Chapter Ten: Meet Lucifer's Son

7.9K 130 22
                                    

Chapter Ten

Maya maya ay may isang papel na nakapatong sa table ko. Nagpass ng note si Jerry, mautak din si mokong e. Para nga naman hindi marinig ni Noel db?

Gusto mo pa ng ice cubes?  -Jerry

Sumulat naman agad ako ng isasagot sa kanya.

Wag na mamaya nalang yung hindi nila nakikita para walang pagdududa. :(  -Ako

Pinisil na naman ni Jerry yung ilong ko, favorite niyang gawin yun talaga. Nagpatuloy pa din kami sa sulatan namin.

Wag ka magaalala mamaya, bibili ako ng drinks na may ice cubes para di halata. Kahit yung ice cubes nung drinks ko, sayo na din. ;)  -Jerry

Talaga?! Thank you! :D  -Ako

Mamaya pala gusto mo sumama? May gig kasi ako sa bar, isasama ko nga barkada e. -Jerry

Sige, hindi din naman uuwi ulit ngayon si Mamita e. Ewan ko nga mas madalas siyang nasa opisina kesa sa bahay. -Ako

Bakit naman? Nasan ba kasi yung Daddy mo? -Jerry

Hindi mo ba alam? -Ako

Na alin? -Jerry

Tinignan ko muna siya bago ko kinwento sa sulat ang totoong detalye ng nangyari sa tatay ko. Malaki ang tiwala ko kay Jerry na hindi niya ako huhusgahan dahil alng sa family background ko.

My Dad was convicted for murder kahit hindi naman niya ginawa. May pinatay daw siya 8 years ago. Isa siya sa pinakahuling tao na nakatanggap ng death penalty dito sa Pilipinas. Kaya ngayon, sinusubsob ni Mamita ang sarili niya sa trabaho kasi hanggang ngayon hindi pa din niya makalimutan si Papito. Kahit naman ako e. Hindi pa din ako makapaniwala na ganung kabait na tao ang mapaparusahan sa kasalanang di niya ginawa. :(((

I felt Jerry stiffened. Anyare sa kanya? May nasabi ba akong masama? Nagsulat ulit ako.

Hoy Jerry ok ka lang ba?

You are a Dela Palma right? - Jerry

You are stating the obvious, Jerry. -Ako

Pag may sinabi ba ako na hindi maganda e magiging friend mo pa din ako? -Jerry

Depende kung gaano kamali. -Ako

Wag na nga lang. Ayaw kong mapalayo ka saken e. -Jerry

Sabihin mo na, ayoko ng may iniisip ako. Sige ka mastress kami ng anak ko. I'll try my best to understand. -Ako

Huminga muna si Jerry ng malalim bago nagpatuloy sa pagsusulat. Ano na naman kaya ang revelation nitong mokong na to.

My Dad was the real murderer that time. I'm really sorry Tiff. Your Dad worked under our company, the Zamora Realty Inc. di ba? Nandun ang Daddy mo nung pinatay ng tatay ko yung pinakamalaki dapat na investor namin kasi he withdrew the deal. Sobrang inaasahan kasi ni Daddy yun dahil the company will go down talaga. That's the reason why I loathe my Dad so much, napakasama niya at pakiramdam niya lahat ng tao ay mokocontrol niya ng pera. I'm really really sorry Tiff. Hindi ko expected na ikaw ang anak nung taong sinetup ni Daddy, I thought co-incidence lang na Dela Palma ka din. Ngayon malinaw na lahat. I'm really sorry T.T

Hindi ko inaasahan na yun pala ang sasabihin ni Jerry. Habang binabasa ko yung note niya ay di ko mapigilan umiyak. Katabi ko ang anak ng tao na dapat nakaranas lahat ng dinanas ni Papito. Katabi ko ang anak ng demonyo, that guy killed my father, he killed that rich investor, and he is slowly killing Jerry and me.

Beki, Beki, Bakit Tayo Gumawa?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon