Chapter Nine
Pagkadilat ko ay puting kisame ang nakita ko, teka the last time I checked, light blue ang kulay ng kisame ng kwarto ko a. Nasaan ako?
Nilibot ko ang tingin ko at nakita ko si Jerry natutulog. Nasa ospital ba ako? Anong oras na? Naku sana hindi malaman to ni Mamita dahil magwoworry na naman yun saken. Bago ko pa man mahawakan yung ulo ni Jerry ay nagising na siya.
"Gising ka na pala. Ok ka na ba? Saan masakit sayo? Gusto mo ba kumain?"
"Anong nangyari Jerry?"
"Bibili muna ako ng makakain mo, hintayin mo ko ha."
Hinawakan niya muna yung kamay ko ng mahigpit bago siya lumabas ng room.
Aba teka, pano ako magbabayad dito sa ospital e wala naman kami masyadong pera. Sino magbabayad nito? Naku kailangan ko na umalis baka lumaki ang bill patay ako kay Mamita lalo. May sakit kaya ako?
After 1264839061 years, dumating na din sa wakas si Jerry. May dala siyang santol, manggang hilaw na may bagoong, lugaw, chocolates pero ang napansin ko talaga is yung dala niyang coke na may ice cubes.
"Hindi ko alam kung ano magugustuhan mo dito e, kaya binili ko nalang lahat. Naghanap pa ako niyan, ganyan din kasi binili ko sa pinsan ko nun." Sabi niya habang busy sa pagtitingin ng mga pinamili niya
"Teka nga, bakit mo ba ako binilhan? May problema ba saken? May sakit ba ako?" Naguguluhan na ako. Napatigil siya sa paglabas ng mga pinamili niya saka siya umupo sa bedside chair at tinignan ako.
"So hindi mo nga alam?" Tanong niya sa akin. Seryoso pa siya
"NA ANO NGA?!" Naiinis na ako pasuspense pa kasi ang mokong e aatakihin na ako sa puso sa sobrang nerbiyos.
"Chill ka lang Tiff baka mapano yang anak mo sa sobrang stress." Wait. What?! Anak?!
"ANAK?! NANGANAK AKO?!" Gulat na gulat ako siyempre. Napakamot naman ng ulo si Jerry
"Ano ka ba Tiff! You are pregnant, 4 weeks. Sabi saken nung doctor kanina. Binati pa nga ako e, akala niya ako yung tatay ng anak mo at asawa mo ako. Nakakatawa."
"Aaah, buntis lang pala ako akala ko kung ano na ang- ANAK NG TOKNENENG!!! BUNTIS AKO?!! LALO AKONG PATAY KAY MAMITA!"
Natawa naman si Jerry sa naging reaction ko pero maya maya ay sumeryoso na siya lalo na nung nakita niyang halos lumuwa na yung mata ko sa pagaalala.
"Sino ba tatay niyan? Sabihan mo agad ng masustentuhan ka na."
Hindi pa din ako makasagot. Isa lang kasi ang pwedeng maging tatay nitong bata, si Phil lang naman ang nakagalaw sakin e. One month na rin pala ang nakalipas? Henube, kelan ba ako tatantanan ng stress?! Hutanghena leng.
"Teka Jerry, kailangan ko na makalabas ng ospital ngayon. Wala akong pambayad sa bill at isa pa magwoworry si Mamita saken." Pag-iiwas ko. Hindi pwedeng malaman ni Jerry na si Phil ang tatay nitong ipinagbubuntis ko.
"Ako na muna ang magbayad, kausapin ko muna yung doctor kung pwede ka na lumabas. Pasalamat ka napagkamalan nila akong asawa mo at 20 na ako. Kung hindi kinailangan icontact yang nanay mo."
"Oo na bilis na, kausapin mo na. Pero bago yan akin na muna yung ice cubes. Bilisan mo ha!
"Anong ice cubes?"
"Yung coke mo, gusto ko nung ice cubes nun!"
"Ah eto o, sige teka puntahan ko na yung doctor. Wait ha."
BINABASA MO ANG
Beki, Beki, Bakit Tayo Gumawa?
Fiksi RemajaPano kung dahil lamang sa isang hindi inaasahang pangyayari ay may mabuo... Nakabuo kayo ng bata ng isang tao na hindi mo pa lubusang kilala... E pano kung malaman mong kabilang pala siya sa lumalaking pederasyon ng mga Diyosa sa Pilipinas? An...
