Chapter 25

6.5K 80 0
                                    

NAKATINGIN ako sa high glass wall kung saan kitang kita ang mga building. Ilang oras na akong nakahiga sa kama kaya naman naisipan kong lumabas ng kwarto. Hindi ko pa kasi ito nalilibot. Tatanungin ko na lamang si Lucifer kung anong oras kami uuwi dahil kating-kati na ako makauwi.

Galit parin ako sa kanya dahil sa pagpatay niya kay George at sa kamuntikan niya akong gahasain pero kasi nakokonsensya talaga ako sa nangyari kanina. Nag-aaksaya ako ng pagkain.

Namangha ako sa bawat madadaanan ko ng makalabas ako ng kwarto. Ang ganda kasi ng tema ng condo ng binata. Ilang condo at penthouse ang meron kaya siya? "Lucifer." Tawag ko sa kanya ng makita siya sa may sofa habang nanonood sa malapad nitong flat screen. Umiinom ito ng beer.

Tumingin naman ito sa direksiyon ko. "Anong oras ba tayo uuwi?" Nagulat na lamang ako ng ibato niya ang baso.

"Fuck, ilang beses ko bang sasabihin sayo na walang uuwi!" Tumaas na ang boses nito. Naluluhang napaatras naman ako.

"Ano bang problema mo?! Nagtatanong lang naman ako tapos magagalit ka bigla!" Kung alam ko lang na ganto mangyayari. Hindi ko na siya tatanungin.

"Ang arte-arte mo! Nagtatanong lang!" Dagdag ko pa. Tuluyan na akong napaiyak sa inis sa kanya. Tama bang bigla kang magbabasag ng baso kasi nagtanong lang ako? Pwede naman sagutin ako ng maayos o hindi na lang sana siya umimik.

Sa inis ko ay tumalikod ako at babalik na lang muli sa kwarto. Wala na. Binabawi ko na sa sarili ko na gusto ko siya dahil ngayon hindi na. Nakakainis siya.Tinakpan ko ang mukha ko ng unan nang makahiga ako sa kama. I really hate him.






HINDI ko napansin na nakatulog na pala ako sa kakaiyak. Napahawak ako sa aking ulo ng kumirot ito dahil siguro sa kakaiyak ko.

Tutal ayokong bumaba ay naisipan kong maligo na lamang para naman ay marefresh ang aking katawan. Kumuha ako ng tuwalya at pares ng damit ni Lucifer. Wala naman pang-damit babae kaya wala akong choice.

Pinuno ko ng tubig ang bathtub bago ako magbabad. Napabuntong hininga ako ng maramdaman ko ang tubig sa aking katawan.

Iniisip ko parin ang tungkol kay George. Bakit kasi bigla nalang siya susulpot tapos ganun ang gagawin sa akin? Hindi ko man lang narinig ang explenasyon nito dahil sa biglang pagdating ni Lucifer.

May nakakita kaya sa nangyari? May nakarinig kaya ng putok ng baril?

Binasa ko ang aking mukha. Bakit hindi kaya manood ako ng balita kung may nagsumbong sa pulisya? Panigurado naman na ibabalita  yun kung sakaling tungkol ito kay George dahil isa siyang bigating artista dito sa pilinas.

Ilang oras ang aking itinagal sa banyo. Kung hindi pa kumatok ang binata ay hindi pa ako matatapos maligo.

"Bakit ang tagal mo maligo?" Nakakunot na bungad ng binata ng buksan ko ang banyo. Hindi ko na lamang ako nagsalita at isinabit sa aking leeg ang tuwalya na aking ginamit.

Nilabhan ko kasi ang aking bra at panty dahil ilang oras ko na itong ginamit. "Kakain na tayo." Ani nito at sumunod sa akin.

"Bakit hindi mo isampay 'yang tuwalya sa cr?" Akmang kukunin niya ito sa akin ng bahagya akong umatras at pinagkrus ang aking braso.

"T-trip ko lang!" Bakit ba ang daldal niya? Nanahimik na nga ako dahil kumukulo dugo ko sa kanya.

"Luna Gail." May pagbabanta nitong sabi.

His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon