Chapter Two: Meet the Barkada, the Kontrabida and the Leading Man
Sa campus, isa kami sa mga ordinaryong magkakaibigan pero siyempre nakilala kami kasi kami yung mga mahilig mampektus at mangokray.
2 kasi ang bakla sa grupo si Noel (na sa gabi ay si Noemi) at si JayR (na sa gabi ay si Grace). Kaya siguro kami palagi ang panalo sa mga trash talk dito sa school dahil natrain kami ng mga baklang to haha minsan nga daw kahit teacher ay nababara na namin.
Bukod sa 2 bading na yan, meron pa akong 3 pang girlash na friends, mga baklang babaita din tulad ko. Mga bratinella at magimik din yun nga lang mas matatalino at athletic sila kesa saken.
Si Lychee ang pinakamatanda samin lahat. Nasa senior year na siya sa kanyang kursong Communication Arts, varsity siya ng volleyball sa school kaya nakikita na siya sa mga local sports TV.
Si JayR ang sumunod, siya ang baklang nagccross dress talaga kaya mas madalas na siyang natatawag sa pangalan ng alter-ego niya na si Grace. Senior din siya pero mas bata siya ng isang taon kay Lychee pagdating sa age. He is 19 while Lychee's 20. HRM ang kurso ni baklita kaya minsan pag nagbbar kami, talbog pa mga bar tender sa skills niya.
Sunod si Frida, pangalan palang mataray na. Sa totoo lang, siya ang taray queen ng tropa namin dahil mataray talaga siya at napakamoody. Pati kami napepektusan nito. She's taking up Accountancy. Well, as a matter of fact siya din ang pinakahenyo samin lahat. Wala siyang mintis sa pagiging dean's list.
Si Lien naman ang sunod, siya ang pinakatahimik samin akala mo magmamadre pero once na naasar siya at bumanat na siya taob ka na. Siya ang pinagmamalaki ng grupo na may creative side. Siya ang sagot sa book report namin, projects and even infomercials na kailangan namin. Wala naman siyang angal. That's what friends are for e haha. Tsaka di siya KJ, sumasama din sa mga gimik.
Si Noel at ako ang bunso ng grupo. Pero ako talaga ang baby kasi mas matanda siya saken ng 6 months. Tsaka sa ugali ko palang at sa lampa kong to, baby talaga ang turing nila saken. Ewan ko pero mas masaya ako ng ganun. Mas nafifeel ko na madaming nagmamahal saken.
Anyways tama na ang drama. Nagbell na which means, balik classroom na naman kami. Nakakainis parang nasa impyerno ako pag nasa loob ng room e.
"Miss Dela Palma you are idling again!!!"
Nagulat naman ako sa sigaw netong si Ma'am Guinto! Amboring naman kasi talaga niya magturo, paturo turo lang nung laser niya sa projector, siya laser-in ko jan e.
"Sorry naman! I'mma pee lang po." I smirked, pag ayoko kasi talaga makinig sa lesson, binabastos ko na talaga ang teacher pero wag niyo akong tutularan. Masama yun.
Inirapan na naman ako nitong gurang na to, whew nakakahaggard sa loob ng room. Makapagcutting nga muna, itetext ko nalang si Noel na dalhin yung bag ko pagdismissal na, sanay na naman yun saken e.
At last I am so Freeee!
I stretched and yawned kaya naging oblivious ako na may makakabangga na pala akong human being.
"Aray naman! Can you please wat- " I left my sentence hanging because I am now literally drooling over this gorgeous humanoid.
Ampogi naman nitong lalaking to, kahawig ni Edward Cullen yun nga lang mas maliit yung panga nito, mas matangos ang ilong at mas maamo ang mukha. Mukha siyang anghel omaygallywowow!
"Watch where I'm going? E ikaw nga tong hindi tumitingin sa dinadaanan e!!" He was the one who finished my sentence. Grabe naman ang ugali nito.
BINABASA MO ANG
Beki, Beki, Bakit Tayo Gumawa?
Teen FictionPano kung dahil lamang sa isang hindi inaasahang pangyayari ay may mabuo... Nakabuo kayo ng bata ng isang tao na hindi mo pa lubusang kilala... E pano kung malaman mong kabilang pala siya sa lumalaking pederasyon ng mga Diyosa sa Pilipinas? An...
