TATLONG ARAW na sila dito si Grace at Cara sa puder ni Reo. Naiinis si Cara sa lalaki dahil sa mukha nitong may pagkamanyakis. Tska na sila babalik kina Dos kapag humupa na. Ipapalabas na lamang nila na pati rin sila ay kinidnap ng hindi nila kilalang tao.
Sa loob ng tatlong araw na iyona y hindi na nila muling nakita si Luna. Mahigpit si Reo na walang papasok sa kwartong pinagkulungan nila sa dalaga. Kung minsan pa nga ay nakikita niya na may tatlong pumapasok sa kwarto nito at nakangising lalabas.
Napatingin siya kay Grace na sa nakikipaghalikan sa tauhan ni Reo. Napairap naman siya sa hangin. "Mamaya niyo na 'yan ituloy." Naiinis na saad ni Cara. Napatigil naman sina Grace sa kanilang ginagawa at binulungan ang lalaki.
"Istorbo, teka saan tayo pupunta?" Nagtatakang saad ni Grace ng hilahin siya ng dalaga.
"Gusto ko naman makalabas at makalanghap ng sariwang hangin. Puro shabu at marijuana nalang nalalanghap ko dito." Reklamo ni Cara. May ilang tauhan silang nakaksalubong ngunit hindi nila ito pinapansin.
"Bakit hindi kaya mag ibang bansa tayo? Tutal mayaman naman na tayo eh." Ani ng ginang.
"Hindi pwede, gusto ko sa tabi lang ako ni Dos." Panget man pakinggan ngunit sobra niyang mahal si Dos kahit sa maikling panahon.
"Tangina, patay na patay ka talaga sa lalaking 'yun. Sabagay, gwapo, mayaman, malaki etits pa." Saad ng ginang at sinabayan ng tawa. Tama naman ang sinabi ni Grace. Full package na si Dos kaya naman maraming kababaihan ang naghahangad sa lalaking 'yun.
Swerte nga ni Luna dahil nakabingwit siya ng ganung kalaking isda.
Napatigil sila sa paglalakad ng bumukas ang isang pintuan ng kwarto na alam nila na doon kinulong si Luna. Laking gulat ni Cara at Grace na hinihila ng dalawang lalaki si Luna. Nakayuko ang dalaga ngunit ang laking pagbabago sa itsura ng dalaga nung huli nila itong makita.
Magulo ang buhok nito at may mga mantsa ng dugo ang buong katawan nito. Gulo-gulo ang buhok at tila wala sa sarili. Huling lumabas si Reo na napatingin sa kanila. Tinanguan lang sila nito bago sumunod sa dalawang lalaki.
"A-anong nangyari kay Luna?" Naguguluhan niyang sabi kay Grace. Napalunok si Grace dahil sa itsura ng kanyang anak.
"Hayaan na natin sila."Ang tanging nasabi lang ni Grace at hinila na siya palabas ng building. Oo, aminin man ni Cara na malaki ang galit niya kay Luna pero kasi hindi niya alam na ganito ang mangyayari kay Luna sa loob ng tatlong araw.
'Anong ginawa nila kay Luna?'
NAKANGISING nakatingin si Reo sa loob ng silid ni Luna. Naka night vision ito kaya naman kahit madilim sa loob ng pinagkulungan niya ay nakikita niya ito. Walang bintana at tanging pinto lang ang meron kaya naman sobrang dilim at ang init. Hindi rin kaaya-aya ang amoy nito dahil mga sampung paaty na tao ang kasama ni Luna, yung iba ay buto-buto na lamang pero ang iba naman ay nagsisimula ng kainin ng mga hayop.
Masaya si Reo dahil sa labas na pagpapahirap niya sa asawa ng kalaban niya. Hindi siya nagsisisi na ginawa niya ang bagay na iyon dahil tama lang ang ginawa niya. Kita niya sa screen kung paano sumigaw si Luna tila may naririnig dahil nakahawak ito sa magkabilang tenga.
"Tuluyan na siyang nababaliw!" Ani ni Reo at sinabayan ng malakas na halakhak. Nakangisi naman si Annie na nasa likod lang siya ng amo niya.
"Annie, bisitahin mo ang babaeng 'yun." Sumunod naman si Annie at kinuha ang mask at night vision na salamin. Hindi talaga nila kaya ang masangsang na amoy sa kwarto na iyon kaya naman bawat taong papasok ay dapat magsuot ng mask.
Sinisigurado ni Reo na walang maiiwan na bakas ng paglaho ni Luna. Binura niya ang mga cctv footage na maari silang makita miske sa kalapit na building. May mga professional IT siyang tauhan at sinigurado niya na hindi ni Dos mahahanap si Luna.
Planado ang lahat kaya naman nagawa nila ito na walang pagkakamaling naganap. Paniguradong ulol na ulol si Dos sa kakahanap ng asawa niya.
Mga ilang minuto pa ay kita niya ang pagpasok ni Annie sa kwarto. Hawak hawak ang isang baril. Kita niya ang pagtawag ni Annie kay LUna. Kahit na nanghihina ay nagawa nitong makatayo at palapit sa direksiyon ni Annie.
Bago pa tuluyan makalapit si Annie ay malakas niya itong sinipa sa tyan na ikinahiga nito . natuwa si reo sa ginawa ni Annie. Kita niya ang pasimpleng paghawak ni Luna sa tyan niya.
Alam niyang buntis si Luna na lalong ikinasaya niya. Nung una ay nagulat pa siya kung bakit dumudugo ang hita ni Luna ng maisip niya baka buntis ito. Mukhang hindi pa alam nito na matagal ng patay ang anak niya.
"Ano kaya ang magiging reaksyon ng gagong 'yun pag nalaman na patay ang anak nila ng asawa niya?" Nakangising tanong ni Reo sa kanyang isip.
Iniisip niya pa lang ang magiging reaksyon ni Dos ay sobra na siyang natutuwa.Hihithit na sana si Reo ng kanyang sigarilyo ng may tumawag sa kanya. Agad naman niya itong sinagot.
"Bakit ka napatawag?" Rinig niya ang ilang putok ng baril kaya naman napatayo sa pagkakaupo.
"B-boss. Nandito na s-sila." Nakarinig siya ng pagmura.
"Sino? Tangina, sumagot ka?!" Wala na siyang narinig pa na sagot sa kanyang tauhan. Biglang bumukas ang pintuan at bumungad ang isa pa nitong tauhan.
"Boss, sinusugod tayo ng mga kampo ng Slyveria!" Humahangos nitong sabi.
"I'm gonna fucking wreck you fucking neck, Reo." Napatigil si Reo ng marinig niya ang boses ng kanyang kalaban. Si Dos. Nilukob siya ng takot ngunit pilit niya itong nilabanan. ito na ang panahon upang magkita siya.
Planado na 'to lahat kung sakaling suguran siya nito. "Try me." Sagot niya at pinatay ang tawag.
NAPANGITI si Annie ng makita niya gamit ang night vision kung paano niya pasimpleng hinaplos ni Luna ang tyan niya. Bakas sa hita nito ang natuyong dugo dahil sa pagkalaglag ng anak nito. Patay na ang anak nito sa tyan ng hindi man lang nito namamalayan.
"Puta kana, Luna. Marami ng nakatira sayo!" Masayang-masaya na saad ni Annie. Nanonood siya sa malaking screen kung paano siya lapain ng mga lalaki. Ang iyak at sigaw ng dalaga ay parang musika sa kanyang tenga.
Nanghihinang gumapang na kumakapa si Luna sa dilim. "T-tulong.." Hanggang ngayon ay hindi parin nawawala ang galit niya kay Luna. 'Simula ng dumating ang babaeng 'yun nagkanda kagulo-gulo na ang lahat!'
Inagaw ni Luna ang pinakamamahal niyang si Dos. Matagal na niyang pinagpapantasyahan ang lalaking iyon at iniisip kung paano niya makukuha. Pero mabilis iyon naagaw ni Luna ng walang kahirap-hirap.
Nanginginig ang katawan ni Annie sa galit kaya naman sinabunutan niya ito at inuntog sa pader.
"Akin lang si Dos!" Sigaw niya. Sa kabila ng ginawa ng lalaking iyon ay kayang kaya niyang patawarin basta pakasalan siya nito. Rinig niya ang pagpalataw sa sakit ng nararamdaman ni Luna. Tinutok ni Annie ang baril sa ulo nito.
Ngunit bumaba ito sa may hita ni Luna at walang ano-ano ay binaril ito.
Napasigaw si Luna sa sakit. Anumang oras ay mawawalan na siya ng malay dahil sa hindi na kaya ng kanyang katawan ang nangyayari. "Kung pwede lang ako mismo ang tumapos sayo, gagawin ko pero may iba pang plano sayo si Boss.." Gigil na saad ni Annie.
Napatigil si Annie ng makarinig siya ng pagsabog. 'Anong nangyayari?'
Sa narinig ay lumabas si Annie habang si Luna naman ay namimilipit sa sakit.
BINABASA MO ANG
His Personal Maid
RomanceYou're mine, Gail. No one can own you, except me." Si Luna Gail Sanchez ay isang mahirap na tao lamang. Pinalayas siya sa kanyang apartment at nawalan ng trabaho. Hanggang isang araw ay may swerteng dumating sa kanya at yun ay maging katulong ngunit...