TINOTOO nga ni Lucifer ang sinabi niya na hindi na ako sasali sa volleyball dahil kinabukasan ay may nahanap na silang kapalit ko. Nang hihinayang pa nga si Coach Sandra dahil may protensyal ako sa paglalaro ng volleyball pero wala siyang magawa. Ang gusto ni Lucifer ang masusunod.
Kagabi, nang sabihin niya yun ay sobra akong nagulat dahil hindi ko naman inaasahan na sasabihin niya yun.Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis nalang bigla at kung kumilos ngayon ay parang walang nangyari kagabi.
"Sadgirl naman ang babaeng yan."Pang aasar ni Mace sa akin. Napanguso naman ako. Kasalukuyang nagppractice na ang team nila Lucifer sa court dahil any minute ay magsisimula na ang game.
"Bakit hindi ka pinayagan ni Dos maglaro, Luna?" Napisil ko ang pisngi ni Rissey dahil namumula ang mga ito dahil na rin siguro sa kaputian nito.
Napanguso naman ito. "Ewan ko ba 'dun, topakin kasi." Napatawa naman si Rissey.
"Gago, syempre nagseselos yun" Mabilis naman akong umiling. Imposible naman?
"Tangina naman oh, tumingin ka nga sa dinadaan mo!" Mataray na ani ni Mace ng may umapak sa paa niya na isang babae. Inirapan lang siya at umalis. Base sa suot nito ay sa kabilang school siya pero bakit dito pa nadaan?
"Hayaan mo na, Mace. Wag mo ng patulan." Pag awat ko ng ambang tatayo siya upang sugurin ang babaeng iyon.
"Luna's right, Mace. Hindi naman niya sigurong sinasadya." Ani naman ni Rissey.
"Sinasadya niya yun, inggit kasi sakin kasi mas maganda ako." Napailang na lamang ako sa katarayan ni Mace.
Tumayo ako. "Saan ka pupunta?" Tanong sa akin ni Mace. Kinuha ko ang wallet at cellphone sa aking bag. "Bibili lang ako ng snacks." Tumango lang silang dalawa.
"Bumalik ka rin kaagad baka hanapin ka ni Dos. Magalit pa yun." Tumango naman ako at tinignan muna si Lucifer. Mukhang focus na focus ito sa pag shoot ng bola.
Gusto ko muna lumanghap ng sariwang hangin dahil gusto kong makapag isip isip. Nakahinga naman ako ng maluwag ng makalabas ako ng gym. May ilang estudyante akong nakakasalubong ko. Tahimik at ilan lang ang estudyante ang nasa hallway.
"Isang salted egg-chips nga po." Mabilis namang binigay ng tindera ang chips. Inabutan ko ito ng 500 ngunit umiling ito.
"No need to pay, Madame." Ani niya. Naguguluhan ko naman siyang tingnan. Libre ba ito?
"Si Young Master na pong bahala sa inyong kinuha, Madame." Magalang na saad ng tindera. Napakamot naman ako ng aking pisngi at tumango na lamang.
Kukuha pa sana ako ng ibang snacks kaso lang nahihiya ako. Imbes na bumalik ako sa gym ay nagtungo ako sa garden.Tirik na tirik ang araw kaya naman sumilong ako sa puno ng narra.
"Haaay." Ani ko ng makaupo ako. Gusto kong mag work ang relationship namin ni Lucifer kahit na hindi ko naman ginusto ang meron sa amin ng binata pero hindi ko alam kung sa papaanong paraan.
"Problems?" Napatingin ako sa aking kanan ng makita ko ang lalaking nabunggo ko kahapon.
"Anong ginagawa mo dito?" Sinusundan niya ba ako?
"Hmm, because I see a lovely lady here?" Inilingan ko na lamang ito at binuksan ang chips na binili ko kanina.
Naramdaman kong umupo ito sa tabi ko. "Bakit ka nandito? Magsisimula na yung laro niyo ah?" Ewan ko ba, i feel comfortable with him kahit ngayon lang kaming nagusap.
"Bakit ka nandito? Diba dapat nasa gym ka? Pinapanood yung boyfriend mong si Dos?" Balik na tanong niya sakin.
Napakunot noo naman ako at maya-maya ay natawa dahil sa mukha niya. Napatingin ako sa aking harapan kung saan kitang-kita ang mga puno.
"Hindi ko boyfriend si D-dos." Kasi asawa ko siya. Sa hindi makadahilanang rason ay nakaramdam ako ng kaba.
"Oh, i thought boyfriend mo siya because the way he look at you.." Hindi na niya tinuloy ang sinabi.
"Anyways. I'm Nathan and you are?" Pagpapakilala niya.
"Luna." Lumaki ang ngiti nito.
"Can i court you, Luna?" Napanganga naman ako sa sinabi nito. Ilang minuto tumahimik at tumawa siya.
"Damn, ang cute mo magulat!" Ani niya sabayan pa ng halakhak.
"I'm just joking, Luna baby!" Napasimangot naman ako at pinalo siya sa dibdib.
"Sira ka, hindi magandang biro 'yun ah!" Nakasimangot ko paring sabi. Natatawang tumayo ito at nilahad ang kamay nito. Kinuha ko naman ito at tumayo na rin. Pinagpagan ko ang aking pang upo upang matanggal ang dumi na kumapit sa pants ko.
"Cute mo talaga, kaya kita crush eh."
"Ewan ko sayo." Hinawakan nito ang aking buhok at bahagyang ginulo.
"Mauna kana, baka nagsisimula na yung laro niyo. Yare ka sa Coach mo!" Pananakot ko sa kanya. Ningisian lang ako nito.
"Malakas kaya ako sa coach ko!" Pagmamayabang nito.
"Kaya pala ang tagal mo kasi lumalandi kapa dito." Nawala ang ngiti ko ng makita ko si Lucifer na nakatayo sa di kalayuan. Sumeryoso rin ang mukha ni Nate.
Marahas niyang kinuha ang aking braso dahilan upang mapunta ako sa kanyang tabi. Ngayon magkaharap na silang dalawa ni Nate. "Dahan dahan ka naman, babae hawak mo hindi bato." Seryosong ani ni Nate.
"Shut the fuck up, Montilia." Napapikit ako ng dumidiin ang paghawak ni Lucifer sa akin.
"Ilang beses ko ng sinabi sayo na huwag kang lalapit sa lalaki." Baling niya sakin.
"Ang landi mo." Dagdag niya pa.Sa sinabi niyang iyon ay napaluha ako. Ganun ba tingin niya sakin? Kada makikipag-usap o makikita niya akong nakatingin sa isang lalaki. Sasabihan na niya ako ng malandi?
"Tarantado ka!" Galit na ani ni Nate at aambang sasapak.
"Why? Punch me. Punch me, Mr. Montilia." Nakangising saad ni Lucifer.
"Why? You can't punch me. Fucking coward." Dagdag pa nito
"Kilalang-kilala na kita, Dos. Madumi kang maglaro kaya papalampasin kong sinabi mo kay Luna. Luna, tara na." Baling niya sakin.Napatingin naman ako sa kanya. Bahagya itong ngumiti.
"Why are you taking my wife, Montilia?" Napatingin naman si Nate sa kanya.
"Ako ba pinagloloko mo, Dos? Paano mo magiging asawa si Luna e hindi ka nga niya boyfriend!"
"You didn't tell him?" Baling sakin ni Lucifer. Hindi na ako makapagsalita dahil sa nasasaktan ako ngayon.
"Oh, i guess my wife didn't tell you. that i'm her husband." Madiin niyang sabi.
Tumawa naman si Nate.
"Fine, papaniwalaan ko sinasabi pero nasaan ang singsing na suot ni Luna? See? Wala kaya pwede ba tigilan mo siya. She's too precious for your game, Dos." Napatingin si Lucifer sa palasingsingan ko at tama nga ang sinabi ni Nate. Hindi ko suot ang singsing.
"I'm gonna fuck you hard, wife for disobeying me." Puno ng diin na ani ni Lucifer sakin.
BINABASA MO ANG
His Personal Maid
RomanceYou're mine, Gail. No one can own you, except me." Si Luna Gail Sanchez ay isang mahirap na tao lamang. Pinalayas siya sa kanyang apartment at nawalan ng trabaho. Hanggang isang araw ay may swerteng dumating sa kanya at yun ay maging katulong ngunit...