HINDI na napigilan ni Mace ang mapatawa sa sinabi ni Sophia. Gustong-gusto nni Mace ang bibig ng dalaga dahil sa walang preno nitong bibig. "Oo nga naman ate girl bakit kasi ganyan suot mo eh hindi naman 'to club." Patama ni Mace kay Cara.
"Hindi ako katulong dito." Madiing saad ni Cara na halatang nagpipigil ng galit. Gulat na napatakip ng bibig si Sophia.
"Omg, i thought maid ka dito." Hinawi ni Sophia ang buhok niya. Papunta pa lang si Cara sa direksiyon ni Jacob ng mapatid ito dahilan upang matapon ang dala-dala nitong tray sa binata habang si Cara naman ay napaluhod.
"A-aray." Daing ni Cara. Agad naman tumulong si Jacob.
"Are you okay?" Tanong ni Amigo sa dalaga. Tumango naman ito at ininda ang sakit sa tuhod. Sinamaan ni Amigo ng tingin si Sophia dahil nakita niya kung paano niya patirin si Cara.Umiwas naman ng tingin si Sophia. 'I'm doomed'
Tinulungan ni Jacob na tumayo si Cara. "May masakit ba sayo?" Umiling naman si Cara at pilit na ngumiti.
"Ayos lang ako." Masamang nakatingin si mace sa dalawa na nasa kanyang harapan. Habang tumatagal ay lalong naiinis si Mace kay Cara. Kumuha ng ilang pirasong tissue si Cara sa center table at nagulat ang lahat ng lumuhod ito. Pinunasan ng dalaga ang umbok ng pagkalalaki ni Jacob dahil doon niya natapon ang binata.
Nanigas naman ang binata sa ginawa ni Cara. "Pasensya kana." Pasimpleng ningisian ni Cara si Mace habang pinupunasan niya ito. Napapansin kasi ng dalaga na palihim ng pagtitinginan ng dalawa kaya naman naisip niya na may relasyon ito.
Naiinis rin siya kay Mace kaya naman naisipan niyang inisin rin ito at mukhang nainis nga niya ang dalaga. "Kukuha nalang ako ng panibago para sayo." Ika-ikang umalis ang dalaga kaya naman nagkatinginan sila Sophia.
Tinanguan niya ito tanda na parehas silang naiinis. Bumalik naman ang dalaga at binigyan naman niya muli si Jacob ng juice. "Hi, para sayo ito." Nakangiting saad ni Cara kay Mace.
Isa itong carbonara. Palapit na si Cara ng matapilok na naman ito kaya naman ang carbonara ay natapon sa damit niya. Inis na napatayo si Mace dahil halatang sinadya ito ng dalaga.
'Oh, no.' Nakangiwing saad ni Taylor sa kanyang isip.
"Tangina ka!" Galit niyang sabi at sinabunutan si Cara. Sumabog na ang inis niya sa dalaga kaya magsisisi ito sa ginawa niya. Ayaw niya sa lahat kinakalaban siya.
"Ikaw pokpok ka, kanina pa ako naiinis sayo!" Sigaw ni Mace habang walang tigil sa pagsabunot kay Cara.
"Ikaw ang pokpok sa ating dalawa!"
"Hey, mas slut ka , bitch." Mataray na saad ni Sophia habang nakatingin sa dalawang nagsasabunutan. Masama naman siyang tinignan ng kanyang bodyguard.
Napatayo naman sina Jacob at pilit siyang nilalayo kay Cara ngunit hindi siya nagpatinag. Gumanti na rin si Cara sa kanya kaya naman malakas niya itong sinabunutan pailalim. Nang makakuha siya ng tyempo ay sinapak niya ito at tinadyakan.
Away babae naman ito kaya naman hindi na niya ginamit ang pagkablack belter niya. "Stop, Mace!" Rinig na saad ni Rissey ngunit hindi siya nag patinag. Gamit ang libre niyang kamay ay sinuntok niya ito sa tyan.
"Fuck, Mace. Stop this!" Binitawan niya ang buhok ni Cara habang si Cara ay hindi. Napapikit siya ng makalmot siya sa pisngi na lalong nagpagalit sa kanya.
"Wag niyo akong hawakan, de puta!" Sigaw niya. Ginamit na niya ang buong lakas at sinabunutan si Cara. Ayaw niya sa lahat na nagkakaroon ng sugat ang mukha niya.
Inangat niya ang mukha ni Cara at sinampal ito. "Sali ako!" Sinabunutan ni Sophia sa likod si Cara.
"Damn hell!" Inis na saad ni Amigo ng sumali si Sophia. Dahil sa lakas niya ay binuhat niya si Sophia at inilayo.
"Hey, put me down, you old man!" Sigaw ni Sophia. Gusto niyang sumali dahil sa inis niya kay Cara.Nanghina si Mace ng may pumindot sa kanyang leeg. Napaluhod ang dalaga dahil sa sakit. Nang lingunan niya ito ay walang iba kung hindi si Lucas. Nilayo naman ni Jacob at Taylor si Cara.
"Ang sabi ko wag kang mangi-alam." Madiin niyang sabi kay Lucas. Nanghihina parin siya dhail hindi parin tinatanggal ni Lucas ang pagkakahawak sa kanya.
Tinutukan siya sa ulo ni Lucas. "I said stop, Macelyn." Malamig na saad ni Lucas. Inirapan lang ni Mace si Lucas.
"Anong nangyayari dito?" Gulat na saad ni Luna ng makapasok sa bahay. Dumudugo ang pisngi ni Mace habang si Cara naman ay duguan ang ilong.
GULAT NA GULAT ako ng makapasok ako sa bahay. Masaganang dumudugo ang pisngi ni Mace at magulo habang si Cara naman ay magulo rin ang buhok at may dumudugo ang ilong. Nabitawan ko ang ilang plastic bag na hawak ko. Si Lucas naman ay nakatutok ang baril kay Mace.
"Anong nangyayari dito?" Napayuko ako ng marinig ko ang kanilang paliwanag kung bakit nangyari ito. Maayos na ang kalagayan ni Mace at ni Cara na parehas na nagamot. Hanggang sa matapos kaming mag-usap ni Mace ay halata sa boses nito na inis na inis parin siya kay Cara habang si Cara naman ay inis na inis rin.
Hindi naman nagtagal sila Mace dito ay agad ding umalis dahil sabi ni Taylor ay baka raw magka round two pa daw. Ilang oras lang akong umalis at ganito makikita ko pag-uwi. Pumasok na rin si Cara sa kwarto.
Napabuntong-hininga ako. Napatingin ako sa dalawang kasambahay na nakatingin sa akin. Nagtutulakan pa sila. "May sasabihin ba kayo?" Saad ko sa kanila. Nandito ako ngayon sa kusina at nag-aayos ng stocks ng pagkain.
"Ganito po kasi nangyari. Halata po kasing sinadya ni Cara na mapatid para matapunan po yung babae." Tumango-tango naman ang isang kasambahay.
"Opo, Ma'am. Nagulat na nga lang po kami nung ibahin niya tono ng boses niya eh, mahinhin po ba. Diba po, Ma'am palengkera boses ni Cara o hindi naman po laging nakasigaw. Siguro po nainis lang yung kaibigan niyong babae kay Cara."
Napaupo ako sa counter. "Ewan ko ba? Siguro nga nainis lang si Mace sa kanya."
"Opo, ang ikli pa ng damit. Nung wala po kayo, Ma'am. Grabe makautos sa amin. Akala mo may ari ng bahay."
"Opo, pati na rin po mama niyo." Agad naman siyang kinalabit ng isang katulong. "Ay, sorry po." Ningitian ko lang ito.
"Ayos lang, nakauwi na ba si Mama?" Maaga kasi itong umalis. HIndi naman sinabi sa akin kung saan pupunta 'yun.
"Hindi po eh." Tumango namana ko kaya nagpaalam na ang dalawa. Isa pa si Mama sa pinoproblema ko. Lagi na kasi itong wala sa bahay at kung minsan pagod pag-umuwi.
TAHIMIK akong naghihintay sa aming kwarto. Kinausap kasi ni Lucifer si Cara tungkol sa nangyari kanina.
"Lucifer, anong sinabi mo kay Cara?" Napatayo ako ng pumasok siya. Pagod na niyakap ako nito ng makalapit ito sa akin.
"I hate her." Ang tanging nasabi lang ng asawa ko. Halata naman na ayaw niya talaga kay Cara.
BINABASA MO ANG
His Personal Maid
RomanceYou're mine, Gail. No one can own you, except me." Si Luna Gail Sanchez ay isang mahirap na tao lamang. Pinalayas siya sa kanyang apartment at nawalan ng trabaho. Hanggang isang araw ay may swerteng dumating sa kanya at yun ay maging katulong ngunit...