TAHIMIK ang lahat ng bumaba kami. Nakayuko ang mga bodyguard at maid. Nag aalalang nakatingin sa amin sina Ma'am Alliana."U-una na po k-kami." Paalam ko sa kanila.
Hindi ko alam kung anong nangyari nung lumabas ng kwarto si Lucifer at ganito katahimik ang mansion.
Nakatingin lang ako sa bawat galaw ni Lucifer. Tahimik niyang pinaandar ang sasakyan. Napatingin na lamang ako sa bawat kalsada na aming dinadaanan. "Pwede bang huminto tayo sa convenience store?" Bibili lang ako ng gamot dahil alam kong masakit iyon.
Wala akong narinig na tugon sa kanya. Mga ilang minuto pa ay huminto kami sa convince store. Mabilis naman akong bumaba at pumasok upang bumili ng gamot. May ilang pera rin kasing inaabot si Ma'am Alliana. Ayoko mang tanggapin ngunit sinabi niyang magagalit daw ito. Ayoko naman ito magalit sakin kaya wala akong magawa kung hindi tanggapin ito.
"Thank you po." Ani ko sa cashier ng ibigay sakin ang sukli. Kinuha ko naman ito at mabilis na sumakay sa kotse. Tahimik kong sinimulang gamutin ang sugat nito. Nang matapos ko itong gamutin ay pinaandar na ni Lucifer ang sasakyan.
Walang imikan kaming bumaba ng sasakyan ng makarating kami sa school. Nakasunod lang ako sa kanya. "Oh, mukhan napuyat kayo ah." Nakakalokang ngisi ni Taylor.
"Sige mo pa, pre--- aray ko naman!" Umupo ako malapit kina Mace. Pinandilatan naman siya ni Mace.
"You're so annoying, Jacob and Taylor." Malamig na ani ni Vier.
"So, sinasabi mong maingay kami?" Naiinis na tanong nito.
"I didn't say that." Napataas kilay naman si Jacob.
"Baka gusto mong sabihin namin na kahal----" Napatigil naman siya dahil sa talim ng titig ni Vier. Napahalakhak naman si Taylor.
"Okay, were gonna shut our mouth but give us 10 million " Napanganga naman ako sa sinabi ni Taylor. Parang maliit na halaga lang sa kanila ang 10 million.
"Okay." Nag-apir pa sila ni Jacob tila nanalo sa lotto.
"Stop." Napahinto naman ang tatlo. Mukhang alam nila na badmood si Lucifer. Napatingin sakin sina Mace at Rissey. Ganun na din sina Lucas.
"Here." Sabi ni Mace at inabot sakin ang isang shake at isang donut. Nagpasalamat naman ako sa kanya at nagsimulang kumain.
"Let's go." Napatingin naman ako kay Lucas na papalayong naglakad. Tumayo naman sina Vier at sumunod kay Lucas.
"Saan sila pupunta?" Tanong ko habang nakatingin sa kanila.
"Ah, tinawag sila ng coach nila."
"You know basketball thing." Sabi naman ni Mace.Napatango naman ako. Hays, naguguilty tuloy ako. Ako ang dahilan kung bakit galit si Lucifer sakin.
"Lambingin mo si Lucifer para mawala galit niya." Ani ni Rissey.
"Bakit? Sila ba?" Napatingin naman ako sa aking likuran kung nasaan si Sophia. Umupo naman si Sophia sa tabi ko.
"I'm thirsty. Painom" Walang hiyang kinuha ang shake ni Mace at ininom ito.
"Why are you late, Luna. Did you t------"
"Shut up, Pia. Don't say bad words." Napairap naman si Sophia.
"Omg, Mace. You so annoying!" Natatawang napailang nalang si Mace at napatingin kay Sophia na papalayo. Napabuntong hininga na lamang ako. Luminga-linga ako upang hanapin si Neil. Gusto ko sanang humingi ng tawad sa kanya dahil sa ginawa ni Lucifer kahapon.
"Sino hinahanap mo?" Tanong ni Mace.
"Si Neil. Gusto ko lang magsorry sa kanya." Ani ko.
"Nakakulong na si Neil." Huh? Bakit?
BINABASA MO ANG
His Personal Maid
RomanceYou're mine, Gail. No one can own you, except me." Si Luna Gail Sanchez ay isang mahirap na tao lamang. Pinalayas siya sa kanyang apartment at nawalan ng trabaho. Hanggang isang araw ay may swerteng dumating sa kanya at yun ay maging katulong ngunit...