Chapter Fifty Four
Nandito kami ngayon sa Starbucks sa Trinoma ulit. Wala lang namamasyal lang kami ni Phil kasi off duty ako ngayon. Bawi bawi lang kay Phil para magkaroon naman kami ng quality time.
Nagulat ako kasi may isang manong na lumapit samin na may dala ng isang bouquet ng tulips. Nagulat naman kaming dalawa ni Phil. Tapos biglang nag-iba yung mood niya, masama na naman ang tingin niya sa akin.
"Iha, may nagpapabigay sayo." Sabi ni manong. Nagtataka ko itong tinanggap.
"Kanino po galing?"
"Ayaw niya ipasabi, pero magandang lalaki."
"Ah salamat po."
Nginitian naman ako ni manong bago umalis ulit. Kinuha naman agad ni Phil yung card na nakaipit. Naku patay na naman ako. Bingo na naman ako! Sino ba naman kasi tong nagpabigay nito?! Wrong timing naman oh! Kasama ko kaya yung possessive kong boyfriend! Kainis!
"Sino si G?!" Inis niyang tanong sa akin saka niya inilibot yung tingin sa paligid. Kinuha ko naman agad yung card at binasa ko, lalo naman akong naguluhan.
*I missed you Tiffel, see you soon -G ♥*
Lumaki naman ng 100 times yung mata ko pagtapos ko itong basahin. Potek, hindi ako pwede magpalusot kasi buong pangalan ko ang nakalagay, ang matindi pa dun may heart pa! Sino ba to?
"Uh...b-babe promise w-wala akong kilalang G!" Siguro putlang-putla ang itsura ko ngayon. Nakakatakot na kasi si Phil. Sino ba naman kasi si G?!
"Tiffel sweetie, nagandahan ka ba sa tulips?" Napatingin naman kaming dalawa sa tao na nagsalita. Hindi ko siya mamukhaan kasi nakashades na nga, naka-cap pa! Siya si G?! Bakit di ko siya kilala?!
"Sweetie?!" Napatayo naman si Phil sa narinig niya. Uh-oh nangangamoy away ito!
"Yup, she is my sweetie. By the way, who the hell are you?" Sabi ni mystery guy na baka mamaya ay dead guy na.
BINABASA MO ANG
Beki, Beki, Bakit Tayo Gumawa?
Ficțiune adolescențiPano kung dahil lamang sa isang hindi inaasahang pangyayari ay may mabuo... Nakabuo kayo ng bata ng isang tao na hindi mo pa lubusang kilala... E pano kung malaman mong kabilang pala siya sa lumalaking pederasyon ng mga Diyosa sa Pilipinas? An...
