Special Chapter 001-02

5K 81 6
                                        

Phil's POV

Nakababa na si Tiffel pero hindi ko magawang pumasok sa university. Hindi ko alam kung hinihintay ko ba ang Valentine's day o Pasko. Nakatambay lang ako sa kotse, tinitignan ang mga estudyanteng dumadaan sa harapan.

Dapat pala hindi na ako pumasok. This is boring. Isa pa, napag-aralan ko na ang ituturo ng professor namin ngayon sa Ethics. What's more to learn kung sa libro din naman siya nag-bbase.

Pinapaikot ko sa kamay ko ang isang keychain nung may matanaw akong isang pigura sa di kalayuan.

Nakaputing polo at leggings. Nakanguso at pawis na pawis, natatawa ako sa haggard niyang itsura. Kamukha na niya si ateng naglalako ng kakanin sa bandang kaliwa.

Pero hindi lang yun ang naramdaman ko. Unexpectedly, nakahinga ako ng maluwag. Napabuntong hininga ako ng malalim. Bakit nga ba parang hindi ako makahinga ng maayos kanina?

Bahala na!

Nakangiti akong bumaba sa kotse, may mga dahilan pa pala kung bakit papasok ako sa school. Una, para kay Noel. Pangalawa, para mapalapit sa lahat ng kaibigan ni Noel at pangatlo, asarin si Tiffel hanggang mamatay siya sa pagkapikon.

Sinundan ko naman kagad sa loob si Tiffel, kausap na niya ngayon si Noel. Malapit nga talaga sila sa isa't isa, tamang tama ang plano kong gamitin siya para maging tulay namin.

Mukha namang walang kwentang kausap 'tong si Tiffel at hindi nagrereact sa sinasabi ni Noel. Ano kaya ang pinaguusapan nila?

"Hoy Phil!!!" Tawag sa akin ni Tristan, ang sinabi ko kaninang ex-slash-bestfriend ko na ngayon. Parehas kami ng course na kinukuha.

"Ano?!" Inis kong sabi, nawala kasi sa paningin ko sila Noel.

"Sinusundan mo na naman yang bago mong prospect?" Pang-aasar niya sa akin.

"Pwede ba 'wag ka na umepal. Panigurado ako before mag-end ang semester, akin na si Noel. Meron na akong new weapon!" Nakangiti kong sabi sa kanya sabay taas-baba ng kilay ko.

"HI PHIL!!!"

"Phil ang guapo mo talaga!"

"Hello baby!"

Sunod-sunod ang mga bakla at babaeng nag-greet sa akin. Wala kasi masyadong nakakaalam kung ano talaga ako. Well may mga tsismis pero yung ibang babae kasi nagkakalat din na kasama ko din sila twing gabi kaya walang makasagot ng katotohanan.

Alam nilang pumapatol ako kahit kanino pero gusto pa din nila ako. Hindi ko naman kasalanan na ganito ang mukha ko di ba?

Ngumiti lang ako sa kanila kahit na sa totoo lang ay utang-uta na akong makipagplastikan. Pwede bang hindi na lang nila ako pansinin?

"Anong plano mo?" Tanong sa akin ni Tristan, sinusundan niya lang ako. Papunta ako ngayon sa room nila Noel.

"May kakausapin ako." Sagot ko kagad sa kanya.

"Sino? Si Noel? Hindi kaya mag-freak out yun?"

"Hindi siya, bro. Babae kakausapin ko, gagawin ko siyang tulay sa amin ni Noel."

"Bro, hindi ako agree sa plano mo. Babae? Delikado tayo diyan. Tagilid ang kinabukasan mo. Gagawin mo pa talagang tulay ha? Hindi mo ba alam 75% ng mga tulay ang nakakatuluyan ng nanliligaw? Baka lalo kang malugmok diyan, bro. Tigilan mo yan." Panenermon niya sa akin.

"Hindi ako madadala ng babaeng 'yan. Kasi kahit lalaking lalaki ako, hindi yan ang tipo ko, masyadong tanga. Magtiwala ka sa akin. Noel will be mine soon." Pagyayabang ko sa kanya.

Beki, Beki, Bakit Tayo Gumawa?Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon