Chapter 16

7.9K 107 1
                                    

"NAGMERYENDA na ba kayo?" Napalingon kaming lahat ng pumasok sina Mama. Walang emosyon naman na nasa likod si Papa.

"Hindi pa nga, Tita. I'm so hungry na!" Malungkot na sabi ni Taylor.

"Oo nga po eh, kaso mukhang walang balak kaming pakainin ni Dos kasi naistorbo namin sila sa bebe time nila" Nahiya naman ako sa sinabi ni Jacob. Nalipat tuloy ang tingin nila Mama sa direksiyon namin.

Iling-iling naman si Papa na nakatingin sa amin habang may ngisi sa labi nito at umalis. "Ang arte mo, Jacob. Umuwi ka nga dun." Nakasimangot na saad ni Papa. Napatawa naman silang lahat ng sikuhin siya ni Mama

"Papadalhan ko nalang kayo kay Manang Selli ng meryenda." Nakangiting saad ni Mama at umalis.

"Hay, buti pa sina Tita mababait maliban lang sa mga anak nila." Malakas na sabi ni Jacob.

"Oo nga eh, pinaglihi sa sama ng ugali." Tugon naman ni Taylor.

"So, sinasabi mo masama ugali ko and i'm not mabait?" Nakataas na kilay na tanong ni Sophia habang naka cross arm.










"ANO ba talagang nangyari sayo, bakit ang ikli na ng buhok?" Bakasa sa mukha ni Mace at Rissey ang pag aalala.

"Yea, Ayaw sabihin sa akin si Tres kung anong nangyari." Nakangusong saad ni Rissey. Nandito kaming lahat sa private room kung saan sound proof ito. Isa itong tagong kwarto kaya naman ngayon lang ako nakapasok dito at nakita ito.

Nasa gilid ng sofa kaming mga babae upang makapagkwentuhan ng maayos. Hindi naman kasi kami makakapagkwentuhan ng maayos lalo na't may ibang topic rin ang mga lalaki. Ayaw pa nga ako pakawalan ni Lucifer dahil gusto niya sa tabi niya lang ako pero napilit ko naman ang binata.

Napadako ang tingin ko sa pwesto ni Lucifer kung saan nakatingin siya sa akin ng mariin. Bahagyang ngumiti ang binata ng makita niya akong nakatingin sa akin. Maraming pagkain ang nakahain sa center table kaya hindi magkandaugaga sina Taylor at Jacob na kumain. Nagpapaunahan pa nga ang mga ito na ubusin ang pagkain na aking ikinailang.

Kinuwento ko ang nangyari  sa dalawa and expected ko na magagalit sila sa nangyari. " Nasaan na sila at ng masabunutan ko sila isa isa!" Gigil na saad ni Mace.

"I want to slap them for what did they to you but my dad taught me that don't hurt people." Napairap naman si Mace sa sinabi ni Rissey.

"Psh, mali dapat if they hurt you, take a revenge. Kaya ka kinakaya ng ibang tao kasi alam nilang hindi mo sila papatulan."

"Basta guys, if may nanakit sa inyo sumbong niyo sa akin ng mabalian ko ng buto." Seryosong saad ni Mace at hinawakan nito ang kamay naman ni Rissey.

Parehas naman kaming natawa ni Rissey sa sinabi nito. 

Ilang oras rin ang tinanggal nila dito hanggang sa napagdesisyunan na nilang umuwi dahil sa mag gagabi na rin. Niyaya pa nga sila ni Mama na kumain dito but they insist. May gagawin pa daw silang importante kaya naman hindi na nangulit ang ginang. Masaya akong nagpaalam sa kanila at nagpasalamat sa pagbisita nila sa akin.

"What are you thinking, huh?" Napatigil ako sa pag iisip ng may yumakap sa akin. Kakatapos lang ako nito painuman ng gamot at lagyan ng cream sa bawat sugat na meron ako ngayon.

"Uh, Lucifer. Ang lapit mo ata." Nahihiya akong dumistansiya sa kanya. Ang lapit kasi nito sa akin at medyo nakakaramdam pa rin ako ng ackwardness sa tuwing hinahawakan ako nito lalo na sa harap ng ibang tao. Alam ko naman na higit pa dun ang aming ginawa pero lahat ng iyon ay pinagsisihan ko.

"So?" Nakataas kilay nitong sabi tila hindi nagustuhan ang aking ginawa. Napangiwi naman ako sa klase nitong pagtitig sa akin.

Masyado akong nagpadala sa haplos nito kaya hindi na ako nakatanggi. Dapat itatak ko sa aking isipan na trabaho ang pinunta ko dito hindi ang paglandi.

His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon