Chapter Twenty Seven: Wedding Prep

8.4K 152 31
                                        

Chapter Twenty Seven

Nandito na kami ngayon sa L.A with Phil's family. As much as I'm concerned, they all treated me very well. Si Phil lang naman ang maarte at palaging nakabusangot lalo na pag nandiyan ang Dad niya.

Well, to sum it all up, close na kami ni Phil ngayon. May mga times na nagbabangayan pa din pero mas mahaba na yung times na nagkakaintindihan kami. Alam ko na nagseselos siya kay Jerry kaya as much as possible lumalayo ako sa kanya pag tumatawag sakin si Jerry.

Ganun din naman siya pag magka-Skype sila ni Noel, sinisigurado niya na tulog muna ako ng mahimbing. Alam niya kasi na nasasaktan din ako, pero ako itong si gaga, nagtutulug-tulugan lang kaya naririnig ko pa din ang pag-uusap nila. Masokista ako e, mas gusto ko nasasaktan haha.

Ngayong araw, magsusukat kami ng damit na gagamitin namin sa kasal. Excited ako kasi minsan lang ikasal kaya lulubusin ko na ang bibilhin kong gown, pamilya naman ni Phil ang gagastos. Haha.

Nandito kami ngayon sa isang boutique ng isang sikat na Pinoy fashion designer dito sa L.A, o di ba grabehan ang gumawa ng gown ko? Haha.

“Iha, pumili ka na ng gown mo ha. Yung sa tingin mo bagay sayo, pero sa palagay ko lahat naman ng isuot mo bagay sayo!” Sabi ni mama sa akin, naka-link ang braso naming habang tinitignan ang kabuuan ng shop.

“Ma, wag mo nga sasabihan ng ganyan si Fel! Magfifeeling na naman yan eh!”  Sabi ni Phil, binangga niya naman ako at nagpauna siya sa paglalakad.

“Sus naman! Para namang hindi ko nakikita kung pano mo titigan si Tiff! Nagfifiesta nga yang mga mata mo pag naka-minishort yang fiancé mo! Naku Felipe! Papunta ka palang, pabalik na ako. Wag ka na magdeny, mahal mo na si Tiff!” Pang-aasar ni mama sa anak niyang bakla.

Teka teka, mahal?! fiancè?! Well that's a lot to take in! Si Mama talaga, napakover observant, kahit simpleng galaw namin ni Phil may kahulugan sa kanya. Hindi naman sa ayaw ko na ganun si Mama pero kasi umaasa ako na meron na ngang nararamdaman para sakin si Phil kahit na wala pa naman talaga.

“Tch. In her dreams!” Naka-smirk na sabi ni Phil.

As I said, ayokong umasa.

I cleared my throat and interrupted their conversation.

“Ma, sa palagay ko may nakita na akong gown.”

Sinamahan naman kagad ako ni Mama sa isang clothes rack dun sa boutique at dun nakita ko ang kumikinang kong gown. It was a white gown, obviously. It has a sweetheart neckline and lacey see-through sleeves. Meron siyang silver and gold band between the breasts and the waistline. Low-back ang design niya sa likod. At pabolga ang skirt nito with white lace overlay. In short, it was stunning!

“I like your taste iha, sige na i-fit mo na!” Excited na sabi ni mama.

Titingin po muna ako ng accessories, ma. Para kumpleto na yung isusukat ko.”

“O sige iha, your choice. Maghihintay lang kami ni Phil dun sa couch.”

Pumunta naman ako sa accessories area nung boutique. Kumuha ako ng pearl necklace and earrings. Kinuha ko na din ang isang silver stilletos embedded with diamonds. Whoo! Ito ang gusto ko, dressing up! Now it's time to fit it!

Kahit ako ay napanganga sa sarili ko sa sobrang ganda nung gown nung nakasuot na sa akin, parang it was made for me talaga. Good thing, dahil hindi pa masyado malaki ang tiyan ko. Nagmadali naman akong lumabas ng fitting room at pumunta kung saan naghihintay sila Mama.

Beki, Beki, Bakit Tayo Gumawa?Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon