Chapter 43

4.4K 55 5
                                    

SABAY kaming bumaba ni Lucifer sa 1st floor. Nagsiyukuan naman ang ilang bodyguard at ilang maid. Ningitian ko lang sila habang si Lucifer naman ay walang emosyon. Nagtungo kami sa dining area kung saan nandun sina Mama at Cara.

Ningitian lang ako ni Mama at si Cara naman ay inirapan ako. "Good evening, hijo." Nakangiting bati ni Mama sa asawa ko ngunit hindi siya nito pinansin.

Magkatabi kami ni Lucifer na umupo sa upuan. "Wow, ang dami naman ng hinanda mo, Hijo. Ganito ba lagi kadami ang ulam na kinakain niyo?" Tumang naman ako.

"Opo, Mama." Ako na ang sumagot dahil sa tingin ko ay walang balak sagutin ni Lucifer ang tanong ni Mama.

"Ang swerte-swerte mo talaga, Anak!" Halos mapunit na ang bibig nito sa pagkakangiti. Pilit ko lang itong ningitian.

"Oo nga, Luna. Ang swerte-swerte mo lalo na sa asawa mo." Napatingin naman ako kay Cara na malagkit ang tingin na binibigay sa asawa ko. Hindi ko ito pinansin at inabala ang aking atensyon sa pagkain.

"Lalo na kana, Lucifer. Ang swerte-swe-----" Nagulat ako ng padabog na tumayo si Lucifer. May binunot ito sa kanyang tagiliran at nanlaki ang aking mata ng itutok niya ito kay Cara.

Napatili kami paputukin niya ito sa direksiyon ni Cara. Natulala rin si Cara dahil sa ginawa ng asawa ko. Napatayo ako upang tingnan ko ang kondisyon ni Cara. Maayos naman ang kalagayan nito.

"Don't you dare to call me 'Lucifer' you fucking bitch. Subukan mo pang idapo yang putanginang paa mo sakin. Hindi ako magdadalawang isip putulin 'yan. Hindi ako katulad ng mga lalaking papatol sa isang cheap, slut like you." Madiing saad ni Lucifer. Agad kong kinuha ang baril.

Hinila ko ang asawa ko paalis sa dining are. Gulat pa ang lahat sa ginawa ni Lucifer lalo na si Cara. Hindi niya alam kung sino ang kinakausap nito at naguguluhan ako sa sinabi ni Lucifer na dinidikit ni Cara ang paa niya sa legs ng asawa ko?

Bago kami makaalis ay napatingin ako kay Serio na nakangising nakatingin kay Cara tila nagustuhan ang ginawa ng asawa ko. "Bitch." Rinig kong saad ni Serio.

"Lucifer." Malumanay kong saad sa kanya ng pumasok kami sa library. Inis na umupo ito sa sofa.

"Fuck that bitch. She's trying to flirt me." Bakas sa boses nito ang inis.

"Ano?"

"Hinihimas niya ang legs ko gamit paa niya." Tila batang nagsusumbong sa akin. Umupo naman ako sa tabi nito at hinawakan ang pisngi nito.

"Kakausapin ko." Lalo akong naramdam ng inis sa sinabi ni Lucifer. Gusto kong kausapin si Cara tungkol sa ginawa niya sa asawa ko. Nagpadala kami ng pagkain sa katulong dahil sa ayaw nito na kumain kami sa dining area.

Ilang minuto pa ay dumating na ang aming pagkain. "I don't them, Wife." Tukoy nito kina Mama at Cara.

"Sorry, promise hindi sila magtatagal dito." Ani ko sa kanya. Napabuntong hininga ito at hinalikan ang aking noo. Kinabukasan ay tahimik kaming bumaba ni Lucifer. Bumungad sa amin si Mama at Cara.

"Uhm, D-dos at Luna pasensya na sa nangyari kagabi. Promise, hindi ko na gagawin iyon." Nakayukong saad ni Cara. Tumingin ako kay Lucifer na walang ekspresyon itong nakatingin sa dalaga.

"Enough your drama." Ang tanging sinabi ng asawa ko at hinila na ako. Umupo kaming dalawa at nagsimula ng kumain.

"Goodbye, Lucifer. Ingat ka." Hinalikan nito ang aking labi ng ihatid ko ito sa may pinto lang.

"Hmm, ngayon pa lang gusto ko ng umuwi." Mahina kong pinalo ang balikat nito. Nakailang halik pa ito sa akin bago sumakay sa kotse. Tumango naman sa akin si Serio bago sumakay sa driver seat. Kumaway pa ako sa kanila hanggang sa tuluyan ng makaalis ang kotse nila.

