PHIL
For the past few weeks, I was definitely happy...because of Noel.
Masaya kaming kinikilala ang isa't isa. Hindi ako nagkamali sa pagpili ko sa kanya, he was so cool. Marami akong natututunang mga bagay tungkol sa buhay dahil sa mga advice niya sa akin. Hindi mo aakalain na seryoso siyang kausap beneath his "meanie" facade.
However, every once in a while, bigla na lang pumapasok sa utak ko si Tiffel. Hindi ko alam kung bakit naaapektuhan pa din ako sa mga ginagawa niya sa buhay. Dapat wala na akong pakialam sa kanya pero hindi ko mapigilan.
Lalo na kapag masyado na silang malapit ni Jerry o kaya naman kapag masyado ng maikli yung uniform na suot niya. Alam kong wala na dapat akong pakialam but I can't help myself. I still keep on worrying about her, parang nagkaroon akong ng isang instant na baby sister na kailangang bantayan 24/7.
Katulad ngayon, wala akong idea na siya ang makikita ko dito sa meeting place namin ni Noel. That son of a crying cow never returned any of my calls, ni text wala akong nareceive sa kanya. Hindi man lang niya ako sinabihan kung tuloy ba ang date namin ngayon o hindi.
Naiirita na nga ako, lalo pa akong nainis sa suot ni Tiffel. Pambihirang babae 'to, misyon niya ba ngayong araw na ma-rape ng sangkaterbang gangster sa kalye? Pupunta sa mall ng nakalabas ang tiyan at super fitted na pantalon? Nanggigil talaga ako sa babaeng 'to, sarap sabunutan.
"Hi Phil!" Aba naman talaga, nakangiti pa ang gaga. Nang-aakit pa talaga ng mang-rerape sa kanya.
Hindi ako makapagsalita. Hindi dahil sa nagandahan o nasexy-han ako sa kanya, yun ay dahil naiinis na ako sa kinikilos niya. Ano bang mahirap sa pagsusuot ng simpleng t-shirt pag pupunta sa mall di ba?
"Phil, tinatawagan ka daw ni Noel pero hindi ka sumasagot kaya pinapunta niya ako dito. Umuwi kasi sila ng Bicol, nagka-emergency dahil may sakit daw ang lola niya." Narinig ko kagad na pagpapaliwanag niya sa akin.
For that moment, nabawasan ng konti ang pagkainis ko. Nag-alala kasi ako kay Noel, he must feel really down now but at least nalaman ko na hindi niya ako inindian. May dahilan naman pala ang hindi niya pagsipot sa usapan namin.
Sa panahong ganito, dapat sumasagot na ako at umaalis na. Alam ko na naman ang dahilan kung bakit wala si Noel, wala na akong gagawin pa dito. Pwede na nga akong umuwi kung gugustuhin ko, pero ang problema, hindi ko magawang iwan si Tiffel. Punyeta.
Paano ko ba maiiwan yung babaeng 'to kung ganyan ang suot niya? Paano kung mabastos siya eh di konsenya ko pa? Nakaka-stress!
"Hoy Phil! Naka-drugs ka ba? Hoy! Kanina pa ako dito, pansinin mo naman ako." Sabi niya sa akin sabay snap ng fingers sa harapan ko.
I blinked. Kung alam niya lang talaga na malayo pa lang siya napansin ko na siya dahil sa suot niyang isang hibla na lang yata kita na ang underside ng boobs niya.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko, gagastos na kung gagastos, kailangan ko lang siyang pagpalitin ng masusuot tapos uuwi na kami. Yun lang, wala ng iba. Bili ng damit tapos uwi.
Hinila ko kagad siya sa isang boutique ng hindi ko siya kinakausap. I'm so pissed that I cannot even talk to her. Iniwan ko siya sa entrance saka ako humanap kagad ng damit na takip lahat. Marami akong kinuha saka ako lumapit ulit sa kanya.
"Pumili ka, kahit ilan. Bilisan mo." Seryoso kong sabi sa kanya. Nakita kong naguguluhan siya sa pinaggagawa ko pero mamaya ko na siya sesermunan pag maayos na ang bihis niya.
Apat na damit ang pinili niya. Inabuso naman nitong babaeng 'to ang pagmamagandang loob ko, akala ko may hiya siya ng konti at dalawa lang ang kukunin pero inapat pa nga daw! Pambihira. Mamumulubi yata ako.
BINABASA MO ANG
Beki, Beki, Bakit Tayo Gumawa?
Teen FictionPano kung dahil lamang sa isang hindi inaasahang pangyayari ay may mabuo... Nakabuo kayo ng bata ng isang tao na hindi mo pa lubusang kilala... E pano kung malaman mong kabilang pala siya sa lumalaking pederasyon ng mga Diyosa sa Pilipinas? An...
