Chapter Fifty Two
"Thank you dito sa phone. Hindi mo naman kailangan pang bumili para sa akin." Naglalakad na kami ngayon sa mall, nakabili na kasi ako ng bagong cellphone.
Pinilit kasi ako ni Phil na pumili ng bagong phone na ipapalit sa tinapon niya. Hindi naman ako pumili, siya pa din naman ang nasunod. Nakakahiya nga kasi mahal pa ang binili niya.
"Gusto kong kumpleto ang kailangan mo. May iba ka pa bang gustong puntahan?" Tanong niya sa akin.
Nag-smile naman ako sa kanya, siguro naman nandun na sila Noel. Tumakas kasi ulit ako ng tawag kanina kila Noel at sinabi kong paalis na kami kahit pa naliligo palang si Phil nung mga oras na yun.
"Parang gusto kong magkape, tara Starbucks tayo!" Hinila ko naman kagad siya papunta sa direksyon ng Starbucks
"Wow ha, magkakape ka lang Starbucks pa?" Pagbibiro niya sa akin.
"Wow ha, kung makareklamo ah. Kung makabili ka nga ng cellphone para sa akin wagas eh tsaka yung tastebuds ko pang-Starbucks lang!" Pagbibiro ko din sa kanya, natawa naman si Phil saken tapos pinisil ako ulit sa pisngi.
Yung totoo Phil? Ikaw ba talaga yan? Nakakatakot ang pagbabago mo, masyadong malayo sa dati!
Nasa entrance palang kami ng Starbucks ay nakita ko na agad sila Noel. Siniko nga agad ni Noel si Sean nung nagkatinginan kami. Si Phil, abala naman sa pagtitingin ng gusto niyang bilhin. Palapit na sana samin sila Noel nung nagsignal ako ng teka lang, nagulat naman ako nung bigla akong hinapit palapit sa kanya.
"Baby, anong gusto mo?" Tanong niya kagad sa akin.
"Kung ano nalang din yung gusto mo." Sabi ko pero hindi ako nakatingin sa kanya, sila Noel pa din ang tinitignan ko.
"Pano yun, ikaw yung gusto ko?" Dun ako biglang napatingin kay Phil saka niya ako kinindatan.
Holy shitake mushrooms! Feeling ko ang pula pula ko na naman! Umiwas naman agad ako ng tingin sa kanya, kunwari naghahanap ako ng upuan. Peste naman apat na taon na pero ganito pa din ang reaksyon ko pag bumabanat siya! Argh!
"Coffee Jelly nalang. Hahanap na ako ng upuan." Inilayo ko naman ang sarili ko sa kanya.
"Di mo na kailangan maghanap, madami namang upuan talaga." Natatawa niyang sabi sa akin saka niya inilahad ng kamay niya yung mga upuan na nakikita namin ngayon. Napatakip ako sa mukha ko saka ko siya tinignan ng masama.
"Binabara mo ba ako Phil? For Pete's sake, sige maghahanap ako ng vacant seat! Happy?" Tumawa naman siya lalo sa reaction ko.
"Pikon mo. Sige na, pag wala kang makitang vacant chair, you are always welcome to sit on my lap." Itinaas baba niya yung kilay niya saka niya kinagat ang lower lip niya. Siyempre namula na naman ako pero hindi ko na lang pinahalata.
"Eww. Thanks for your offer. It was very tempting but no thanks!" Pagtataray ko sa kanya.
"Wag ka gaganyan ganyan Tiff, baka di ako makapagpigil at mahalikan kita dito."
Natawa lang ako saka nag-walkout pero sa totoo niyan, nagppalpitate na naman yung puso ko. Whoo! Inhale exhale Tiffel, may mission ka ngayong araw at yun ay pagselosin si Phil.
Tinignan ko naman ulit yun table nila Noel tapos naghanap ako ng vacant chair. Mamaya na din siguro didiskarte sila Sean ng iddrama namin. Kailangan mag-practice na ako surprised expression.
BINABASA MO ANG
Beki, Beki, Bakit Tayo Gumawa?
Teen FictionPano kung dahil lamang sa isang hindi inaasahang pangyayari ay may mabuo... Nakabuo kayo ng bata ng isang tao na hindi mo pa lubusang kilala... E pano kung malaman mong kabilang pala siya sa lumalaking pederasyon ng mga Diyosa sa Pilipinas? An...
