PHIL'S POV
I never expected na sasagutin na pala ako ni Noel last night. Kakausapin ko pa sana siya kaso mukhang hindi na namin kailangan. Now I think it's safe to say that yes, we are now together and I can't be any happier.
This morning he called me, sabay daw kami pumasok sa school. Nagmadali kagad ako mag-ayos at magbihis, I was that excited.
Nag-kotse na ako para mas mabilis ang biyahe tsaka sinundo ko pa siya sa kanila. Yes, legal kami dahil tanggap na naman siya ng family niya. Buti nga ang parents niya very open when it comes to him. Nakakainggit.
"Sorry kung naghintay ka pa, hindi kasi talaga ako pinapaalis ni Mama hangga't hindi ako lumalapang." Bungad kagad ni Noel sa akin pagkasakay niya sa kotse.
"Okay lang, hindi naman ako naghintay ng matagal." Sabi ko sa kanya sabay abot sa kanya yung cup of coffee na binili ko along the way.
"Thanks, favorite ko pa." Nakangiting sabi sa akin ni Noel, hinawakan ko ang kamay niya.
"What are boyfriends for?" Natatawa kong sabi sa kanya.
"Sus, hala sige na gumora na tayey. Ayokong machugi na naman ng prof ko dahil late na naman ako." Sabi niya sa akin sabay switch ng car stereo. Tumango naman ako ng nakangiti at pinaandar ang kotse.
Why do I feel so giddy today? I think something good is going to happen.
"Wala na ba tayong ibang pwedeng daanan? We're going to be late and naghihintay na sila Tiffel sa lobby ng school." Sabi ni Noel, na-stuck kasi kami sa traffic five streets away from the campus.
"Wait, I'll think of alternate routes." Buti na lang naalala kompa yung eskinitang dinaanan nakin nila Kib noon nung may meeting kami kila Yuri. Malapit lang kasi sa bahay nila Yuri yung gate 4 ng school.
Dumaan naman kagad kami dun at nakarating kami sa school in the nick of time, nandun na ang buong tropa niya at kaming dalawa na lang talaga ang hinihintay nila.
The giddy feeling I had a while ago has been washed away now. Nakita ko si Tiffel and this feeling of uncertainty is starting to creep me out again.
"Hi girls! GOOD MORNING!" Masayang bati ni Noel sa mga kaibigan niyang hindi naman sa kanya nakatingin kung hindi sa akin but of course, that excludes Tiffel. Feeling ko wala namang pakialam yun sa pinaggagagawa ko sa buhay.
"Kasing saya mo si Tiff a, ano nakascore ka te no?" Pangaasar ni Jay-R sa aming dalawa na may nakakalokong ngiti. Tumawa lang ako.
"Heh! Tumigil ka bakla a, bunganga mo." Pag-saway ni Noel.
We looked at each other, we really have this certain connection that cannot be denied. Parang nababasa namin ang isip ng isa't isa, like we have the same soul.
"Alam na! Teka nasan na ba si Jerry? Siya na talaga pa VIP." Hindi ko alam kung paano iexplain but there is something mysterious about Lychee's smile while looking at us.
At hindi pa din ako tinitignan ni Tiffel.
"Kumusta ka na Fel?" Hindi ko na napigilan ang pagtatanong. She still look weak and fragile.
Natigilan naman silang lahat sa pagtatanong ko. Ano bang masama sa pagtatanong sa kaibigan kung kamusta na siya? Wala ba silang friends?
Nakatingin lang si Tiffel sa akin na para bang gulat na gulat siya sa tanong ko.
BINABASA MO ANG
Beki, Beki, Bakit Tayo Gumawa?
Teen FictionPano kung dahil lamang sa isang hindi inaasahang pangyayari ay may mabuo... Nakabuo kayo ng bata ng isang tao na hindi mo pa lubusang kilala... E pano kung malaman mong kabilang pala siya sa lumalaking pederasyon ng mga Diyosa sa Pilipinas? An...
