Chapter Forty One
Tinignan ko kung saan banda nakatingin si Jerry, medyo mahirap maaninang dahil nakatutok samin yung mga ilaw pero nakita ko pa din na may anim na lalaking nakaitim sa may isang sulok ng bar. Nakatingin lahat sila saming dalawa.
Napatingin naman agad ako kay Jerry, bigla kasi akong nakaramdam ng takot. Ano ba naman to, sabi ko hindi ako matatakot! Matapang na ako!
“Nandito na ang demonyo, kailangan na natin makaalis agad.” Sabi ni Jerry sa akin.
Bumaba naman agad kami sa stage at nagexcuse sa mga nanonood, sinabi lang namin na may emergency. Nandito na agad ang demonyo, wala pa nga kaming isang araw na magkasama ni Jerry!
“Saan tayo pupunta?” Medyo natatakot kong tanong sa kanya.
“Kahit anong gawing takas natin, mahuhuli nila tayo. Nagsasayang lang ako ng oras, wag ka magalala, planado ko na to. May mga pulis na dadating para satin. Pangako ko yan.”
Nung palabas na kami ng bar ay nakabangga ko pa si Phil, pinigilan niya naman agad ako saka hinawakan sa braso.
“Fel, can we talk?” Wrong timing naman itong si Phil oh.
“I wish I can pero sorry.” TInanggal ko sa pagkakahawak niya yung braso ko.
“Fel-“
“Save it. I can't talk to you right now. Sorry.”
Nagsimula na kaming maglakad palayo ni Jerry. Hanggang sa paglabas namin ng bar ay nakasunod pa din si Phil. Ang tigas naman talaga ng bungolacious nitong bekimon na to oh! Mapapahamak pa siya sa ginagawa niya!
“Phil bumalik ka na sa loob please. Puntahan mo na si Noel. Hayaan mo na kami ni Jerry.”
“Fel look-“ Magsasalita pa sana si Phil pero hindi na siya pinatapos ni Jerry.
“Pre, sorry pero kailangan na namin umalis saka ka nalang makipagusap.” Nakita ko naman kung paano nabadtrip ang mukha ni Phil.
“Bakit ba nangengealam ka? Problema na namin to.”
“Meron akong pakialam dahil sakin na nakatira si Tiff ngayon, at aalis na kami.”
Maglalakad na ulit sana kami ni Jerry nung pigilan ulit ako ni Phil. Ang kulit naman talaga ng nanay nito ni Phil o! Sinabi na ngang ayaw ko makipagusap di ba?! Bumitaw naman agad ako sa pagkakahawak ko kay Jerry saka hinarap talaga si Phil.
“PHIL! BUMITAW KA NA! NOW!”
Nagulat naman si Phil sa pagsigaw ko, seryoso kasi ako. Pano ba naman kasi nakakastress ang mga pangyayari! Bwiset lang! Ayaw pa kasi ako bitawan at balikan si Noel e pero nakarecover naman agad siya sa pagkakagulat.
“No.” Matigas na sagot ni Phil sa akin.
“ANO BA PHIL?! TAPOS NA TAYO! G-GOOD...bye.”
Bumitaw naman agad si Phil, para pa nga siyang nanlumo. Sus! If I know, gustong gusto niya yung narinig niya!
“ITO ANG GUSTO MO DI BA? FINE! PAGBALIK KO, IPAPAAYOS KO NA LAHAT PARA MAKAPGHIWALAY NA TAYO NG AYOS! OK NA BA SAYO?”
“Fel, I-“
“GUSTO MO TO DI BA?”
“Oo pero-“
“TAPOS ANG USAPAN! BUMALIK KA NA SA LOOB!”
“FEL!!!!”
Sa sobrang busy ko makipagusap ko kay Phil ay hindi ko napansin na nakuha na pala nung mga black boys si Jerry at ito ako ngayon, natangay na din nila. Kitang kita ko ang pagkabigla sa mukha ni Phil. Tama na rin ito, natapos ko na naman kung ano yung sa amin, sinabi na din naman niya na gusto niya din to.
BINABASA MO ANG
Beki, Beki, Bakit Tayo Gumawa?
Novela JuvenilPano kung dahil lamang sa isang hindi inaasahang pangyayari ay may mabuo... Nakabuo kayo ng bata ng isang tao na hindi mo pa lubusang kilala... E pano kung malaman mong kabilang pala siya sa lumalaking pederasyon ng mga Diyosa sa Pilipinas? An...