Chapter Thirty: The Wedding

7.9K 134 17
                                        

Chapter Thirty: The Wedding Day

OH MY GOD! Gusto ko na talaga sumigaw sa sobrang kaba! Kasi naman kahit na simple lang talaga yung kasal namin, may mga bisita pa din na inimbita sila Mama! Nakaka-conscious pa naman lalo pa at sakin lang nakatapat ang spotlight mamaya pag naglakad ako mag-isa sa aisle!

"Tiff, anak, would you just sit and relax? Kanina ka pa palakad-lakad dito sa room. Ako ang nahihilo sayo.

"Sorry po, kasi naman ma, kinakabahan ako" 

Pinipigilan ko lang talaga kagat-kagatin yung newly manicured kong kuko atsaka baka kasi masira ang lipstick ko.

"Ano ka ba naman, yang kaba mo ang sisira ng moment mo mamaya sige ka, ang ganda mo pa naman din. Alam mo para hindi ka kabahan mamaya, wag mo tignan yung mga tao, magfocus ka sa isang bagay or tao. Ok?"

Tumango naman ako, she made it sound so easy. Sana nga ganun lang talaga kadali, hmm sa pari nalang ako magfofocus mamaya kasi baka pag kay Phil ako magfocus e mabilisan ko ang paglakad sa sobrang excited ko makalapit sa kanya.

Nakarinig kami ng soft knocks bago sumilip na ng tuluyanyung wedding coordinator, sinabihan niya ako na lumabas na at naghihintay na si Phil sa akin.

Ngumiti naman ako saka lumabas na nung kwarto, sa kabilang door lang kasi yung wedding pero siyempre dahil bawal kami magkita ni Phil, nakatago ako dito. Huminga ulit ako ng malalim bago ko tinignan si Mama. Niyakap niya muna ako at bineso.

"Sa wakas! Makikita ko ng ikakasal ang anak ko sa isang magandang dilag katulad mo! Sige na iha, mauna muna ako pumasok sayo ha. Mauuna kasi kami maglakad nila Phil."

Tumango naman ako saka siya pinanood pumasok, naiiyak ako, sana nakikita ako nila Mamita ngayon. Sana sila ang maghahatid sakin sa altar, si Papito yung maglalagay ng kamay ko sa kamay ni Phil pero waley e, ako lang magisa ang maglalakad ngayon.

Maya maya pa ay narinig kong nag-play na ang Pachelbel Canon. Shit, this is it. Ikakasal na ako!!! Ito na ang malakas na tibok ng puso ko, help me Lord. Sana maging maayos ako makapaglakad.

Hindi pa man natatapos yung kanta ay pinutol na ito, siguro tapos na maglakad sila Mama at yung iba pang guests. Fudge Brownies naman oh! That means it's my turn! Grabe Lord, sana hindi po ako matapilok! Nag-start na ulit ang isang panibagong kanta saka binuksan ang pintuan na naghihiwalay saken para makita ang venue.

Tumugtog na yung live wedding singers ng sinabing kanta ni Phil sa kanila. Hindi ko na kasi pinakailaman yun dahil hindi naman ako masyado sa music, kaya pinabayaan ko na si bakla na mamili.

Hindi ko nga aakalain na itong kanta ang pinili niya. Yung True ni Ryan Cabrera, mas ginawang romantic lang with the guitar, piano and violin tapos ang ganda pa nung boses nung wedding singer, nakakaiyak na nakakakilig.

I won’t talk, I won’t breathe, I won’t move ‘til you finally see that you belong with me

You might think I don’t look but deep inside in the corner of my mind, I’m attached to you.

Now this is my cue, nagsimula na ako maglakad sa aisle, nung una ay hindi ko mapigilan ang hindi tumingin sa mga tao pero nung makita ko si Phil ay sa kanya na ako natulala. Ang pogi naman kasi talaga ng mapapangasawa ko oh!

I’m weak, it’s true ‘cause I’m afraid to know the answer

Do you want me too? ‘Cause my heart is falling faster

Nung magtama ang mga mata namin ni Phil ay nagsmile siya saken saka nag-wink. Naku Tiff! Pigilan mo ang sarili mong tumakbo! Kasi naman itong si Phil, isang malaking tukso!

Beki, Beki, Bakit Tayo Gumawa?Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon