Chapter 46

4.4K 45 2
                                    

TATLONG araw na simula ng mangyari ang aming ginawa sa restaurant. Namula muli akong ng maalala iyon. Sobrang pigil ako sa ungol ko ng mga oras na iyon sa takot na may pumasok o may makarinig.

Sa loob ng tatlong araw na iyon ay madaming gamit na ang nawawala dito sa bahay. Hindi ko alam kung saan napupunta. Katulad na lamang nung paalis si Lucifer nawawala ang tatlong relo niya kahit ako nagulat dahil wala namang pumapasok sa kwarto namin at wala rin akong alam kung bakit ito nawal

Kasalukuyang nagdidilig ako dito sa garden ng makita ko si Mama na kakapasok lang ng bahay. Agad kong pinatay ang tubig sa hose bago lumapit sa kanya. "Ma, bakit ngayon lang kayo umuwi?" Tanong ko sa kanya.

Kahapon kasi ay hindi ito umuwi. Si Cara naman ay umalis pero umuwi rin. Ngiting-ngiti pa nga ito animo'y nanalo sa lottoo. Nagulat na nga lang ako ng may  hawak-hawak itong mga paper bag na nakatataak sa kilalang brand

"Dami mong tanong, Luna. Pagod ako ngayon." Halata nga sa mukha nito na pagod siya. Sinundan ko ito hanggang sa makapasok.

Dinuro niya ang isang katulong na tahimik na naglilinis. "Ikuha mo nga ako ng tubig yung malamig." Tumango naman ang katulong at umalis.

Napatingin ako kay Mama na papalayo. Siguro magpapahinga na ito sa kwarto. Napatingin ako sa direksiyon ni Cara na naka nighties pa. "Ang sarap ng tulog ko." Bakas sa boses nito ang saya. Napatingin ako sa mukha nito ng makalapit ito. Kakagising lang niya nakamake up pa siya.

"Yaya, what are my foods?" Mataray na saad niya. Napailang na lamang ako dahil sa mali nitong pagkakasabi.

"Kumuha ng pagkain mo, Cara. May ginagawa sila." Mahinahon kong sabi. Totoo naman, lahat ng katulong may ginagawa.

"Edi kuhaan mo ako ng pagkain." Mataray niyang sabi at inirapan ako bago siya umalis. Napailang na lamang ako sa sinabi nito at nagtungo muli sa garden upang ipagpatuloy ang pagdidilig.

Nang matapos ko na ang ilang ginawa ko ay naisipan kong magtungo sa kwarto upang maligo. Nalalagkitan na kasi ako sa aking sarili. Nagtungo ako sa walk in closet naming mag-asawa at kumuha ng damit.

Napatingin ako sa isang box kung saan ko inilagay ang binigay ni Lucifer nung kumain kami sa restaurant. Binuksan ko ito at laking gulat ko na nawawala ito.  "Saan napunta 'yun?" Kinakabahan kong sabi sa aking sarili. Agad ko itong hinanap sa buong walk-in-closet namin ngunit wala talaga.

"Lagot ako nito kay Lucifer." Mangiyak-ngiyak kong ani. Hindi ko alam kung saan ko ito nailagay pero dun sa box ko lang talaga iyon nilagay. Hindi ko na ito ginalaw o isinuot dahil sa takot na mawala.






TAHIMIK lang ako hanggang sa makauwi na ang binata. Kinakabahan napatingin ako sa asawa ko na tahimik na nakatutok sa kanyang laptop. Kakatapos ko lang maligo upang humupa ang aking kaba. 

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin na nawala ang kwintas na iyon. "Lucifer." Pagkuha ko ng atensyon.

Napayuko ako at napatingin sa aking kamay na pinagsiklop ko. "Why wifey?" Hinawakan nito ang aking balikat.

"Kanina pa kitang napapansing tahimik. Is there something wrong?" Naluluha kong inangat ang aking mukha.

"L-lucifer, k-kasi yung kwintas na binigay mo. N-nawala." Tuluyan na akong napaluha. Tumahimik naman siya at tinignan lang ako. Galit ba siya?

"H-hindi ko alam kung saan napunta 'yun. Nilagay ko naman 'yun sa box pero pagtingin ko kanina nawala. Hindi ko naman ginalaw 'yun eh." Niyakap ako nito ng mahigpit.

"It's okay, Wifey. Bibilhan nalang kita." He said.

"P-promise, hindi ko yun ginalaw." Tinanggal nito ang pagkakayakap sa akin.

"I believe you wifey." Ilang minuto pa bago ako mahimasmasan. Nakayakap lang ako kay Lucifer hanggang sa makatulog ako.

"Wifey, wake up!" Nagising ako dahil sa ingay ni Lucifer. Nang imulat ko ang aking mata ay may hawak-hawak itong tray. Napaupo ako.

"Para sa akin ito?" Nakatakip ang aking dalawang kamay sa aking bibig. Nakakunot-noo naman itong tumango. Tumayo ako at nagtungo sa cr upang magsipilyo.

Kumandong ako sa kanya at niyakap siya. "Sweet naman ng asawa ko."saad ko. Nang silipin ko ang kanyang mukha ay natulala ito.

"Ayos ka lang?" Tumango-tango naman ito at napalabi. Umiwas ito ng tingin kaya naman napadapo ang tingin ko sa kanyang tenga na namumula pati na rin ang leeg nito.

"Kinikilig kaba?" Hindi ko makapaniwalang sabi sa kanya. Napakunot-noo ito at hindi ako pinansin. Napatawa naman ako.

"Kumain kana nga." He said. Hinalikan ko ang nakanguso nitong labi. "Salamat, hubby." Dinampian ko rin ito ng halik sa pisngi nito.

Umalis na ako sa pagkakandong sa kanya at umupo sa harapan nito. Nagsimula na akong kumain. "Kumain kana ba?" Umiling naman siya. Sabay na kaming kumain ng asawa ko, kung minsan ay sinusubuan ko ito.

Sinabi nito sa akin na hindi daw siya galit sa pagkawala ng kwintas na binigay niya sa akin. Pinagaan niya ang loob ko kaya naman maayos na uli ang aking lagay. Nagtataka nga ako dahil wala naman pumapasok dito sa kwarto namin pero bakit nawala ito?

Mahigpit kasing paalala ng asawa ko na walang nino man ang pwedeng pumasok sa aming kwarto. Hanggang ngayon ay palaisipan parin sa akin ito.

Late na siyang umalis sa bahay upang magtrabaho. Gusto pa nga nito na hindi na muna pumasok dahil gusto niya akong makasama ngunit hindi pwede. Marami kasi itong ginagawa sa trabaho kaya hindi pa siya pwedeng lumiban.

Tahimik na pinunasan ko ang center table sa sala, wala kasi akong magawa kaya naman naisipan kong maglinis. Si Cara naman ay komportableng nakaupo sa mahabang sofa.  "Alam mo, Luna. Hindi ko talaga alam kung sino at kung bakit ako pinapapatay." Napatingin naman ako kay Cara na kumakain ng cake.

"Baka naman may atraso ka or may pinagkakautangan ka rin?" Binalik ko ang tingin ko sa aking ginagawa.

"Hindi, wala akong naalala na may inutangan ako 'no. Pero yung boses na papatay sakin narinig ko yung boses niya." 

"Sure ka?"

"Oo, boses lalaki. Kaboses nga niya yung laging nakabuntot kay Dos? Si Selyo ba 'yun?" 

"Si Serio 'yun, Cara." 

"Oo siya, kaboses na kaboses niya." Napatawa naman ako. Imposible naman na ipapatay siya ni Lucifer. Oo, alam kong kayang bumaril ni Lucifer pero ang pumatay, imposible ata 'yun.

"Baka kaboses lang?" Sunod na pinunasan ko naman ang mga vase. Marahan kong itong pinunasan ang bawat isa.

"Hindi kaya gusto akong ipapatay ng asawa mo?"Natawa naman ito ng malakas. Napailang na lamang ako sa sinabi nito.

"Sira." Namiss ko yung ganitong pag-uusap namin ni Cara. Ngayon na lang kami nakapag-usap ng ganito. Casual talk.

"Baka, Alam mo 'yang asawamo, Luna? Kakaiba. Talaga bang kilalang-kilala mo si Dos?" Napatingin ako kay Cara na seryosong nakatingin sa akin. Kilalang-kilala ko na nga ba ang asawa ako?

Tumango ako. "Oo naman." 

"Ano ba trabaho ng asawa mo?" 

"May sarili siyang company, Cara. Hindi mo ba alam?" Hindi ko kasi makuha ang gustong iparating ng dalaga sa akin kung bakit ang dami niyang tanong.

"Sabi mo eh."




His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon