Chapter Twenty Four: Storytelling

7.2K 139 6
                                    

Chapter Twenty Four

Pagpasok namin sa restaurant ay ang farthest seat sa corner ang pinili ni Phil, patay, masinsinang usapan talaga itey! Hindi niya ata ako hahayaang makatakas ngayong araw. Gigisahin niya ako ng buhay! I am so dead!

Binigyan naman kagad kami ng menu ni kuya waiter after naming maupo ni Phil. Nung umalis si kuya waiter ay lumipat si Phil sa chair na malapit sa akin. Apat kasi ang upuan at circle ang table, kanina ay nasa tapat ko siya nakaupo pero ngayon ay lumipat na siya sa right side ko. Patay na talaga.

“Start explaining now.” Mahina niyang sabi sa akin.

“T-teka, pwede umorder muna ako?” Pag-iiwas ko. Delaying tactics para lang masaya.

Napahilamos naman sa mukha si Phil bago siya tumingin ng masama sa akin at kinuha ang menu sa ibabaw ng table.

“Fine. Umorder ka na. Bilisan mo.” Halatang naiinis na siya sa ginagawa kong mga palusot.

Siyempre dahil mabait akong bata, tinagalan ko ang pagpili ng pagkain. Pikon na pikon na si Phil sa akin kaya naman hindi na ako makatingin ng derecho sa kanya. Hindi ako nagsalita hanggang sa dumating na yung order namin. Pinipigilan ko talagang tignan siya kahit na sa peripheral vision ko ay lusaw na lusaw na ako sa nakamamatay niyang tingin.

Dumating na’t lahat ang order naming ay hindi pa din ako nagsasalita, kumain lang ako ng kumain hanggang sa dumating yung point na pinigilan na mismo ni Phil yung braso ko nung isusubo ko na sana yung pasta.

“Mag-eexplain ka na ba o gagawin mo lang akong tanga dito?” Inis niyang tanong sa akin.

“Ano nga ba ulit yung hinihingian mo ng explanation?” Tanga-tangahan mode ako, may kamot pa sa ulo ang drama para makatotohanan.

“Fel, hindi na maganda ang mood ko ha. Kanina pa ako napipikon sayo.” He looked lethal kaya naman pinilit ko na lang mag-smile. Sige na nga sasabihin ko na bago niya pa ako mapatay.

“Mag-eexplain na ako! Kasi naman babe, ay este Phil pala, late ko na din nalaman na buntis ako. Naalala mo pa ba yung time na niligtas mo ako kila Belinda? Dun lang yung time na nakapunta ako sa ospital, dun ko lang nalaman na 4 weeks na akong buntis. Si Jerry ang kasama ko that time kasi siya yung kasama ko nung nagcollapse ako for the second time. Sinabi ko sa kanya na wag muna sabihin sa iba dahil magulo pa ang utak ko noon. Tapos nakareceive pa ako ng text galing kay Noel na...na sinagot ka na niya nung mismong araw na yun. After ko makapagisip, napagdesisyunan ko na ilihim nalang kasi ayoko na masira yung naguumpisa niyong relationship ni Noel. Gusto ko maging masaya kayong magkasama. Kaya hindi nalang muna ako umiimik at si Jerry nalang ang palagi kong kasama kasi naiintindihan niya ako. Ayun.”  

Saglit na natahimik si Phil sa sinabi ko, ano to nagloloading na din siya? Buffering ang utak? Bigla naman siyang tumayo at hinila yung upuan niya sa tabi ko, saka siya umupo ulit. Ako naman ay ipinagpatuloy na lang ang pagkain ko kahit na nagpapawis na ng bongga ang buong katawan ko dahil sa tension.

Tinuon ko yung pansin ko sa plato na nasa harap ko, nakakailang kasi. Ang seryoso na namin masyado, parang hindi ako sanay na ganito kami, mas gusto ko pa ata yung nagaaway kami.

Nagulat naman ako nung biglang hatakin ako ni Phil at niyakap. Nakakabigla! Hindi ko ito inaasahan OMG!

“Sorry Fel, sorry talaga. Sorry at nasabihan kita ng selfish kahit na sa totoo lang ay kami pala talaga ni Noel ang iniisip mo. Sorry kung hindi ko sinasadyang mapabayaan ko kayong dalawa ng anak natin. Sorry kung hinayaan kita maalagaan ng ibang tao. I'm so sorry.”

Beki, Beki, Bakit Tayo Gumawa?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon