Chapter Forty Nine: I want YOU back

7.9K 135 9
                                    

Chapter Forty Nine

At ito na nga ako, hawak ko ang kamay ni Sean at handa na kami sa aming skit. Nasa likuran naman namin si Noel, siya ang may hawak ng supporting role ngayon. Ewan ko lang kung actor or actress ang gagampanan niya.

Huminga muna ako ng malalim saka nagpractice magsmile ng wagas para kabog din ang acting ko. Sana naman hindi niya mahalata na nagpapanggap lang kami.

"Ok. Goodluck. Galingan!" Sabi ni Noel saka niya hinawakan ang magkabilang balikat ko at hinalikan sa pisngi si Sean.

Tumango naman ako at tinignan muna si Sean. Nagsmile naman siya at pinisil ng konti ang kamay ko. Whooo, let's get it on!

Si Sean ang nagbukas ng front door ng bahay ni Noel. Yun na yung cue, dapat masaya kaming nagkkwentuhan.

"Hoy! Wag kayo masyadong magmadali at may kasama pa kayong julalay!" Takte nasa acting mode na talaga ang bessy ko! Ang galing niya natural na natural ang acting! Kung hindi ko alam na acting to, maniniwala ako sa kanya!

"Babe, ang bagal naman ng chaperone mo. Masisira date natin!" Natatawang arte ni Sean sabay akbay sa akin

"Hayaan mo na, may nakita kasi yan kanina kaya lutang!" Pangaasar ko ulit kay Noel, nanlilisik na naman ang mga mata niya sa akin. Inapakan niya naman ng malakas yung paa ko.

"Aray! What was that for?"

"For being SO MEAN!" Pikon na sabi ni Noel kaya lalo akong natawa.

"Tama na yan Noel, baka naman mamatay lahat ng kuko sa paa ng babe ko!" Natatawa ding sabi sa amin ni Sean.

Palabas na kami ng gate, nakita ko sa peripheral vision ko na nakatingin na si Phil sa amin. Hinatak naman ako bigla ni Noel at may binulong sa akin.

"Bessy! Nakatingin si Phil, wag na wag mo siyang papansinin ha! Ok lang maging sweet kayo ni love, tatanggapin ko kahit masakit! Galit siya girl! Kitang kita ko sa mata niya! Keep it up!"

"Noel, ano yang binubulong mo? Baka dinedemonyo mo na naman si babe ha!" Sabatni Sean sa amin.

"Hindi babe, nagwarning lang si bessy, ang sakit daw natin sa mata masyado daw tayong sweet! Bitter yata kasi walang lovelife!"

"Sino kaya ang bitter?!" Pikon ulit na sigaw sa akin ni Noel

"Ito talaga si Noel!" Natatawang sabi ni Sean.

Hinila naman ako ni Sean pabalik sa kanya at inakbayan ako. Sakto pagkabukas ng gate ay nakaramdam ako ng mga labi na dumampi sa ulo ko.

"Masusuka na ba ako?! Asan na ba yung kotse mo love?" Inis na sabi ni Noel.

Oops. Mukhang nadulas si beki, siguro ay nagselos siya nung hinalikan talaga ako sa ulo ni Sean kaya nawala sa wisyo! Buti nalang nakaisip ako ng script!

"Ilang beses ko ba sasabihin sayo na wag mo siyang tatawaging love! Ayoko ng may kahati! Akin lang si babe ko!" Inirapan ko siya saka ako yumakap kay Sean.

I'm the best! Harhar!

"E di sayo na! Pagbuhulin ko pa kayong dalawa eh! Hoy Sean, yung kotse mo?" Padabog na lumapit si Noel kay Sean.

"Nandun pa banda sa unahan. Paano ba naman kasi yang kapitbahay niyo, hindi tanggalin yang tinayo nilang tent jan sa may harapan ng bahay nila kahit kagabi pa tapos ang party! Hindi ako makapasok! Tsaka may kotseng nakapark sa harap niyo!" Mahabang litanya ni Sean saka inabot ang susi kay Noel.

"Ang dami pang explanation?! Paglalakarin mo kami ni bessy ang init init?!" Pagrereklamo ni Noel.

"Sino ba may sabing papainitan ko si babe? Ikaw ang pumunta dun sa kotse at ilapit mo dito."

Beki, Beki, Bakit Tayo Gumawa?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon