Chapter Twenty Two
Argh! Ang sakit na ng likod ko! Paano ba naman kasi, sa sahig talaga ako pinatulog ng bakla habang nagpapakasarap siya doon sa kama! HE IS SUCH A DEVIL! Bukod sa comforter lang ang binigay niya para higaan ko, finull blast niya pa ang aircon kaya sobrang lamig ng sahig. Pesticide naman!!!
*ring ring*
Alarm clock ko ba yun? Ang aga naman mag-alarm! Teka nasan na ba yung cellphone ko?
Hinanap ko naman ito agad at kinapa-kapa ang paligid ng comforter at tinignan ang ilalim ng dalawang unan na labag pa sa loob na pinagamit sa akin ni Phil. Nakita ko naman ang phone ko sa ibabaw ng drawer ni bakla. Ano namang ginagawa nito dito? Ang alam ko nasa tabi ko ito kanina.
Tinignan ko naman kagad, unregistered number. Sino naman kaya ito? Kinusot ko ang mata ko. I made it sure na mahina ang boses ko kasi baka magising si monster.
“Hello?”
"Hello Tiff!"
OWMAYGASUL! Yung boses na yun, kilala ko ang boses na yun! Jerry my savior! Now, you're back in the game!
“JERRY!!!” Hindi ko na napigilan ang mapasigaw at napabangon ako ng wala sa oras nung marinig ko ang boses niya. Napalingon naman ako agad sa pwesto ni Phil, mukha namang hindi natinag ang bakla kaya nagpatuloy nalang ako. “Jerry, kamusta ka na? Buti alam mo pa ang number ko? Nasaan ka na ba?”
Narinig ko namang tumawa si Jerry sa kabilang linya. Namiss ko talaga ang mokong na to kahit na saglit palang kami hindi nagkita. Iba din kasi ang depth ng friendship namin, isa siya sa pinaka-close kong tao sa buong buhay ko.
“Ikaw talaga Tiff hindi ka pa rin nagbago, nandito ako ngayon sa Manila for some business meetings pero babalik din ako sa States after two weeks. Kahapon pa ako nakabalik dito, hindi lang agad kita natawagan kasi alam mo na bantay sarado ako ng demonyo. Kailangan pa din kita protektahan. Ikaw? Kumusta ka na pati si baby?”
“Pwede ba tayo magkita ulit? Alam mo ba namiss kitang mokong ka!” Hindi ko napigilan ang hikbi na kumawala sa akin, na-overwhelm ako tsaka miss ko na talaga kasi siya. “Ayan! Naiyak tuloy ako, ikaw kasi e! Ok naman kami ni baby! Nakakainis naman kasi yang si Lucifer! Hmph!” Pinupunasan ko ang luha ko.
“Ittry ko tumakas para magkita ulit tayo. Kaso baka matagalan, mahirap kasi talaga tumakas e. O sige na kinamusta lang kita. Saglit lang dapat ako tumawag, mattrace kasi ng demonyo tong tawag pag tumagal. Ingatan mo sarili mo palagi ah. I'll see you soon.” Nalungkot naman kagad ako nung parang tinapos na niya kagad yung pag-uusap namin.
“Teka Jerry!!!”
*toot toot toot* Ibinaba kagad ni Jerry ang tawag.
Embeyen! Saglit lang din kami nakapagusap! But at least, may possibility na si Jerry talaga ang nakita ko kanina sa daan. Haay, salamat naman.
Tinititigan ko pa yung cellphone ko ng biglang may humablot. Nanlaki naman ang mata ko nung makita ko na si Phil pala ang may kagagawan. Naku patay! Nagising ko ang monster! Tinititigan na naman niya ako na parang papatayin niya ako.
“Uh...uhm...n-nagising b-ba k-kita?” Ay gaga lang magtanong Tiffel?! Malamang nagising mo di ba? Hindi naman si Enrique Gil ang nakikita mo ngayon no?! Timang!
“Oo.” Ayan na naman tayo sa oo at hindi niya. Bwisit! Huminga naman ako ng malalim.
“Sorry na okay? E kasi namiss ko lang naman talaga si Jerry kaya hindi ko na napigilan na mapalakas yung boses ko.” Pagpapaliwanag ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Beki, Beki, Bakit Tayo Gumawa?
Ficção AdolescentePano kung dahil lamang sa isang hindi inaasahang pangyayari ay may mabuo... Nakabuo kayo ng bata ng isang tao na hindi mo pa lubusang kilala... E pano kung malaman mong kabilang pala siya sa lumalaking pederasyon ng mga Diyosa sa Pilipinas? An...
