

"Pasensya na po, Mama. Si Lucifer po kasi ayaw niya muna kaming pumasok. Pinipilit ko po siya pero sabi niya po bawi daw kami sa h-honeymoon." Namula ako ng maalala ko ang aming pinag gagawa. Walang araw na hindi kami nagsiping ni Lucifer.

Napatawa naman ang ginang. "I forgot na hindi pala kayo nakapaghoneymoon."  Napatigil kami sa aming pag-uusap ng dumating si Manang Selli.

"Queen, ang inyong pinautos sa kusina ay ayos na." Nakayukong saad ni Mang. Nagpaalam muna saglit si Mama upang magtungo sa kusina. Sumunod naman si Manang sa kanya.

His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon