Chapter Twenty Eight
Pagdating namin sa table ay parang mahal na araw na naman ang mukha ni Phil. Padabog niyang inipon yung paperbags namin, hindi na niya ako pinaupo. Hinawakan niya kagad ako sa kamay, mahigpit.
"Ma, sorry but we have to leave." Alam kong pinipilit lang niyang maging maayos ang boses niya.
"Why? Hindi na ba kayo kakain?" Halatang nabigla si mama sa biglang change of mood ni Phil, courtesy of me.
"We...uh...we need some "alone" time. Would you mind?" He scratched his forehead then he looked at me, more of glared at me.
"Hayaan mo na sila ma, mga bata pa yan, kailangan talaga nila yun. Para namang hindi tayo nagdaan sa ganyan. Once they've started it, they just can't get enough. Hala sige na mauna na kayo. Drive safely, Phil.'
"Thanks...uh...Dad." pagkasabi nun ni Phil ay nakita ko kung paano umaliwalas ang mukha ni daddy. He grinned, big time. Kahit ako ay medyo naiyak dahil for the first time after such a long time, Phil called him Dad.
Pero hindi yun ang inaalala ko, mas gusto ko pang maiwan dito at kumain kasi naman hindi naman "alone" time ang kailangan ni Phil, "war" time ang gusto niya, mahabaging singkamas ni mang tomas, help me naman please?!
"Munchkins, let's go." He sounded sweet pero alam kong nagpapanggap lang siya. Ang pagtawag niya sa akin na munchkins, alam kong deep inside ay minumura na niya ako. Inalis ko naman ang kamay ko sa pagkakahawak niya.
"Mauna ka na, kakain muna ako." Hindi ko siya tinitignan. Uupo na sana ako pero hinapit ako ni Phil palapit sa kanya.
"I'll cook for you at home baby. Let's go, shall we?" Pilit niyang smile sa akin.
Wala na akong nagawa kung hindi magpahila sa kanya kung saan man niya ako dadalhin. Tsk, napakamoody naman kasi!
Nung nasa parking na kami ay binuksan niya muna ang compartment nung kotse at nilagay dun yung paperbags saka sinara ulit, hindi niya binibitawan ang kamay ko. Salamat naman at isinara niya kagad, akala ko pati ako ilalagay niya dun! Binitawan niya naman ng malakas yung kamay ko na parang hinagis niya! Halos mapatumba ako, bwisit!
"Ano bang problema Phil? Nagugutom na ako, kakain muna kami ng anak ko. Babalik na ako sa loob." Maglalakad na sana ako pero hinatak niya ako pabalik at itinulak para mapadikita ng likod ko sa kotse. Hinawakan ko naman yung braso ko na mahigpit niyang hinawakan.
Alam ko na pinipilit niyang pakalmahin ang sarili niya, mabilis kasi siya huminga ngayon. Hinilamos niya ang mga palad niya sa mukha bago siya pumikit at hinilot ang batok niya then tumingin siya sa akin ng masama. Akala ko magsasalita na siya pero nagkamali pala ako, he remained silent.
"Phil ano ba?! Pinagttripan mo na naman ba ako?!" Naiinis ko ng sabi sa kanya. Saglit din kaming natahimik bago siya lumapit sa akin.
"You're asking me kung anong problema ko? Bulag ka ba Tiffel?" Pabulong niyang sabi pero lethal pa din ang tono. Nakakatakot.
"Hindi ko alam kaya sabihin mo! GINAGAWA MO NA NAMAN BA AKONG TANGA?! WALA AKONG PANAHON MAKIPAGLARO SAYO NGAYON PHIL! KUNG AYAW MO SABIHIN, BABALIK NA LANG AKO SA LOOB!" Tinulak ko siya palayo sa akin at nilampasan ko siya.
"Alam mo ang landi mo!" Napatigil naman ako sa paglalakad saka nilingon ulit siya, ANO DAW?! Naghahanap ba siya talaga ng giyera?!
"GANYAN KA BA TALAGA?!LAHAT NG LALAKI NA NAGPAPAKITA NG INTERES SAYO PAPATULAN MO?! AYOKO NA NG KASAL, AYOKONG MATALI SA ISANG LOW-CLASS NA MALANDING BABAE KATULAD MO! SINABI KO NA SAYO NA AYOKONG MAY MAKIKITANG IBANG LALAKI NA KASAMA MO PERO ANONG GINAWA MO KANINA?! YOU WERE FLIRTING WITH THAT ASSHOLE! WALA KANG PAGKAKAIBA KAY RIZZA! PARE-PAREHAS KAYONG LAHAT!"
BINABASA MO ANG
Beki, Beki, Bakit Tayo Gumawa?
Teen FictionPano kung dahil lamang sa isang hindi inaasahang pangyayari ay may mabuo... Nakabuo kayo ng bata ng isang tao na hindi mo pa lubusang kilala... E pano kung malaman mong kabilang pala siya sa lumalaking pederasyon ng mga Diyosa sa Pilipinas? An...