"Anak, baka pwedeng pasabi sa bodyguard mo na pahatid naman sa pupuntahan ko." Napalingon ako sa aking likuran kung nasaan nakatayo si Mama.

"Saan po ba kayo pupunta?"

"Ah, sa kaibigan ko lang. Nakita ko kasi ang dami pala ng sassakyan ng asawa mo, anak. Pahingi naman." Ani pa nito at sinabayan ng halakhak.

"Kailangan pa po kasing magpaalam kay Lucifer bago po manghiram. Haharangan po kasi kayo ng bodyguard." Saa ko. Tumango-tango naman ito.

Nagpaalam na ako sa kanya dahil marami pa akong gagawin. Papasok na ako ng kwarto naming ng hindi ko napansin na sumunod pala si Cara. "Luna, kapal ng mukha mo ah. Hind mo man lang pinagtanggol bestfriend mo. Gustong-gusto mo talaga akong napapahiya, tsk."

"Hindi mo na kasi dapat ginawa 'yun, Cara. Alam mo ng may asawa yung tao nilalandi mo pa. Akala mo ba hindi ko nalaman yang paglingkis ng paa mo sa asawa ko?" Malumanay ko sabi sa kanya.

Napaisip naman ito at ng makuha niya ang aking sinasabi ay napatawa ito. "Ayun ba? Hot kasi ng asawa mo, Bff. Kahit na magalit ang hot parin." Napailang naman ako.

"Baka pwedeng ishare mo naman sakin, Mare. Patikim lang kahit isang gabi." Nakangising saad nito sa akin at pinagkrus ang kanyang braso.

Huminga muna ako ng malalim dahil sa naiinis na ako sa sinasabi niya. "Sa tingin mo ba, papayag ako? Kahit naman pumayag ako hindi ka naman papatulan ng asawa ko, Cara. Makita ka nga lang niya nagagalit na siya eh, makama ka pa kaya? May asawa na yung tao kaya pigilan mo yang kakatihan mo." Nawala ang pagkakangiti nito sa aking sinabi habang ako naman ay nagulat ako sa aking sinabi. Binuksan ko na ang pintuan at pumasok sa kwarto. Iniwan siyang tulala.

Hindi ko akalain na magagawa kong sagutin si Cara ng ganun o sadyang nainis lang ako sa sinabi nito. Napaupo ako sa kama. Inaliw ko ang aking sarili sa paglilinis tutal wala naman akong magawa dito. 

Nagbake ako ng ilang cookies dahil sabi sakin ng katulong ay nagustuhan daw nila at ng mga bodyguard ang aking ginawa. Marami-rami na ang aking ginawa. Balak kong puntahan si Lucifer at pakainin siya nito.

Hinayaan naman ako ng katulong at kung minsan ay tumutulong rin sila sa akin. "Yaya, pakuha naman ng juice. I what juice!" Napatigil ako sa aking ginagawa dahil sa lakas ng boses ni Cara.

Nagkatinginan naman kami ng ilang katulong bago pagtimplahan siya ng juice. Pinasok ko na sa microwave ang aking ginawang cookies at may pinindot sa microwave upang magstart.

"Ba't wala 'tong lasa hindi kaba marunong magtimpla, huh?!" Napalingon ako. May kung anong narinig na nabasag kaya dali-dali akong nagtungo sa sala kung saan tinapunan ni Cara ng juice ang isa naming katulong.

Siya si Mei, dalaga pa ito pero mas piniling magtrabaho. "Anong ginawa mo, Cara?" Kinuha ako ng tissue dahil sa basang-basa na si Mei.

"Tatanga-tanga naman yang katulong niyo, Luna! Masyadong matabang yung juice!"  Napapikit ako sa boses ng dalaga. Umaatake na naman ang pagiging palengkera niya. 

"Sana kinausap mo nalang siya ng maayos hindi yung bubuhusan mo siya at magbabasag ka." Malumanay kong sabi sa kanya.

"Pinagtatanggol mo pa talaga yang yaya na yan! Sabagay parehas kayong pinulot lang sa basura!" Dinuro-duro niya pa kaming dalawa.

"Subukan mo pang iduro sila, papaputukin ko yang ulo mo." Napalingon ako sa direksiyon kung nasaan nanggagaling ang boses na iyon. Isa siya sa bodyguard namin. Hindi ko alam ang pangalan nito. Nakatutok ang isang m16 rifle sa direksiyon ni Cara. 

Tumahimik naman si Cara at masama ang tingin sa amin nito. "Sino ka para magmayabang dito, puta ka." Bulgar na ani ng binata at sinakal siya.



His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon