Chapter Thirty One
Maya maya pa ay naalimpungatan ako sa malalakas na katok galing sa pintuan. Enebenemenyen, istorbo naman sa pagtulog itong nilalang na ito? Tsk.
"Fel! Fel! Hoy! Sumagot ka naman! Ano na bang nangyari sayo jan?! Fel!"Narinig ko ang boses ni Phil.
Saan ba ipinaglihi si Phil? Ang ingay ingay, mas maingay pa ata sa alarm clock! Hindi ko siya pinansin, hindi ko idinilat ang mga mata ko. Aalis din yan si Phil pag napagod, doon na lang siya sa kabilang kwarto matulog. Ang presko kaya sa kwartong ito, para akong nakalubog sa tubig.
"Fel naman! Magdadalawang oras ka na jan sa banyo! Sumagot ka naman! Nagaalala na ako sayo!" Sigaw ulit ni Phil, kinakatok niya pa din ako.
Teka, wait. BANYO? DALAWANG ORAS? SHIT! OO NGA PALA! Dumilat na ako ng tuluyan at madaling nagbanlaw sa ilalim ng shower . Oo nga pala, sabi ni Phil bilisan ko kanina dahil inaantok na siya kaso nakatulog naman ako! Patay na naman ako nito! Magsusungit na naman ang bakla!
"Fel! Hoy... sumagot ka naman! Tatawagan ko na sila Mama! Fel!"
Nagsuot naman kagad ako ng bathrobe at ibinalot ng towel ang buhok ko. Shit. Bakit ba kasi ang tanga tanga ko? Bakit ako nakatulog sa bath tub? Baka sakalin na ako ni Phil sa sobrang inis, ayaw pa naman nun yung pinaghihintay siya ng matagal. Binuksan ko naman agad yung pintuan after ko ligpitin lahat ng kalat ko at inilagay sa hamper ang madumi kong damit.
"Phil. Sorr-"
Teka si Phil ba ang nakikita ko?! Ngayon ko lang siya nakitang ganito kastress! Yung tuxedo na kaninang maayos niyang suot ay nakahambalang na sa kama, nakatuckout na yung polo niya at yung bow niya ay nakalaylay na sa may bandang dibdib niya. Pati nga yung buhok niya ay gulo gulo na, kitang kita mo sa mata niya ang...worry. Nagaalala talaga siya saken, touched naman ako dun. Pero ifairness kahit ganyan ayos niya, yummy pa din naman ang asawa ko! Hoho.
"Bakit naman ngayon ka lang sumagot? Kanina pa ako kumakatok oh! Nababaliw na ako dito, tatawag na sana ako ng magbubukas ng banyo!"Napasapo siya sa mukha niya saka niya ako tinignan and then he pulled me into a hug.
"Sorry, ahm...nakatulog kasi ako... Naalimpungatan lang ako sa katok mo."Nalilito pa din ako sa nangyayari. How come?
"Bakit hindi ka agad sumagot nung nagising ka?" Mahina niyang sabi sa akin. He buried his head at the crook of my neck kaya medyo nakiliti ako, hindi lang ako nagpahalata.
"Saka ko lang naalala na nasa banyo ako nung sinabi mong 2 oras na ako nasa loob." Pagpapaliwanag ko sa kanya, I hugged him back.
"Ano ka ba naman Fel! Tsk, akala ko kung ano na ang nangyari sayo sa loob. Sige na magbihis ka na." Humiwalay na siya sa yakap ko at hinayaan na muna niya akong magbihis.
Nagbibihis na ako nga pyjamas nung nilingon ko ulit si Phil, hindi pa din siya pumapasok sa banyo. Nakatulala lang siya sa kawalan. Abnormal din talaga siya! Pinagmamadali niya ako kanina tapos hindi naman pala maliligo. Sarap batukan!
"Hindi ka maliligo?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi na, matulog na tayo, tatabi ka sa akin kahit ayaw mo." Pumunta na siya sa may kamat at hinubad na niya ang polo niya kaya naka-plain v-neck white shirt na lang siya. Hinubad na niya din yung pants niya kaya boxers na lang ang natira. Tumalikod naman kagad ako.
"B-bakit...h-hindi ka na m-maliligo?" Napalunok ako.
Napahigpit ang hawak ko sa pyjamas ko, parang anytime kasi aagawin to ni Phil! Ayoko kaya, favorite ko kaya to! Magkamatayan muna!
BINABASA MO ANG
Beki, Beki, Bakit Tayo Gumawa?
Novela JuvenilPano kung dahil lamang sa isang hindi inaasahang pangyayari ay may mabuo... Nakabuo kayo ng bata ng isang tao na hindi mo pa lubusang kilala... E pano kung malaman mong kabilang pala siya sa lumalaking pederasyon ng mga Diyosa sa Pilipinas? An...
