Chapter Fifty One
Nagising nalang ako sa isang hindi pamilyar na kwarto at mga braso na nakayakap ng mahigpit sa akin na akala mo ay anytime aalis ako.
Hindi ko na kailangang lingunin pa kung sino yon. Kahit pa lasing ako kagabi, tanda ko lahat ang nangyayari sa amin. Umpisa na pala ito ng bagong simula namin ni Phil. Aarte pa ba ako? E may nangyari na sa amin.
Dahan-dahan akong kumilos para bumangon pero lalo akong niyakap nung mokong. Hinarap ko naman siya, sarap talaga niya titigan. Napakaamo ng mukha, parang anghel.
"Done drooling hon?" Dinilat niya naman yung isang mata niya saka ngumiti. Inalis niya naman yung pagkakayakap niya sa akin saka niya kinuskos yung mata niya.
"Phil, wag mong masyadong kuskusin yung mata mo, nakakasira din yan ng mata. Hinay hinay lang."Pagsasaway ko sa kanya.
"Yes Doc! Good morning!" Napangiti naman ako, iba na nga ata si Phil. Hindi siya ganito dati, palagi ngang bugnutin yan pag kasama ko.
Nagulat nalang ako nung hinalikan ako sa pisngi ni Phil. Niyakap niya ukit ako at isiniksik lalo ang sarili niya sa akin. Naramdaman kong wala pa din kaming saplot sa ilalim ng kumot.
"Good morning kiss para maganda ang umpisa ng araw ko. Teka lang ipagluluto kita ng breakfast." Napataas naman ang kilay ko, on all fairness biglang sinapoan ng kasweetan si Phil ha.
"Talaga? Sige nga." Nakasmile kong sabi sa kanya. Bigla naman siyang tunayo at nag-boxers then nagsuot ng simpleng t-shirt. Kahit ganun, ang hot niya pa ding tignan.
"Wait, tawagin nalang kita pag okay na. Maligo ka nalang muna kung gusto mo. Kuha ka nalang sa cabinet ng damit, may ibang damit ka pa diyan." Nagulat naman ako sa pahayag niya. Tinago niya pa talaga lahat ng gamit ko?
Tumango naman ako saka naglakad na papunta sa pintuan. Nakita ko naman na nakatigil si Phil at nakaharang sa dadaanan ko. Nakatingin lang siya sa akin.
"Bakit?" Nagtataka kong tanong sa kanya.
"Yung banyo ay yung pinto katabi nito. Kumpleto na yun sa mga kailangan mo, katulad nung mga ginagamit mo dati. Yung towel at bathrobe nasa cabinet sa taas nung mirror." Pagpapaliwanag niya sa akin.
Tumango naman ulit ako saka naglakad pa-kanan. Bubuksan ko sana yung pinto nung hinila na naman ako ni Phil. Next thing I know, I was wrapped up in his arms. Awww.
"Parang may usapan tayo dati na kailangan naka-wheelchair ka ng isang linggo dahil sa gagawin ko sayo di ba?" Natatawa niyang sabi saka niya unti-unti ipinadulas ang kamay niya sa bare shoulders ko hanggang pababa sa likod ko, just above my butt.
Tumaas ang balahibo ko sa ginawa niya pero pinalo ko naman palayo kagad ang kamay niya at kinuha ang kumot at ibinalot ito sa katawan ko. Hindi pwede! Dapat nga manliligaw pa siya eh, kaso pinagbigyan ko na kasi naman bumigay na din naman ako kagabi pero sana wag niya namang abusuhin!
Hinila niya naman ako kagad pabalik sa mga braso niya saka niya ako siniil ng malalim na halik sa labi na halos nakapagpalambot sa tuhod ko. Marahan ko naman kagad siyang itinulak palayo sa akin.
"I love you." Seryoso niyang sabi sa akin saka noya sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri niya. Ngumiti lang ako sa kanya.
"When will I hear those words again from you?" Bagsak balikat niyang tanong sa akin nung wala siyang marinig na response from me.
"Who knows?" Kibit-balikat kong sabi sa kanya saka ko na binuksan yung pintuan sa banyo.
"Sabagay, nararamdaman kong malapit na." Smug niyang sabi saka niya hinila paalis sa katawan ko ang kumot, nag-piyesta naman kagad ang mga mata niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/3856671-288-k844292.jpg)
BINABASA MO ANG
Beki, Beki, Bakit Tayo Gumawa?
Teen FictionPano kung dahil lamang sa isang hindi inaasahang pangyayari ay may mabuo... Nakabuo kayo ng bata ng isang tao na hindi mo pa lubusang kilala... E pano kung malaman mong kabilang pala siya sa lumalaking pederasyon ng mga Diyosa sa Pilipinas? An...