Chapter Twenty One
Halos dalawang linggo na din pala kaming ganito ni Phil, nag-uusap lang kami pag kaharap si Mama. Kaso hindi ko din alam kung considered as conversation pa din ang oo at hindi naming sagot sa isa’t isa. Si Mama lang naman kasi mostly ang daldal ng daldal.
Pero alam niyo kahit hindi kami nag-uusap ni Phil, nahahalata ko na tuwing gabi ay hinihintay niya muna akong mag-goodnight sa kanya bago siya tuluyang papasok sa kwarto niya. Nakakatuwa pa nga kasi kapag alam niyang gising pa ako at nanonood pa ako ng TV sa sala ay palabas-labas siya ng kwarto niya. Hindi din siya nagmimintis sa paghalik sa pisngi ko kapag papasok na ako sa kwarto.
Hindi ko nga alam kung galit pa ba siya o nag-iinarte na lang eh.
Katulad ngayong umaga, hindi pa din kami nag-uusap pero hinintay niya muna akong lumabas ng kwarto ko bago siya pumunta sa dining area kung saan kanina pa pala naghihintay si Mama.
“May passport ka na ba? Pati visa?” Tanong ni Mama habang kumakain kami ng breakfast, magkatabi kami ni Phil at nasa harap namin siya.
“Uhm...may passport po ako pero visa po wala pa. Bakit po?” Uminom kagad ako ng juice.
“Pwes bukas na bukas ay lalakarin natin yang papeles mo. Aalis na din kasi ko next week at gusto ko sumunod kayo dun ni Phil a week after para naman mameet ka ng Daddy ni Phil. Dun ko na din kayo ipapakasal dalawa, saka nalang kayo dito sa Pilipinas pag sigurado na kayo sa isa't isa. I-work out niyo kung ano meron kayo.” Mahabang litanya ni Mama, bigla namang napuno ng paru-paro ang sikmura ko at pakiramdam ko ay nabusog kagad ako. Ang bilis naman.
“Ma walang kami.” Tipid na sabi ni Phil habang naglalagay ng peanut butter sa toasted sandwich niya. Aray Phil ha, konting konsiderasyon naman.
“Oo na, alam ko na wag mo na ulit ulitin, pero sana naman magkaayos kayo para sa anak niyo. Itry niyo lang naman.” Sabi ni Mama, napainom ulit ako ng juice.
Tumahimik na naman ang paligid. In another two weeks pala, magiging Mrs. Conte na ako. Kahit na gustong gusto ko magsaya ay hindi ko magawa. Tsk, sabi pa naman ng doctor wag na daw ako magpapastress pero eto naman kasing si Phil e parang tanga lang, siya ang nagbibigay ng problemang iisipin ko.
Gusto ko siyang sigawan at sabihin na napakaarte niya pero hindi ko magawa dahil alam ko din na kasalanan ko naman. Dapat hindi ko tinago sa kanya ang totoo pero anong magagawa ko, gusto ko sumaya si Noel pero mas mali pala yung ngayon ko sinabi dahil mas masasaktan siya pag nalaman niya.
“O ano Tiff, ok ba sayo kung lumakad tayo bukas?” Nawala naman ako sa pag-iisip ko nung marinig kong kausap ako ni Mama.
Tumango nalang ako, nakakatamad na magsalita. Tsaka isa pa, wala namang dahilan para magsalita, hindi din naman ako kakausapin ni Phil pag nagkataon eh. He is so cruel but I still like him so much. Nakakainis!
“Phil, i-cancel mo lahat ng appointments mo kung meron man, samahan mo kami. Dadaan na din tayo sa doctor.” Utos ni Mama ay Phil.
Tumango lang din si Phil pero nung nagtama yung tingin namin inirapan ako ng bruho! Charoterang bakla to. Nakakairita na siya ha! Pag ako napuno, e di napuno. Hindi ko naman kaya pa umalis sa puder niya lalo pa at walang wala din naman ako ngayon. Oo na, user na ako!
Kinabukasan ay mas nauna akong nagising kesa sa kanila kaya maaga akong nakapaghanda at ako na din ang nag-prepare ng breakfast after ko mag-ayos ng sarili. Sunod namang gumising si Mama.
“Tiff, anak pakigising mo na nga yan si Phil. Tsk, sinabihan ng may lakad kasi e kung makapagpuyat wagas! Ang sakit niya sa ulo.” Utos ni Mama sa akin, umupo kaagad siya sa harap ng dining table.
BINABASA MO ANG
Beki, Beki, Bakit Tayo Gumawa?
Teen FictionPano kung dahil lamang sa isang hindi inaasahang pangyayari ay may mabuo... Nakabuo kayo ng bata ng isang tao na hindi mo pa lubusang kilala... E pano kung malaman mong kabilang pala siya sa lumalaking pederasyon ng mga Diyosa sa Pilipinas? An...